Nakatuwad
Babaeng hubo't hubad
Umuungol, umiiktad
Walang parteng itinatago at ang lahat ay nakalantadNais ko ring pagnasaan
Palihim na lalasahan
Pare, pwede mo ba akong pasahan?Totoy, hindi mo pa ba napanood?
Guni-guni mo'y malulugod
Doon sa binibining sa yapak ni Magdalena'y nakasunodPabiling-biling
Mahusay nga raw gigiling
Kumukurap at kumakandiling
Mga anino sa dilimSa video pa'y nakangiti
Habang nakabuka ang dalawang binti
Dignidad man ay umunti
Mamatay man at magbigti
Kapalit ng ipinagbabawal ng mga nakaw na sandaliSa makabagong lipunang ang pagtatalik ay palasak
Ang moralidad ay bagsak
Mapusok at makasalanang hindi pasisindak
Takutin man ng tabak
Sisirain ang tatak
Mawala man ang mga aral na sa puso'y nakaimbakAng mayuming si Maria Blanca ngayon ay nasaan?
Naglaho na sa kawalan
Sagad na ang kaalaman
Pati ang matipuno at maginoong si Don Juan?Nawaksi na si Laura doon sa sa akda ni Balagtas
Natuyo na ang katas
Tila natunaw na hiyas
Naparam rin ang mga Floranteng ang pagibig ay wagasGrade 7? Grade 10? Lahat ng baitang ay bilangin
Tinatangkilik ng mga taong makamundo ang dalangin
Grade 9? Grade 12? Ano pa ba ng hahanapin?
Sa dami ng kumakalat, ika'y hindi kukulanginMga nabuyong nilalang
Na hakbang ay pabalang
Tila manggang hinog sa pilit at pinitas na manibalang
Panandaliang aliw sa mga taong ang bituka ay halang
Sa katawan ay panlibang
Sa moral ay panlinlang
Sino nga ba talaga ang tunay na hibang?
Yaong bang nasa video na ang katawa'y kumikinang?
O yaong tumatangkilik na ang isipa'y kulang-kulang?
YOU ARE READING
Makatang Kulang Sa Aruga
PoetryKoleksiyon ng mga tulang uukit sa inyong mga talukap at guni-guni.