"Katelyn, uwi na tayo. 4:45 pm na oh, pero wala pa rin si ma'am." naiinis na sabi ni Arya.Gusto ko na rin sanang umuwi kaya lang 5:00pm pa talaga ang uwian namin.
"Pero hindi pa tayo papalabasin ng guard hanggat wala pang 5:00pm." tugon ko kay Arya
Maya-maya pa ay pumunta sa harap ang president namin.
"Guys, sabi po ni ma'am na ipasa nalang daw po yung assignment natin sa kanya ngayon."
Kaagad ko namang hinanap sa bag ang notebook ko sa business math kaya lang hindi ko ito mahanap.
Tiningnan ko na rin yung ilalim ng upuan ko at baka nalaglag lang pero wala talaga.
Hindi ako mapakali sa upuan ko kakahanap sa notebook ko."Anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Ayra saakin.
"Yung notebook ko nawawala." habang patuloy ko pa rin itong hinahanap sa bag ko.
"Baka naiwan mo sa bahay niyo. Kailan mo ba yun huling nakita?"
"Hindi ko na maalala."
"Bukas mo nalang kaya ipasa. Sa tingin ko tatanggapin pa naman ni ma'am yun."
"iieh... Pero may bawas points na yun."
"Guys wala na po bang magpapasa? Dadalhin ko na po 'to sa table ni ma'am." sigaw ng president namin habang hawak hawak ang mga notebooks.
Walang pumansin sa kanya dahil ang iba ay nagsilabasan na ng room kaya lumabas na rin ito."Hayyy...Pa'no na 'to. Hindi ko naipasa yung notebook ko."
Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi ni Ayra ngayon. Mag kapitbahay lang kami kaya lagi kaming sabay umuwi at medyo malapit lang din naman sa School ang mga bahay namin kaya naglalakad nalang kami.
"Hay naku lyn, ang bata bata mo pa kasi, makakalimutin ka na." natatawang sabi nito.
"Hindi ko talaga maalala kung saan ko nailagay o naiwan yun. Haish!"
Hinawakan ni Ayra ang kaliwang braso ko na parang bata.
"Para di ka na ma-stress diyan sa notebook mo, ililibre nalang kita."
"Ng alin?"
"Ng junkfood. Pero yung tig pi-piso lang." natatawang sabi nito
"Sabi ko na nga ba kuripot ka. Hayyy.."
"Ito naman. Joke lang."
Pagkarating ko sa bahay ay hinanap ko kaagad yung notebook ko. Baka makalimutan ko nanaman itong dalhin bukas. Pero kahit saan ako maghanap hindi ko talaga ito makita.
Naupo nalang ako sa study table ko at isinandal ang ulo ko sa mga braso ko.Lumipas ang ilang minuto ay nagulat na lamang ako sa malakas na pagbuhos ng ulan.
Isasara ko na sana ang bintana sa kuwarto ko ng may umagaw sa aking pansin. Isang tao ang aking nakita na nakahawak sa pamilyar na payong mula sa di kalayuan. Nakatalikod itong lumalakad papalayo."Naalala ko tuloy yung paborito kong payong noong 10 years old palang ako. Akala ko nag-iisa lang yun."
"Ate, sinong kausap mo diyan?"
Napalingon ako bigla mula sa aking likuran. Naroon ang aking nakababatang kapatid na nakatayo sa tabi ng pintuan.
"Ha? Ah.. Wala."
"Ah.. kakain na tayo. Nandiyan na si papa."
"Mm.Susunod ako."
Lumabas na si Kevin sa kuwarto ko. Isinara ko na rin yung bintana at inayos ko na ang aking mga gamit.
Kinabukasan....
"Katelyn!"
Bago pa ako makapasok sa room ay sinalubong na ako kaagad ni Ayra.
"Ano. Nahanap mo na?"
Nagbuntong hininga na lamang ako at tumuloy sa aking upuan habang si Ayra ay nakasunod lang sa'kin.
Umupo siya sa tabi ko."Maiintindihan ka naman siguro ni ma'am."
