"Patawarin mo ako, kung mali man ako na minahal kita, ayoko nang itama ito, minahal kasi kita nang hindi ko sinasadya." - Reyanna
Ito ang mga salitang sinabi ko sa kanya, bago siya malagay sa ganitong sitwasyon, nakaratay sa hospital. Comatose. Wala man lang akong sagot na makuha sa kanya.
Pakiramdam ko, mali yata, mali na nga yatang minahal ko siya. Nang dahil sa pagmamahal na ito, nalagay sa peligro ang kanyang buhay. Sinisisi ko ang aking sarili, ako nga ba ang dahilan kung bakit ka ngayon nahihirapan?
Pero maghihintay ako, sa pagmulat ng iyong mga mata, ikaw pa rin ang mamahalin ko.
"Ayoko sa'yo noon, hindi ikaw ang babaeng pinangarap at inasam ko. Pero sa bawat pagpatak ng oras na nakakasama kita, binago mo ang aking pananaw. Ngayon pintig ng puso ko'y ikaw ang gustong makasama.
Gusto ko ikaw lagi kong nakikita, na bawat segundo hawak ko lamang ang kamay mo. Ikaw ang gusto kong makasama. Hinding-hindi ako mapapagod na mahalin ka, hanggang sa kabilang buhay nais kitang makapiling." - Enosh
Ito ang mga salitang sinabi ko bago ko maranasan ang isang aksidente. Masaya ako at ligtas si Reyanna. Pero isang bagay ang gusto kong mabago sa langit na magpapabago rin sa kanya dito sa lupa. Hindi kita susukuan Reyanna.
Pero paano na ngayon na sa ibang katauhan ko, mas nababaling mo ang atensyon mo sa ibang tao?
Paano nga ba tayo nagkakilala?
Paano nga ba?
...................................
5, 4, 3, 2, 1...
Ang tagal naman ng LRT, late na ako sa una kong subject!
"May mga bago kaya akong classmates?"
Salamat at heto na rin ang usad pagong na train!
"Aray! Huwag naman ho kayo manulak!"
Nakakainis! Walang aircon? Maglalagkit ako nito eh, ayun at may bakanteng upuan! Dali!
Heto na't isang hakbang na lang... Makakaupo na ako.
Anak ng! Bigla ba namang may isang lalaki na umupo! Ayos itong lalaking ito ah! Wala na bang gentleman sa mundo?
Bakit nga ba kasi dito ako sa mga lalaki sumakay? Asa pa ako na may totoong lalaki sa ngayon.
Tulad nitong lalaking nakaupo sa harap ko! Nagtutulog-tulugan na, pikit-pikit para kunyari hindi niya ako nakita!
Ako naman tinititigan ko siya, baka naman makonsensya sa pag-agaw niya ng upuan at maawa sa tulad kong babae. Mas mukha pa siyang babae sa akin.
Trying hard magpaka-Zayn Malik! Pero infairness, hawig niya nga si Zayn Malik. May dalawang hikaw na itim, messy hair style, may biceps nga naman! Moreno, pero feeling ko bading ito! Ang kinis ng mukha eh, nagpapa-derma siguro. Mas babae pa 'yung balat sa akin.
Kada tigil ng istasyon, papuno nang papuno ang sakay ng train, ang sikip! Hindi na ako makahinga, itong katabi kong matanda mukhang may baong sibuyas sa kili-kili, itong sa kaliwa ko naman amoy gutom! Nakalimutan yatang mag-toothbrush.
BINABASA MO ANG
Heaven Knows (Book 1: My Ghost Boyfriend: Si Bad Boy o Si Good Boy?)
RomansaSi Reyanna Si Enosh Si Jared Ito ay istorya ng wagas na pagmamahalan nina Reyanna at Enosh. Si Enosh na sa hindi inaasahan ay mamahalin ang babae na hindi niya kahit kailan inasam. Sa paglipas ng panahon, sa gitna ng kanilang matamis na pagsasama...