"I'm sorry." Malungkot na sabi saakin ni Wesley habang ito'y naka tungo.
"Para saan?"
tanong ko sa kanya. Wala kasi akong maalala na may ginawa siyang kasalanan sa akin.
Iniangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa aking mga mata."Itigil na natin ito."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Mag break na muna tayo."
Matapos niyang sabihin yun ay kaagad siyang umalis at naiwan akong mag-isang nakaupo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nag simula naman ng tumulo ang aking mga luha kasabay ng biglaang pagbuhos ng malakas na ulan.
Buti pa ang ulan dinadamayan ako.
Patuloy parin sa pagtulo ang aking mga luha at hindi na ako nakaalis sa aking kinauupuan hanggang sa tuluyan na akong mabasa ng ulan.
Hindi ko naramdaman na may naka upo na pala sa tabi ko at may hawak-hawak siyang payong habang ito'y nakatingin sa akin.
Naalala ko nanaman tuloy si Wesley at mas lalo akong napaiyak ng malakas.
"Uy! Teka lang, huwag ka namang umiyak ng malakas. Baka isipin nila na pinaiyak kita. Haish!"
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari sapagkat tuluyan na akong nawalan ng malay pagkatapos nun.
BINABASA MO ANG
Love In The Rain
RomanceSo this is my first time to write a story. Hope you will like this. 😊