Pagsapit ng 12:35 pm ay tapos na kaming lahat mag lunch break at nasa loob na ng classroom ang karamihan sa mga classmates ko.
Pumasok naman na ng room ang president namin at isang kaibigan niya na dala-dala ang mga notebooks.
Nagpatulong ito sa iba naming classmates na mag distribute ng mga notebook para mabilis.
Alam kong wala akong matatanggap na notebook kaya nanood nalang ako ng video ng Gfriend habang naka earphone.
Ngunit sa hindi ko inaasahan ay may nag-abot ng notebook saakin. Ang akala ko kay Ayra yun at pinaabot lang saakin kaya binigay ko sa kanya. Pero nang iabot ko sa kanya ay bigla niya akong hinampas ng notebook sa balikat."Uy! Ano ba.." inis na sabi ko dito.
"Sa'yo 'to diba?"
Pinakita niya saakin yung notebook. Bigla kong kinuha ang notebook mula sa kanya."Saakin nga ito. Pero... Panong..."
Bigla naman ng dumating ang teacher namin sa Practical Research kaya lahat kami napatayo.
"Good Afternoon class."
"Good Afternoon ma'am" bati naming lahat sa kanya.
"Okay, you may take your sit. Bring out your books and open it on page 101. Copy and answer the activity 1-2 on your notebook. I will collect it later."
"Yes ma'am."
Pagkatapos naming sagutan yung pinapagawa ni ma'am ay biglang nagyaya si Arya papuntang CR.
"Lyn, samahan mo muna nga ako mag CR. Andami ko atang nainom na tubig kanina."
"Okay."
Nagpaalam kami kay ma'am na pupuntang CR at tumango lang ito.
Pagkarating namin ay dumiretso kaagad si Arya sa cubicle. Hindi na ako pumasok sa loob ng CR at sa labas na lamang ako naghintay.
Habang hinihintay kong lumabas si Ayra ay may bigla namang lumapit saakin na isang junior high.
"Ate, classmate niyo po ba si kuya Wesley Villamor?"
"Ah.. Oo."
May inabot siyang isang pirasong papel na nakatupi saakin.
"Pwede po bang pakibigay ito sa kanya?"
Kinuha ko naman ito, at saka biglang naglakad papalayo ang bata.
Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Ayra.
"Ano yan?" sabay tingin sa hawak kong papel.
"nakatuping papel." pilosopong sagot ko
"ha ha ha nakakatawa. Alam ko noh! Pero bakit ka nga may hawak na ganyan?"
"Ito.. Inabot lang sa'kin nung isang junior high pa--"
Hindi ko na natapos yung pagsasalita ko dahil kaagad nanamang nagsalita si Ayra."Love letter yan noh? Ayiee... May secret admirer ka na pala, di mo man lang sinasabi saakin."
Napakunot naman yung noo ko sa mga pinagsasabi niya.
"Teka, anong love letter, secret admirer ka diyan. Para 'to kay Wesley noh. Pinaabot lang sa'kin."
"Ah, ganun ba.. Pero teka, kay Wesley ba kamo?"
"Oo. Kaya nga sana..." ngumiti ako sa kanya at iniabot ang papel sa kamay nito.
"...ikaw na sana magbigay sa kanya nito." nakangiting sabi ko.
Kaya lang binalik niya kaagad saakin yung papel.
"No no noo. Ikaw magbibigay nan kay Wesley at hindi ako. Ikaw kaya ang unang inabutan ng papel na yan kaya ikaw ang mag aabot sa kanya.At isa pa,bakit ba ayaw mong lumapit sakanya? Guwapo at matalino naman si Wesley. Marami ngang nagkakagusto dun eh. Chance mo na 'to, ano ka ba. Pabebe ka pa eh. At saka kapag nakita pa ako ni Tristan na lumalapit kay Wesley, mag selos pa yun. Mas guwapo kasi si Wesley kaysa sa kanya." Matawa tawa nitong sabi.
Sa totoo lang ayoko talagang lumapit sa kanya mag mula noong 1st sem. namin.
BINABASA MO ANG
Love In The Rain
RomanceSo this is my first time to write a story. Hope you will like this. 😊