Kabanata 5

190 8 0
                                    

Kabanata 5

Date

Pagkatapos ng araw na 'yon hindi na kami ulit nagkita pa ni Lucas. Napakinggan ko na siya, nalaman ko na ang side niya. Nakinig ako sa eksplanasyon niya kahit na ayaw ko sana.

Pero kahit narinig ko na siya. Kahit na nasabi niya na ang gusto niyang sabihin sa akin hindi ko pa rin matanggap. Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya. Dahil siguro mas malakas ang loob ko sa nakita ko, pinapanindigan ko pa rin kung ano ang nakita ko kahit na nag-explain na siya sa akin.

Napaupo ako sa aking kama at iniisip pa rin ang mga sinabi niya. Pero nakita ko, nakita ko sila. Totoo nga bang hindi niya ginusto? Totoo ba ang lahat ng sinabi niya sa akin?

Ano ang paniniwalaan ko? Paniniwalaan ko ba ang nakita ko at narinig ko? O paniniwalaan ko rin ang sinabi niya?

Nakagat ko ang labi ko sa pag-iisip. Isang bahagi sa akin ang nag-sisi dahil hindi ko siya hinayaang mag-explain muna bago ako nag-desisyon. Hindi ko siya pinakinggan bago ako nakipag-hiwalay sa kanya. Inuna ko ang nararamdaman ko at tumakbo agad sa sakit na dulot no'n. Hindi ko na siya muling nilingon, binalikan, at pinakinggan.

Inisip kong wala na. Wala na kami dahil nag-loko siya. Niloko niya ako kaya ang solusyon ko kahit na biglaan at kahit na mabigat para sa akin ay ang makipag-hiwalay agad sa kanya. Kahit na hindi pa kami nag-uusap, kahit na hindi ko pa siya narinig kung ano nga ba ang eksplanasyon niya sa nangyari.

Dahil inisip ko rin na bakit ko pa siya papakinggan kung nakita ko na? Kung ako na mismo ang nakakita? Bakit ko pa siya hahayaang mag-sabi ng kung ano-ano kung alam ko na? Para saan pa ang eksplanasyon niya? Para lituhin ako at para huwag paniwalaan ang nakita ko?

Umiling ako at napa-buntonghininga. But when I heard him, when I let him explained, it made a sense. Parang maniniwala na ako sa sinabi niya sa akin. At ang lahat ng akusasyon ko sa kanya at sa nakita ko ay parang isang malaking mali lang. Maling husgahan ko agad siya dahil lang sa nakita ko. Maling nag-desisyon ako agad nang hindi manlang siya hinahayaang mag-explain muna sa akin.

Dahil sa frustration na nararamdaman mula nang mag-usap kami ay napahiga na ako sa kama ko at bumibigat lalo ang dibdib ko. Natulala ako sa kisame ng kuwarto ko at naluluha ang mata.

Am I wrong? Sa pagkakataon na ito mali rin ba ako? Bakit parang mali ako? Bakit parang mali na hindi ko siya pinakinggan muna? Bakit ako nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko?

Gumulong ako sa kama at hindi napigilang huwag umiyak dahil ngayon ko lang naisip na mali ako. Maling bigla-bigla akong nagpatangay sa nararamdaman ko at hindi na muna siya pinakinggan. Mahalaga palang pakinggan muna ang ibang parte ng isang kuwento, mahalagang maintindihan ito bago bigla-biglang mag-desisyon.

Sa naramdamang sisi at paninisi sa sarili ng dalawang araw ay wala na akong sapat na tulog. Masakit parin ang nangyaring hiwalayan sa amin ni Lucas. Sariwa pa ang lahat lalo na't kapag naiisip ko na nag-sisimula palang kami tapos bigla bigla nalang kaming maghihiwalay. At ngayon pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon dahil ako naman talaga ang nakipag-hiwalay tapos malalaman kong ang nakita ng mga mata ko ay hindi lang pala 'yon. Iba ang punto niya, iba ang naramdaman niya, at 'yon ang hindi ko pinakinggan dahil mas pinili ko ang sarili ko.

Kinuha ko ang mineral water sa table ko at mabilis iyong ininom. Tutok ako sa computer ko dahil may tinatapos akong report. Ibinigay na naman sa akin ng boss ko ang isa sa mahalagang trabaho sa kompanya. It means he trusted me for doing this job. Alam niyang kaya ko itong gawin kaya sa akin niya ibinigay kaysa sa mga seniors ko rito. Kaya dapat ay maayos ko ito.

Back To My PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon