MATANDA
YURI’S POV
Andito na kami ngayon sa FPC company (isang sikat na news casting/reporting agency na pinagtatrabahohan ko syempre). Dito kami pareho nagtatrabaho ni Jiro at eto nga siya nauna na saking lumabas, wala kasi sa bokabularyo niya ang pagiging gentleman.Kapag nga nagkakagirlfriend siya di man lang niya pinagbubuksan ng pintuan, binubuhatan ng bag at minsan nga pag naglalakad sila nung girlfriend niya noon ay mas nauuna pa siya. Kung di mo alam na magjowa sila iisipin mo talaga na hindi sila magkakilala, kaya nga walang nakakatagal na babae sa kanya, except sakin bff ko siya e.
“Yuri dalian mo kahit kelan talaga ambagal bagal mo maglakad” sigaw sakin ni Jiro na nasa harap na ng elevator habang ako ay kakalabas palang sa sasakyan, niya e pano ba anaman kasi ang hirap tanggalin nung seatbelt ng kotse niya .
“Eto na nga papunta na “ sigaw ko pabalik habang tumatakbo papunta sa kanya, pero habang tumatakbo ako ay may nakita akong matanda na naglalakad papunta sa hagdan, naka-palda siya ng kulay itim na hanggang tuhod at nakadamit ng maluwang na puti ngunit naging dirty white na ito at parang may mantsa ng ketchup, pero parang andami naman ng ketchup non pero alangan naming dugo.
Hay nako bahala na nga kawawa naman siya kung maglalakad pa siya pataas. Baka may importante siyang pupuntahan dito atsaka alangan namang masama siyang tao e mahigpit ang security dito.
Kaya imbes na dumiretso kay Jiro ay lumapit nalang ako sa matanda, sa tingin koy nasa 50 plus na siya.
“Yuri ano ba! Balak mo bang maglakad sa hagdan? Nahihibang ka na ba? E antaas taas kaya ng pupuntahan natin” Sigaw na naman sakin ni Jiro buti nalang talaga wala yung guard dito dahil kung meron tiyak mapapagalitan na naman kami nito.
“Teka lang aayain ko lang si lola, parang di alam mag-elevator e kawawa naman antaas pa ng lalakarin niya” sagot ko habang tinuturo si lola pero nung tumingin siya sa tinuro ko ay nag-iba yung ekspresyon niya. Para bang napalitan ng takot at pangamba. May iba pa siyang sinabi pero diko naintindihan kaya pinabayaan ko nalang.
“Magandang umaga po lola” saad ko ng makalapit ako sa kanya pero parang wala siyang naririnig. Ah baka mahina lang pandinig niya. Lalakasan ko nalang.
“Lola ,magandang umaga po saan po ba kayo pu---“ bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay hinila na ako ni Jiro papunta sa elevator.
“Jiro ano ba! Hindi ka ba naawa sa matanda teka lang isabay na natin siya” pagpupumiglas ko sa kanya. Pero mas humigpit lang kapit miya sakin habang hinihila ako. Parang walang naririnig si lola, hindi pa napapatingin samin e.
“lola halika na po sabay ka nap o samin” sigaw ko kay lola na sigurado ng maririnig niya. Dahan dahan siyang tumingin kayat napangiti ako dahil nakuha ko na ang atensyon niya.
Ngunit sana hindi nalang siya tumingin.
Yung mukha niya
Duguan
At yung bibig niya anlaki atlumuluha pa siya ng dugo
“Shit takbooooooo” sigaw ko at ang dating hila hila ako ni Jiro ay baliktad na ngayon dahil hila hila ko na siya. Buti nalang at malapit na yung elevator at nakapasok kami agad doon.
Pero ang malas ayaw pa magbukas nung elevator nasa 6th floor palang.Nangangatog na mga paa ko sa takot habang si Jiro walang ekspresyon, di man lang ata siya natakot sa matanda. Hayaan ko nalang siya.
Inilibot ko ang tingin ko at naghahanap na pwedeng daanan. Dito sa harap naming ay elevator, habang sa kanan ko naman ay ang daan palabas at sa kaliwa ko naman ay ang hagdan. Kaya no choice kailangan naming maghintay dito.
Ayokong tumingin sa likod at baka makita ko yung matanda.
5
4
3
2
1
*tiiing (tunog yan ng elevator), dali dali kong binuksan ang elevator pero minamalas ata kami at ayaw pang magbukas. Nakalimang pindot na ako at buti nalang ay bumukas na dalidali ko naman itong sinara ngunit habang nagsasara ito ay parang nagslow motion lahat sa akin. Yung matanda nasa labas ng elevator.
“mag-iingat ka sa kanya hahahaha” sinasabi niya sakin at titig na titig pa siya sakin, mukha siyang baliw. Nakakatakot siya at yung ngiti niya sobrang lawak tapos yung mata niya ang lalim.
Nakangiti siya sakin habang nagsasara yung pintuan.
Napaiyak nalang ako sa takot. Nabigla ako ng niyakap ako ni Jiro “ssshh you’re safe now” pagkakalma niya sakin at ewan ko ba parang magic word yun at bigla nalang nawala yung takot ko. Suddenly, I feel safe.
BINABASA MO ANG
Scarvill
Mystery / ThrillerYuri is a newly graduate reporter who works at a famous news casting agency. But when she is assigned to film a news at a beautiful City, her peaceful life changed. Everything changed when she discovered the secret behind this beautiful City. What i...