Pagkapasok namin sa office ay nagkukumpulan ang mga officemates namin sa gilid at parang may tinitignan sa baba. Glass kasi yung wall namin kaya kitang kita sa labas pero pag nasa labas ka di mo makikita dito sa loob.
"Kawawa naman yung matanda"
"Yung damit niya parang sa nakasalubong ko kanina sa daan parang nagmamadali nga e"
Kanya kanyang chismis na yung mga officemates namin don napaghahalataang reporters e mga sobrang daldal. Pero nacucurious na ako sa tinitignan nila kaya naglakad nalang ako papunta dun para tignan.
Pagkarating ko dun ay may matanda na nakahiga sa baba at puno ng dugo ang semento na nakahigaan niya.
Para siyang nahulog sa mataas na building na hinala ko ay mula sa roof top namin dahil iyon lang ay pwedeng pagtalonan ng tao, hindi naman kasi magkakasya ang tao sa mga bintana dito.
Teka
Parang siya yung nakita ko kanina sa parking lot ah?
Pero bat parang ambilis naman niyang nakaakyat sa roof top? E hagdan ang ginamit niya?
Hindi kaya
Hindi kaya multo yung nakita ko kanina?
Pero imposible
Wala naman akong third eye
Creepy
Hindi mukhang suicide ang nangyari
Dahil kung suicide ito dapat nakadapa yung matanda at hindi nakahilata.
***
JIRO'S POV
Nung nasa parking lot kami ni Yuri ay parang iba yung kinikilos niya, sinasabi niyang tutulongan niya yung matanda sa hagdan pero wala namang tao doon.
Tsk nahibang na ata yung kaibigan ko baka nantitrip ata ewan ko ba muntanga yun.
***
YURI's POV
"Jiro sa tingin mo, suicide ba yung nangyari dun sa matanda?"
"Huh? Bat mo natanong, Kilala mo ba?"
"Eh kasi siya yung nakita ko kanina sa parking lot bat parang ambilis naman niya nakataas sa roof top e sa hagdan siya dumaan" pagpapaliwanag ko naman sa kanya pero parang natigilan siya sa pagkain.
"alam mo gutom mo lang siguro yan di ka pa nag-uumagahan e tara kain na tayo sa baba lunch naman na natin" sabi niya at hinila niya agad ako hay bahala na nga gutom din naman na ako e.
***
"Sir sige na po ako nalang po humawak doon sa Scarvill promise po aayusin ko po ito" pagmamakaawa ko kay Sir Reyes, ang boss namin
"Yuri ilang beses ko bang sasabihin sayo, isang prestihiyosong lugar iyon at kailangan yung bihasa na sa pagrereport ang iassign doon. Baguhan ka palang kaya hindi pwede baka ipahiya mo pa tong agency natin" sabi naman ni Sir
"Eh sir magaling naman po ako e kaya nga nakapasok ako dito. Sir please po gagalingan ko po"
"Bakit ba gustong gusto mong ifeature ang Scarvill?" Tanong niya sakin na nakapagpatigil sa akin
Gusto kong ifeature ito dahil malakas ang pakiramdam ko na may hindi magandang nangyayari dito.
"Sir gusto ko po kasing mas makilala pa ang lugar na ito kasi nga ang astig sir ang tahimik dito e kaya gusto kong mas makilala pa ito sa pamamagitan ng pagbabalita ko" sagot ko ng habang nagpapacute kay sir. Wala pang hindi nakakalampas sa cuteness ko kaya sure ako papayagan ako ni boss (cross fingers).
"Sige pag-iisipan ko muna sa ngayon ay bumalik ka muna sa trabaho mo" sabi ni sir at naglakad na papunta sa office niya. Hindi ko na siya sinundan kasi off limits kami dun at papasok lang dapat kami doon kung may importanteng gagawin.
Bumalik nalang ako sa cubicle ko at gumawa ng ibang reports para naman isipin ni sir na masipag ako.
Andito ako ngayon sa library sa pinakadulong part kasi andito lahat ng previous document about sa mga cases na nahawakan ng aming report team.
Ano ba yan puro naman tungkol sa pagnanakaw ito, kung hindi nakaw tungkol naman sa mga akyat bahay gang wala man lang kakaiba.
Teka, may isa ditong mukhang luma na at kulay pula ang cover, puno pa ito ng alikabok .
XKGJKH OM XGBJLDVV
Yan ang nakalagay na title nito, hmmm pamysterious siya a nakakacurious tuloy kung anong nakalagay dito.
Teka parang may paparating dito, hala hindi pala pwedeng magbasa dito sa part na to sabi kanina ng tagabantay nito. Lagot na ako kapag nakita nila ako dito.
Nagmamadali kong ipinasok yung libro sa bag ko kahit na sobrang alikabok nito.
Naghahanap ako ng pwedeng pagtaguan pero walang pwede dahil tiyak na makikita ako. Bumibilis na ang tibok ng puso ko sa kaba dahil mas lumalakas yung tunog ng mga yapak. Tantiya ko ay nasa 2 tao sila.
Teka, parang may cloth ata itong mesa dito, tinignan ko hanggang baba at nakahinga ako ng maluwag ng makitang hanggang baba ang cover nitong coth kaya nagmadali akong pumasok sa loob nito. Buti nalang at may harang na mga bookshelf bago ka makarating dito dahil kung hindi siguradong sermon na naman ang abot ko nito.
Tahimik lang ako sa ilalim ng mesa, kulang na lang ay pati paghinga ko pigilan ko. Napapitlag ko ng umupo sila dito. Hoo muntik na yun a buti napausod ako palikod.
“Dos, sigurado ka bang malinis yung trabaho mo kanina?”
“oo pre pero nakakapagtaka parang wala siyang angal nung ginawa ko yon, hindi man lang siya nagmakaawa”
“baka naman may napagsabihan na siya kaya kampante siya”
“wala naman siguro dahil mula nang malaman niya iyon ay binantayan ko siya at naglagay pa ako ng camera sa buong bahay niya”
“siguraduhin mo lang dahil pag nagkataon siguradong mananagot tayo kay Zeus”
Kakaiba ang kutob ko sa kanila, isa lang ang sigurado ako. Hindi sila dapat pagkatiwalaan.
Magpapalit na sana ako ng pwesto sa pag-upo dahil nangangawit na ako ng may maupuan akong bote ng tubig.
Lagot, tumunog pa ito
Natigil ko ang paghinga ko dito at diko na alam ang gagawin sa sobrang kaba
“pre ano yun? May tao ata”
Hala ano nang gagawin ko baka makita nila ako dito
“meow”
“meow’
“pusa lang yun pre tara na, baka hinahanap na tayo ni Zeus”Phew(sound ng exhale), buti nalang at naniwala silang pusa lang ako dahil kung hindi paktay na.
BINABASA MO ANG
Scarvill
Mystery / ThrillerYuri is a newly graduate reporter who works at a famous news casting agency. But when she is assigned to film a news at a beautiful City, her peaceful life changed. Everything changed when she discovered the secret behind this beautiful City. What i...