*news*
Host: Now lets give this award 'Most peaceful and crime free City' to Scarvill City. May we call on Mayor Vladimeer Arjente to receive this award.
Mayor: Maraming salamat po sa award na iginawad ninyo sa aming City, syempre mas nagpapasalamat ako sa mga mamamayan ng Scarvill dahil sa disiplina at pagtulong sa akin upang mapanatiling maayos ang ating lugar.
Pinatay ko na yung TV dahil as usual Scarvill City na naman ang laman ng balita, wala namang bago dun e 5 consecutive years na kayang nakukuha ng Scarvill ang award na yan.
Pero nawiweirduhan talaga ako sa City na iyan given na yung pangalan nitong Scarvill parang may tinatago yung Mayor nila.
Mukha namang mabait si Mayor Vladimeer infact marami na siyang natulongan na mga bata, lalo na yung mga batang lansangan binibihisan at pinag-aaral niya ng walang hinihinging kapalit pero kapag tinitigan mo talaga siya, iba ang pinapahiwatig ng ngiti niya(parang may gagawing masama), lalo na yung mga mata niya na parang walang emosyon na makikita at puro itim lang na para bang hinihigop ka sa kawalan.
Ang OA ko ba? Kasi naman pag tinignan mo lang sya mukhang napakabait pero pag tinitigan mo talaga nakakakilabot na.
Parang may misteryong nakabalot sa pagkatao niya at iyon ang gusto kong malaman.
Actually gusto kong ako ang humawak sa pagrereport tungkol dito sa lugar na ito narinig ko kasi yung mga seniors ko kahapon na nag-uusap tungkol sa gagawing news sa lugar na ito.
By the way isa akong reporter at kakagraduate ko lang last year swerte ko nga e kasi nakapasok ako sa agency na ito kahit andami kong kasabay na nag-apply dito.
Basta kahit anong mangyari ihahandle ko ang Scarvill, isisiwalat ko ang sekreto nito HAHAHAHAHAHA(evil laugh) yun ay kung meron nga hehe.
"huy Yuri late ka na sa trabaho mo kanina pa tumatango tango jan nababaliw ka na ata" sigaw sakin ng kaibigan kong si Jiro.
Kanina pa pala ako nakatunganga dito, langya kasi itong Scarvill na to napaisip tuloy ako ng malalim
"YURIII ISAA TATAYO KA JAN O IIWAN NA KITA DITO MALELATE AKO SA TRABAHO DAHIL SAYO" sigaw niya
"Oo na ito na nga o tatayo na napakasweet mo talagang kaibigan no" sabi ko at tumayo na at unang naglakad na sakanya papunta sa kotse niya
"Anong gusto mo buhatin pa kita papunta sa kotse ko? Ikaw na nga tong sinusundo ikaw pa nagrereklamo, HOY teka lang ambilis mo kotse mo? Kotse mo?" Sigaw niya ulit sakin hindi kami nag-aaway a ganyan talaga kami mag-usap at likas ng pasigaw siya magsalita ewan ko ba pinaglihi ata siya sa megaphone e may time nga na....
*Flashback
・GRADE 6
Nakasira kami ng plastic na upuan ni Jiro at tinatanong ni maam kung sino nakasira nun galit na galit pa siya noon kaya nagsusulatan nalang kami ni Jiro sa papel para di niya marinig usapan namin.Ako
Yan kasi bat
mo ba kasi ako
niyayang magtrip
to Jerusalem
ng dalawa lang
tayo yan tuloy
tayo lang may
kasalananSiya
Bat ba kasi pumayag
ka kasalanan
natin dalawa no
basta quiet
lang tayo"Sige" bulong ko sakanya at siya naman tong tanga sinabing
"oo sabihin nating wala tayong kasalanan" at dahil likas na malakas boses niya nabuko tuloy kami ang bagsak namin principals office
・GRADE 11
Exam namin at hati kami ng nireview sakanya 1st part akin naman sa second so ayun nga gumawa na kami ng gestures para hindi kami mabuko sa boses niya.Umabot kami hanggang 70, over 100 exam namin so ayun nga number 71 na tinanong ko sakanya at sa katangahan na naman niya nasabi niya ng malakas
"71 letter B hanggang 75 na yun" narinig yun ng lahat ng nasa classroom kaya principals office na naman ang bagsak namin
***
Natatawa nalang ako sa mga kalokohan namin.
So ayun nga andito narin sa wakas sa kotse si Jiro ewan ko ba antagal niya maglakad.
"Anobayan Yuri akala ko ba bestfriend kita?"
" At ano na namang irereklamo mo ha?"
"Eh kasi naman di mo sinabi sakin na nandito pala yung pinsan mong bakla na obsessed sakin? Namolestiya tuloy pagkalalaki ko, ang dangal ko Yuri wala na!" sinasabi niya sakin habang niyuyugyog balikat ko buset kala mo naman kung narape ang OA
Sabagay di kasi maikakailang gwapo tong best friend ko, syempre maganda ako e ehem. Hahahaha
"Aba tumahimik ka nga jan at magdrive nalang para di tayo malate sa lakas ng boses mo baka marinig ka pa ni Carla at mas habulin ka pa niya" sabi ko sa kanya sabay hagis ng panyo ko kasi pawis na pawis na siya hinabol na naman ni Carla e, yung baklang obsessed sa kanya hahahaha.
"Anong tinatawa tawa mo jan?wzszsxszdx" binubulong bulong niya na diko maintindihan kaya ayun napatawa nalang ako ng malakas HAHAHAHAHA ewan ko ba natatawa ako sa itsura niya mukhang nakaapak ng tae.
Binalewala nalang niya yung tawa ko at nagdrive nalang pero yung mukha niya talaga pfft.
BINABASA MO ANG
Scarvill
Детектив / ТриллерYuri is a newly graduate reporter who works at a famous news casting agency. But when she is assigned to film a news at a beautiful City, her peaceful life changed. Everything changed when she discovered the secret behind this beautiful City. What i...