face to face :D

49 8 2
                                    

" DAMN ! Who are you ?! At bakit mo pinapakealaman ang gamit ko? !! " galit na wika ng lalaki mula sa kanyang likuran. Di na nya kailangan pang lingunin yun upang makilala kung sinu man iyon. Ito'y walang iba kundi si Mr. Oasis.

Oh My GOD !! ... Anung gagawin ko? Siguradong galit na galit ito.. Nakakatakot naman ...

Unti unti syang pumihit paharap dito . Di nya alam ang gagawin. Natatakot talaga sya sa maaari nitong gawin sakanya. 

" Who the hell are ... " di na natuloy ni Michael ang sasabihin ng humarap sa kanya ang babae. Sa di inaasahang pagkakataon ay nakita niya uli ang mukang ito. Ang mukang sa loob ng mahabang panahon ay di nya nakalimutan. Ang mukang laman ng isip at puso nya. Di nya alam kung bakit gayun nalamang sya kung tignan nito. Di na ba sya nito kilala? Patay na nga pala siya. Ngunit sino itong nasaharap nya? Minumulto lang ba sya?

"MANDY ?!! " Di na nya na napigilan ang sarili. Hindi sya pwedeng magkamali. Ito nga ang babaeng labis niyang minahal.

"My GOD ! Mandy .. Mahal ko ... Ikaw nga .." Niyakap nya ito at buong pusong hinalikan. Pero parang may mali. Parang may iba. Parang hindi tama.Bakit parang mas masarap itong halikan , parang iba to sa halik ng dating nobya. Ngayon ay napatunayan nya di nga ito ang dating kasintahan, kung bakit sila magkamuka ay di nya din alam. Ang alam nya lamang sa mga sandaling ito ay nagugustuhan nya ang tamis ng mga labi nito.

Kilala nya ko? Pero bakit tinawag nya kong MAHAL ? teka. teka. teka. Bat nya ko niyakap? WAIT !! is he going to ... 

Nagulat na lamang si Mandy ng bigla na lamang itong hinalikan ng lalaki. Natuos sya sa kanyang kinakatayuan. Parang di sya makagalaw. Nagugustuhan na din niya ang paraan nito ng paghalik.

hmmm heaven.. Ansarap ahh.. Game isa pa nga ..  aniya sa sarili at patuloy sa pagtugon sa halik nito ngunit bigla na lamang nyang naalala na isa lamnang pala itong estranghero dali dali nya itong tinulak at sinampal.

"Bastos ! " mariing wika nya dito. Pinagppasalamat niyang patatagin ang kanyang boses at takpan ang panginginig ng katawan dahil sa nangyare kanina.

Bakit kase tinugon tugon ku pa yung halik nya eh.. 

Nang dahil sa sampal na ginawad sa kanya ng babae ay biglang nagising si Michael mula sa kanyang matamis na sandali. Di na maaaring pasubalian ang damdamin, totoong nagustuhan  nya halik nito. Panandalian nyang nakalimutan ang sakit na nadarama. Ang babaeng kasahap nya ay isang perpektong replika ng dating kasintahan ngunit alam nya sa sarili nyang di ito ang dating nobya. Siguro nga't magkamuka lamang sila nito. Madami naman sa ngayun ang may mga kamukha.

" Sorry miss.. Nabigla lang ako.. Napagkamalan kitang ... Akala ko kase ... "  panu nya ipapaliwanag dito ang nangyare? Wala syang mabigkas na tamang salita para ipaliwanag dito ang mga pangyayare. Kahit sya ay nalilito.

" Akala mo kase? .."

"Look miss sorry talaga. Nabigla lang ako. Nagulat. Bakit mu kase ginalaw yung gamit ko?"  Para syang tanga. Anu bang mga pinagsasabe nya.

Bakit ko nga ba ginalaw yun? Nacurious lang naman ako masama ba yun?

"Sorry dun . Naiwan mu kase. Nacurious lang ako kaya pinanuod ko. Di ko naman alam na ganun pala yung alaman nun. Sorry "  Appologetic kong sabe sakanya. Tutal kasalanan ko naman talaga eh.

" So pareho tayong may kasalanan. Appology accepted. Sana ako din pinatawad mu na. My name is Michael. Michael Oasis.. And you are ?

"Ok sige appology accepted na din " nagenjoy naman ako eh . hihihih. "I'm Mandy...

"MANDY?! .. "

Gusto nyang matawa base sa itsura nito. Kung kaninay nakitang nagrelax na ng kunti yung muka nito ngayun naman ay parang hihimatayin ito. Pigil na pigil ang tawang ngumite sya dito.

" Ou Mandy nga pangalan ko. Huminga Michael baka himatayin ka na. I'm Mandy Ferrer. Relax ka lang. "  Napapangiting sabi nya dito. at dahil naman doon muka naman itong napanatag.

"Sorry. Kamukang kamuka mu lang talaga kase sya eh. Nagulat pa ako pati pala pangalan parehas pa kayo. Herelook at this picture. "

Gulat na gulat si Mandy ng makita ang litrato. Tama nga ito kung sa unang tingin ay di maitatanggi na magkamuka nga sila. pero makikita ang mga pinagkaiba kung titignan mabuti. So kaya pala nya ako biglang niyakap at hinalikan dahil kamukha ko si Mandy.

"Sorry kung nasampal kita kanina. Ou nga kamukha ko nga sya. Pero di ko sya kilala. Magkamuka lang talaga kame. Sorry talaga. Di ko naman kasi alam. Pinakialaman ko pa yung gamit mo " 

"No its okay.. Tsaka salamat ... " Malungkot nanamang tugon nito.

" Hey bakit parang iiyak ka na naman? " nag-aalala ng tanong nya dito. Para kasing di nya matagalan na nalulungkot ito.

" I just missed her. Seeing you makes me really miss her. Pwede bang humingi ng favor? Pwede bang payakap kahit 10 mins. lang? Please ? " Nagsusumamo nitong pakiusap.

And Her Name is MandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon