Kabanata 2

373 8 2
                                    

Warning SPG!

Kabanata 2

Moving On


"Let's go, love." he huskily said.

Hinila niya ako palayo sa table namin at sa harapan ni Yuan na natulala sa lahat ng mga sinabi niya. Dinala niya ako sa isang bahagi ng bar kung saan ay wala halos taong dumadaan.

Binitawan niya lang ang hawak sa aking beywang nang tumigil na kami. He never uttered a word but stayed standing beside me and looked so frustrated. He bit his lips and his eyes can't look at me now. Hindi na gaya kanina na halos ayaw niyang mawala ako sa paningin niya.

"What's the problem, Lucas?" mahina ngunit seryoso kong pagtatanong sa kanya.

Anong problema niya ngayon? Bakit niya iyon sinabi? Wala na kami, hindi ko na siya boyfriend kaya wala siyang karapatan na gawin o sabihin iyon. Hindi ba't dapat hinahayaan niya na ang ibang lalaking lumapit sa akin dahil single na ako? Dahil wala na kami.

Napasinghap siya at napahawak sa beywang niya habang nakatingin sa sapatos niya. Tila naguguluhan din siya sa ginawa niya.

Hindi na ako nagpakita ng kakaibang reaksyon kung saan ay iisipin niya pang umaasa akong mahal niya parin ako. Nanatili akong tahimik at hinihintay siyang sumagot. Nanatili akong tahimik dahil naguguluhan rin ako. Nanatili akong tahimik dahil...dahil nasasaktan ako.

Pakiramdam ko dahil sa ginawa niya mas ipinamukha niya sa akin na wala na kami. Na lahat ng mga sinabi niya kanina ay ang mga pangarap namin noon na ngayon ay nasira na...naglaho. Kung durog na ang puso ko dahil sa panloloko niya mas dinurog niya pa kanina dahil sa mga sinabi niya.

"Sanay ka talagang manloko ng tao? Talent mo talaga?" I sarcastically said.

Inipit ko ang labi ko at inayos ang fitted red dress na suot ko. Bahagya kasing tumaas kaya ibinaba ko. Binalingan niya na ako ng tingin. Tinignan niya ang suot kong damit, tumagal ang titig niya sa katawan ko.

"I like your red dress," aniya.

"Gusto mo? Edi bumili ka." umirap ako at bahagyang lumayo para maalis ang tingin niya sa damit ko.

Na-offend yata siya sa sinabi ko dahil nag-tiim bagang siya at saglit na tumingin sa mga taong dumadaan. Lumapit siya muli sa akin at parang nag-hahamon ang mga mata niya. Napikon na siya sa sinabi ko? Hindi pa ako nanunumbat, hindi pa ako galit sa lagay na iyon.

"Ano bang plano mo? Makikipag-balikan ka pa ba sa akin?" biro ang pagtatanong ko pero hindi ko alam na seseryusuhin niya.

"Babalikan naman talaga kita." seryosong sagot niya at mas lumalim ang tingin sa akin.

Gusto kong kagatin ang labi ko para magising sana at huwag magpaapekto sa sinabi niya pero hindi ko nagawa dahil baka malaman niyang malaki parin ang epekto niya sa akin. Ayokong isipin niyang may pag-asa pa siya, na kaya ko pa siyang tanggapin sa buhay ko pagkatapos ng lahat.

"Lucas, hayaan mo na ako. Wala na tayo. Ayoko na." kahit salungat pa sa nararamdaman ng puso pero ito ang mga salitang dapat sinasabi ko sa kanya.

Wala nang rason para tanggapin pa siya sa buhay ko. Bakit ko pa tatanggapin ang isang taong niloko ako? Na kahit pinahalagahan ko nagawa parin akong lokohin. Bakit pa ako babalik sa lalaking ipinagpalit ako sa iba? Hindi ako tanga para bumalik ng gano'n gano'n lang.

"Pagkatapos ng lahat may lakas ka pa ng loob na harapin ako tapos sasabihin na babalikan mo ako?" salubong ang kilay ko at siya ay nanatiling nakikinig lang sa akin.

"Hindi naman ako isang bahay na kapag iniwan mo puwede mo pang balikan at pasukin. Hindi ako gano'n." humina ang boses ko at napayuko.

Hindi ako dapat nagpapakita ng kahinaan. Matapang ako. Matapang ako at hindi ako mahina. Kayang-kaya kong ipakita sa kanya na wala siyang kuwenta sa buhay ko.

Back To My PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon