MA! Diba sabi ko ayokong lumipat ng skul?! Bat nyo ginawa yun?
Kung ano man ang desisyon mo, wala na kaming pakialam dun. kaya namin ginagawa to kasi para to sa ikabubuti mo. kaya makinig ka na lang anak, please? - sabi sakin ni mama
Ma naman eh, - ako na umiiyak na
Amanda! bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo!? kami ang mga magulang mo kaya kami parin ang masusunod. lilipat ka na bukas na bukas din! sabi ni papa sakin.
***End of Flashback***
nandito na ako ngayon sa kwarto ko. nakahiga ako sa kama ko tas iyak parin ako ng iyak. kainis naman kasi eh! sabi nang ayokong lumipat, pinpilit parin ako. panu na ako nito?
hindi ba nila naisip na kung ayoko sa skul na yun pwede akong bumagsak? pwede ring tumigil na ako sa pag-aaral. diba?
ok lang sana kung kasama ko si Maica at Ara.
imposible naman kasing lumipat sila ng skul kasi yun yung dream skul naming tatlo eh. kainis naman!
matutulog na sana ako ng bigla akong tinawag nang kalikasan..
tumayo na ako sa kama ko tas naglakad papuntang CR nang nakita ko yung photo album naming tatlo ng mga friends ko. kinuha ko yun tas umupo ulit ako sa kama ko. hindi na ako naiihi eh.
First page. nasa mall kaming tatlo.
naalala ko tuloy yung time na yun na sigaw kami ng sigaw na may sunog kahit naman wala tas pinagtitinginan na kami ng maraming tao. tapos bigla nalang kaming nilapitan ng isang may edad na lalake tas pinagalitan kami, so ayun tumakbo kami papalayo dun. katakot kaya yun. pero kahit nakakatakot yun, nag enjoy parin ako sa kakatawa kasi kasama ko sila.
yung feeling na kahit nagmukha kang baliw ok lang kasi nag enjoy ka kasama nila.
pero siguro kung parents ko kasama ko hindi ako mageenjoy. sige nga, try nyo kayang magsisigaw kasama parents nyo.
2nd page. nasa park kami..
nung time na yun, nag panggap si maica na nahimatay daw siya, tas kami naman humihingi nang tulong tapos bigla nalang may ambulance na dumating. sinenyasan na namin si maica na bumangon na pero nagdadrama parin eh. ayan tuloy, muntik nang na sakay dun. tawa lang kami ng tawa ni Ara nun, kasi naman pagka buhat sa kanya bigla nalang gumising. sabi pa nga nya
uy kuya, joke lang. hindi po ako nahimatay.. joke lang po yun. ok lang po ako.
hahahaha.. nakakatawa talaga yun.
:(
mauulit pa kaya yun? sana naman oo. kasi naman sa TV pag ganun nangyari nagkakalimutan na sila tapos my mga new friends na sila. sana hindi ganun ang mangyayari sa'min.
(hoy! matulog ka na!)
ms. author naman eh, nag e-emote pa ko. maya na.
(ano ka ba! wala na akong maisip na naging moments nyo noh. matulog ka nah.)
naman ehh! sige na nga! Gud Nyt!
________________________________________________________________________
_ada_
