Akoy damong ligaw na nakahimlay doon sa parang
Doon ako lumaki,lumago at naisilang
Sa paglipas ng panahon,habang ako'y gumagapang
May gintong bulaklak ang sa daan koy nakaharangSa ganda mo at halimuyak, ako'y iyong naakit
Sa mga sanga mo'y sinubukan kong mangunyapit
Ngunit nagpalabas ka tinik,ako'y di mo pinapalapit
Tumangis ako at lumuha sa masaklap kong sinapitAko'y iyong nilait,kinutya,at pinandirihan
Para akong nasadlak sa pusikit na kadiliman
Ano ba ang nagawa ko sa 'yong kamalian
Upang ako'y hayaan mong mangapa sa karimlanSa paglipas ng panaho'y unti-unt kong natanggap
Ang iyong pagtutol sa ibinigay kong paglingap
Kaya mo ngang tumayo sa sarili mong pagsisikap
At nagsasabi ka ng totoo at di nagpapanggapAng pagtanggi mo sa akin ay di mo dapat pagsisihan
Puso ko ang maysala,parusa ay kasawian
Mahanap mo nawa ang inaasam mong katangian
Nasa aki'y pinagkait ng malupit na kapalaranSiguro nga na ang damong tulad ko ay pangahas
At di marunong sumunod sa payo ng mga pantas
Ang baging kong gumapang sa iyo ay pinigtas
Upang itong yaring buhay,tumahak ng ibang landasSa iyong ginawa aking napagtanto
Kailanma'y huwag magpasilaw sa kinang ng ginto
Marami pang ibang daan na magsisilbing pinto
Doo'y patuloy akong gagapang at di na muling hihintoAng hamak na tulang ito ay aking naisulat
Hindi upang magsisi ka o di kaya ay manumbat
Nang ako'y itaboy mo, dalawang mata ay namulat
Sa patanggi mo sa akin...maraming salamatAko'y damong ligaw na nakahimlay doon sa parang
Ang pagbigo mo sa aki'y akin ng iginagalang...(Ang tulang ito ay isinulat ko tatlong taon na ang nakalilipas para sa taong nambasted sakin. Grade 9 pa ako noon. Grade 11 na ako ngayon. Walang nagbago. Broken pa rin hanggang ngayon.)
YOU ARE READING
Makatang Kulang Sa Aruga
PoetryKoleksiyon ng mga tulang uukit sa inyong mga talukap at guni-guni.