x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x
Chapter 1:
x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x
FLASHBACK.
Marco..Gaganti ako..
Babawiin ko ulit sayo si Hasmin...
Hindi ako papayag na maging masaya kayo.
Kukunin ko sya.. Pati ang magiging anak ninyo.
“Victor! Wag mo nang ipaksiksikan yung sarili mo kay Hasmin! Hindi ka nya mahal! Ako! Ako na lang ang mahalin mo Victor!!!”
“Isang bote pa nga!”
“Victor! Tama na nga! Tumigil ka na! Walang magagawa yang paglalasing mo!”
“PWEDE BA AILYN!!! UMALIS KA NA! HANGGAT GUSTO KONG UMINOM, IINOM AKO! WAG KANG MAKIALAM!”
“Pwede ba Victor! Wala ka nang magagawa! Buntis na si Hasmin!!! Hindi na kayo magkakatuluyan pa!”
“HINDI! HINDI AKO PAPAYAG! AKO ANG MAHAL NYA! KAMI DAPAT ANG ANG MAGKAKA-ANAK NGAYON!HINDI SILA NI MARCO!”
Sabay tungga ng isang bote ng beer. Wala na ako sa tamang pag-iisip..
Lasing na lasing na ko.
“Victor.. Halika na.. Ihahatid na kita sa inyo.”
“Aillyn.... bakit ba ang bait bait mo sakin? Ha?.. *huk* Siguro may gusto ka sakin noh?”
“Oo Victor...Gusto kita .. Mahal kita. Lahat gagawin ko para lang mahalin mo ko..Victor..”
“Ailyn.. sana ikaw na lang... sana...” tapos hinalikan ko sya.
Magkasama kami nang buong gabing iyon...
Alam ko at natatandaan ko ang nangyari sa amin kahit na lasing ako.
*
Nagdaan ang ilang araw at nalaman kong buntis si Ailyn. Nang malaman ko iyon, agad na kaming nagsama.
Alam ko sa sarili ko na si HASMIN pa din ang laman ng puso ko..
HINDI SI AILYN.
Nagsasama lang kami ngayon dahil sa magiging anak ko sa kanya.YUN LANG YUN.
<><><><><><><><><><><><><><><><>
“Victor manganganak na daw pala si Hasmin! Hindi ka ba pupunta sa ospital?”
Ako ? Pupunta? At bakit? Para makita ko yung magiging anak nila ni Marco? Wag na lang.
Mas magiging masakit.
Pero.. paano na ang paghihiganti ko sa kanila? Kailangang matuloy yun!
“VICTORRRRR!!! VICTORRR!! MANGANGANAK NA KO!!!!” sigaw ni Ailyn.
*
Sa Ospital...
Nakita ko si Marco.. naghihintay din sa panganganak ni Hasmin..
Wala akong maramdaman kundi puro GALIT.
Kailangan kong makipagHIGANTI.
***
“Victor! Bitawan mo ko! Victor ibalik mo ako kay Marco nakikiusap ako sayo...”
“Akin ka lang Hasmin.AKIN KA LANG.”
Hila-hila ko ngayon si Hasmin .. na kapapanganak pa lang.
“Sumama ka sakin! Kung hindi papatayin ko tong anak mo!”
