x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x
Chapter 7:
x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x
[Zac’s POV]
Hindi na ako magpapakilala sa inyo kasi I know nakuwento na ni Hannah ang lahat lahat tungkol sakin..
MADALDAL YUN EH! ^__^V
-------OoO-------
Kasama ko ngayon si Sofia.
Kanina pa kami naglalakad .. ni hindi ko din alam kung saan kami pupunta..
Magkahawak lang kaming dalawa habang naglalakad.
Hindi kami nag-uusap.
Ewan ko kung anong meron pero.. parang may problema?
“Babe.. May problema ba?”
“Ha?........ Wala naman. Medyo napapagod na kasi ako kakalakad eh.”
“Gusto mo buhatin kita? ^_^”
“Ha? Wag na no! Nakakahiya.”
“Sus. Anong nakakahiya dun?! Bubuhatin lang naman kita kasi pagod ka nang maglakad.. Tsaka, bakit naman ako mahihiya kung ang ganda ganda nung buhat buhat ko diba? Dapat nga maging proud pa ko no.”
Tapos namula naman yung mukha nya.
“Eh wag na ok lang.Wag na talag-----“
Hehe.. Binuhat ko na sya.
Alam ko namang masakit na yung paa nya. Ayaw nya lang sabihin.May pagkamahiyain kasi to eh..Eh pano ba naman naka-high heels pa!
“Hoy Zac! Ibaba mo nga ako! Nakakahiya ano ka ba! Zac! Ano ba ! Hahahaha! Tama na sabi eh. HAHAHAHAH! ZAC! ”
“Hahaha! Ok lang nuh! Wag mo silang pansinin! Alam kong masakit na yang paa mo.. kaya hayaan mo na lang ako..”
“Zac! Baba mo na ko! Ok lang ako anu ka ba.”
“Hindi ka okey. Tara na. Punta na lang tayo sa SM.Nood tayo sine!”
“Hoy Zac! Anong balak mo? Bubuhatin mo ko habang naglalakad ka hanggang dun sa SM?! Ang layo nun noh!“
“Bakit? Gusto mo ba? Kung gusto mo.. ede gagawin ko! Kaya ko to noh!”
“Sira ka ba? Ang layo kaya nun! Ibaba mo na kasi ako eh! *PAK!*”
Putek! Ansakit mamalo nitong si Sofia! Buti mahal ko to kung hindi...baka... EWAN!
*
Naglakad kami papunta dun sa sakayan ng bus.
Mag-bubus na lang kami.
Habang naglalakad kami at buhat buhat ko sya...
Echusera 1: “Uy.. May shooting ba dito? Bakit ang sweet nung dalawa na nandun? Nakakakilig naman sila! Tara panoorin natin!”
Echusera 2: “Tara ! Halika! Ang gwapo nung guy oh! GOSH! I like his body! Pang model! Artista ba yan? Parang nakita ko na sya sa TV eh. Bagay sila nung girl na buhat nya!”
Sofia : (Pabulong) “ Zac.. pababa na please.. nakakahiya na oh..”
“Sige na nga. Sakay na tayo ng bus.”
Tapos binaba ko na sya.
“Tumataba ka ata ha! Bigat mo eh!”
“HOY! Hindi na nga ako kumakain ng madami eh! Tsaka, pinagbabawalan mo nga kong kumain ng matatamis diba? Oh sinusunod ko naman yun eh! Tapos sasabihan mo pa kong mataba!Kainis ka! Jan ka na nga!”