Kabanata 1

640 12 0
                                    

Kabanata 1

Husband and Wife

"Tigilan mo nga ako! Alam kong may nangyari sa inyo!" sigaw ni Shira sa akin.

Mas kumunot ang noo ko sa sigaw niya at ngumuso ang labi. Nagpipigil na lang ng tawa si Ella sa tabi namin. Inirapan niya ako.

"Walang nangyari," patuloy kong pag-tanggi.

"Lasing ka hindi ba?" sarkastiko niya pang pag-tatanong.

Tumango ako. "Pero walang-"

"Mag-dedeny ka pa kasi! Obvious namang may nangyari eh!" para siyang bulkan na sasabog dahil sa sigaw niya.

Namumula narin ang pisngi niya. She really looked frustrated. Nakagat ko ang labi ko at marahan na umiiling. Itatanggi ko ng paulit-ulit ang mga akusasyon niya sa akin dahil wala naman talagang nangyari.

"Lasing ka at lasing rin siya. Obviously, may nangyari sa inyo!" sinabayan niya pa iyon ng mga hand gesture niya.

Isang malalim na buhtonghininga ang nagawa ko. Saglit pa akong napapikit at parang pagod na pagod nang makipag-usap sa kaibigan ko na kakaiba talaga mag-isip.

"Nazarine! Hindi mo ako maloloko, dahil alam na alam ko na 'yan." aniya.

"Naranasan niya na kasi," humagikhik sa tabi namin si Ella.

"Huy!"

"May nangyari na sa inyo ni Aeron?" tanong ko.

Agad na nalipat ang atensyon namin ni Ella sa kanya. Mabilis siyang natahimik at napapaiwas na ng tingin sa amin. Hindi siya nakasagot kaya nagkatinginan kami ni Ella.

Kapag hindi naka-sagot agad si Shira ay ibig sabihin tama ang iniisip namin.

"Hindi pa kayo kasal!" ngayon ay ang boses ko naman ang tumaas.

Sa gulat ko ay hindi ko na napigilan. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kanya at pinagtitigan ko siya. Biglang lumikot ang mata niya at namula ang pisngi. From that I already confirmed it.

"We're not minors anymore." nakayuko niyang sabi at kinuha ang matcha niya at sumipsip doon.

Tinignan ko si Ella na ngumiti lang sa akin at tahimik lang. We're here in her coffee shop. Nandito si Shira ngayon sa maynila dahil nagbabakasyon at para makasama kami. Sumunod siya kay Aeron na may trabaho ngayon dito dahil isa itong civil engineer.

Umirap ako at sumandal sa upuan ko at kinuha ang blueberry soda ko at uminom. Natahimik kaming tatlo at ngayon ay hindi ako makapaniwalang ako lang ang hindi nakakaalam sa sekreto ng dalawang ito. Obvious na kay Ella na alam niya na ang tinutukoy ko.

"Kung hindi ko pa maitatanong hindi ko talaga malalaman?" sarkastiko kong sabi.

"Of course, Naz. You'll never know  if you didn't ask first." tumaas baba ang kilay ni Ella at mala anghel na ngumiti sa akin.

Ngumiti ako ng pilit at agad naman itong winala para malaman niyang sarkastiko ako. She shut up and I looked to Shira again. Tahimik na siya ngayon at hindi na ako kayang sigawan dahil sa mga akusasyon niyang siya lang ang may gawa.

"Huy, may nangyari na talaga sa inyo ni Aeron? So, that means you're not virgin anymore?" usisa ko kaya agad siyang tumaas ng tingin.

She looked around. Checking if there's anyone here that could hear our conversation. I smirked.

"Tatlo lamg tayo rito. Halatang walang may gusto sa kape ni Ella." biro ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Ella.

"Mamaya pa mapupuno itong coffee shop ko. Mga ganitong oras malimit lang talaga ang customer." aniya.

Back To My PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon