Tuluyan na kong lumabas ng room namin para kumain. Nang makarating ako sa canteen, bumili agad ako ng pagkain. Humanap ako ng bakanteng upuan ngunit wala akong nahanap.
"Pst! Transferee! Dito!" lumingon ako at nakita ko ang mga kaklase ko na hindi ko alam ang mga pangalan
Naglakad naman ako papunta sakanila at pinaupo nila ko
"Thankyou hehe" nahihiyang sabi ko
"Wala yan. Hahaha we're classmates. Ano nga pala ulit name mo?" tanong nung babaeng kulot yung buhok at medyo morena
"Sapphire Aishira Dempsey" sabi ko
"Ang ganda naman ng name mo. Ako nga pala si Samantha Eunice Roberts. Sammy nalang" pakilala nung babaeng maikli ang buhok at maputi na masiyahin
"Rheena Leine Alejandro hehe" yung babaeng kulot na morena
"Dana Celestine Evans" mukhang badgirl but siguro mabait sya kasi sya yung tumawag sakin
"Georgina Antoinette Sy" ih ang ganda nya. hshsaha ang puti parang snow tapos ang liit ng mukha
"Reika Mariano" sya yung pinaka tahimik. kanina pa sya nakatahimik at nakatingin lang samin
"Reisha Mayumi Shinohara" hapon. walang duda hahaha singkit na maputi e.
"Nice to meet you all. Sobrang saya ko at kahit papano may mga makakasama na ko." nakangiting sabi ko sakanila
"Nice to meet you din, Aish." Rheena
"Oo nga. We're friends starting today. Hahaha you're one of us now!" Reisha ang cute nya
"Tara na girls. Pasok na tayo" Reika. Tahimik nya talaga hmm
Inubos namin ang aming mga pagkain at pumasok. Nagtatawanan at kwentuhan sila habang naglalakad. Wala naman ako alam sa pinagkwentuhan nila kaya tahimik lang ako.
Binuksan na ni Sammy ang pinto at pumasok kami. Nakatingin sakin yung babaeng nakabangga ko kanina
"Nakahanap ka na pala ng mga kakampi mo. Loser ka parin HAHAHAHAHA" sabi ni Polla. Nagtawanan din ang mga alipores nya.
"Tatahimik ka ba Polla o papaduguin ko yang bunganga mo para matahimik ka?" malamig na sabi ni Reika. Nakakatakot
Namutla naman si Polla at tumahimik. Nakakatakot pala talaga si Reika
"Chill kalang Rei, wag mo masyadong pansinin yang si Polla. Kulang sa aruga yan e. HAHAHAHAHA" sabi ni Sammy saka tumawa. Tumawa din si Dana pati ang iba naming mga kaklase. Natawa din ako sa sinabi ni Sammy.
"Reisha, sino ba yung mga yun? Si Polla lang medyo namumukhaan ko kasi nakabanggaan ko sya kanina." tanong ko kay Reisha.
"We called them Power Poop Girls hahah kasi wala gusto lang namin. Masyado kasi silang mga pasikat. Ang 'so-called' leader nila kuno ay si Marzelle Polla Constantino, yon namang katabi nya ay Daisey Roxanne Bualto. Yung nasa likod naman ng upuan ni Polla ay Rio Analyn Quiambao tapos yung katabi ni Rio si Karen April Ros at yung nasa harapan ni Daisey, ay si Ally Theresa Santos." pakilala nya sakin sa grupo nila Polla. Akala ko sakin lang sila ganon. Talaga palang bully sila
BINABASA MO ANG
Tawag ni Kamatayan
Mystery / Thriller"Kailangan mong matutunang makipaglaro kay kamatayan kung gusto mong mabuhay."