Ngayon ay linggo na ng gabi at kasalukuyan na kaming papunta sa bahay nila Naomi.
Pagkarating namin sa bahay nila ay namangha ako sa ganda. Isa itong malaking mansyon. Napaka yaman pala nila... Nakakahiya na tuloy pumasok lalo na't kung makikita mo ang kanilang mga bisita ay halatang mayayaman dahil sa mga sosyal na damit at kotse na kanilang gamit kung i-kukumpara mo sa suot namin ngayon na simple lang.
"Kayo nalang ata pumasok diyan. Uuwi nalang siguro ako." ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganitong klase ng okasyon. Nahihiya ako.
"Hindi pwede. Nandito na tayo oh, at saka late na tayo nakarating dito. Kanina pang 8:00 pm nag simula yung birthday party ni Naomi, eh 8:53 pm na." sabi sa'kin ni Arya.
"Oo nga. Pumasok na kaya tayo. Baka kanina pa tayo hinahanap ni Naomi."
Pagpasok namin sa bahay ay napakarami pa ring bisita.
May bigla namang sumalubong sa'min. Si Naomi na siguro ito, mukha kasing Japanese at napakaganda pa.
"Buti nakarating kayo." mahinhin na sabi nito saamin.
"Pasensiya na ah, na late kami ng dating. Ito kasing si Arya, ang bagal mag-ayos. Ganun parin naman ang itsura." pang-aasar ni Tristan.
"Ang kapal mo ah! Sige wag kang sasabay pauwi sa'min ni Lyn mamaya ha!"
"Teka lang, hindi mo pa kasi ako pinapatapos eh. Kaya ko sinabi na ganun pa rin ang itsura mo, kasi maganda ka pa rin kahit anong ayos mo pa." pambawi ni Tristan kay Arya.
Natatawa naman na si Naomi sa kanila.
"Ang cute niyo parin mag-away. Ganyan na ganyan din kayo noong nasa Elementary pa tayo." nakangiting sabi nito.
"Ah.. Naomi, si Katelyn nga pala, kaibigan namin." pagpapakilala sa'kin ni Arya.
"Hello, ako nga pala si Katelyn Flores." mahiya-hiya kong sabi.
"Ako naman si Naomi Yoshida. Masaya akong makilala ka Katelyn."
At nakipag kamay siya saakin.
Maya-maya pa ay tinawag niya ang kanyang pinsan upang ipakilala sa amin.
Nagulat kaming
lahat ng ipakilala niya saamin si Wesley."Si Wesley Villamor nga pala, pinsan ko."
"Si Wesley?! Pinsan mo?!" gulat na sabi nina Arya at Tristan. Samantalang ako ay tahimik lang na nakatitig kay Wesley.
"Oo. Bakit, Magkakilala na ba kayo?"
"Parehas lang kami ng School na pinapasukan at classmate namin siya nina Katelyn."
"Ah.. Ganun ba. Hindi kasi ma-kuwento itong pinsan ko. Oo nga pala, nandito rin yung iba nating classmate noong grade 6. Puntahan muna natin sila. Ah... Katelyn, gusto mo bang sumama?"
"Hindi na. Dito nalang ako."
"Sigurado ka? Okay ka lang ba diyan?" tanong ni Arya.
Tumango lang ako sa kaniya.
"Wesley, samahan mo na muna si Katelyn diyan para di siya ma bored."
"Ah. Hindi na Naomi, okay lang talaga ako dito."
Mas pipiliin ko pang mag-isa kaysa naman may makasamang iba na hindi ko naman lubusang kilala.
"Ah.. Sige."
At pumunta na sila sa kanilang mga classmates.
Lumabas naman ako ng bahay at nagtungo sa kanilang garden. Medyo tahimik dito, at walang katao-tao. Mas nakakahinga ako ng maluwag. Hindi kasi ako sanay sa maraming tao.
Habang pinagmamasdan ko ang
kalangitan ay nabigla naman ako ng may tumabi saakin."Anong ginagawa mo dito sa labas?" malumanay na pagsasalita ni Wesley.
"Ha? Ah... Wala lang.. Eh ikaw, bakit ka pala nandito. Baka hinahanap ka na nila doon sa loob."
"Nandito kasi yung hinahanap ko."
"Ha?" pagtataka ko.
"Alam kong na bo-bored ka na sa loob kaya ka lumabas."
Alam mo naman na pala eh bakit nagtanong ka pa kanina.
"Hindi naman sa ganun. Wala lang kasi akong maka-usap."
"Wala ka din namang makaka-usap dito."
Pakialam mo ba! Pwede ko namang kausapin yung mga puno, halaman at kalangitan ah.
"Ah... Ano kasi, mas komportable ako kapag konting tao lang ang nasa paligid ko."
"Komportable ka pa rin ba ngayon kahit nandito ako sa tabi mo?"
"Ha? Ahh...." ano bang sasabihin ko. Oo pero hindi naman totoo, o Hindi, pero ang sama ko naman kapag sinabi ko yun.
Ano bang tumatakbo sa isip niya at yun pa talaga ang tinanong niya."Huwag mo ng sagutin. Pumasok ka na sa loob at lalamigin ka lang dito sa labas."
Kailan pa siya naging concern sa akin.
"Hindi na. Okay na ako dito."
Pagkatapos niyang marinig yun ay tahimik siyang umalis.
Akala ko pa naman sasamahan niya ako dito.Pag tingin ko sa relo ko ay 10:16 pm na pala. Kailangan ko ng umuwi at may pasok pa kami bukas.
Pupuntahan ko sana sila Arya, kaso lang mukang nag e-enjoy pa sila doon sa kabilang table. I te-text ko nalang sila na mauuna na akong uuwi.
Hindi na rin ako nakapag paalam kay Naomi dahil busy siyang asikasuhin ang kanyang mga bisita.
Paglabas ko ng bahay nila ay mag lalakad nalang siguro ako pauwi patungo sa bahay namin. Masipag naman akong maglakad eh, at saka masasayang lang ang pera ko kapag nag jeep pa ako pauwi. Pandagdag din sa baon ko yun para bukas.
Habang naglalakad ako, nararamdaman ko na palamig ng palamig ang simoy ng hangin. Unti-unti na ring nawawala ang mga bituin sa kalangitan at tuluyan na itong nabalot ng kadiliman.
Kailangan ko na talagang magmadali para makauwi na ako sa bahay.Malayo pa ako sa bahay namin ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Ano ba yan! Bakit ngayon pa. Hindi man lang ako pinaabot sa bahay namin." pag rereklamo ko.
Naghahanap ako ng puwedeng masisilungan pero wala talaga akong mahanap, kailangan ko pang maglakad ng malayo, ngunit unti-unti na akong nababasa ng ulan. Ano ng gagawin ko. Yumuko nalang ako at hindi na nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Nagulat na lamang ako ng biglang tumigil sa pagpatak
ang ulan sa mismong kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Love In The Rain
RomanceSo this is my first time to write a story. Hope you will like this. 😊