<Blaster>
Lahat ay tahimik parin pagkapasok namin sa bahay nina Zild. Napagdesisyonan namin na dito dumeretso dahil ang mga ama namin ay maguusap-usap, at para makapag-ensayo na rin kami.
Kasama ko sina Badjao at Zild ngayon dito sa loob ng silid kung saan kami nage-ensayo. Si Badjao, hawak ang nakaupo lang at nakatulala sa instrumentong kaniyang tinutugtog. Si Zild, hawak lang din ang kaniyang gitara, ganun din naman ako. Tinitipa-tipa ko ang hawak kong gitara, habang si Zild ay nakatingin lang sa kawalan, maga parin ang mata.
Aking naalala na may iniabot nga pala sa akin si Unique kanina.
"Uy. May iniabot nga pala sa akin si Unique kanina, sabi niya basahin daw natin pagka-uwi natin." Sabi ko habang kinakapa ito sa aking bulsa.
Ang dalawa ay biglang napatayo nang nakita nila ang nilabas kong maliit na piraso ng papel. Dali-dalian silang lumapit sa akin. Binuksan ko ang nakatiklop na papel at ito nga ay aming binasa.
"Hihintayin ko kayong tatlo sa waiting shed sa may tapat ng posteng pundido na ang ilaw. 11pm. Sa kalye natin."
Napatingin kaming lahat sa orasan na nakasabit sa pader, 6:14pm. Wala nang limang oras ang nalalabi. Doon ko lang din napagtanto na ang tagal din pala naming nakatunganga lamang dito.
"Sabihin natin kina Tito!" Wika ni Zild na siyang tumayo para magtungo na sa labas at sabihin nga kina Tito ang tungkol sa sulat.
"Hindi pwede!" Pigil ko kay Zild. "Ibinilin niya sa akin na huwag ipapaalam kahit kanino."
"Pero Blaster, paano—"
"Ako nang bahala." pagputol ni Badjao sa kung ano mang sasabihin ni Zild. "Aalis tayo ng 10:30 dito. Pupuntahan natin si Unique."
"Baka hindi tayo payagan." Sabi ni Zild na halatang nagaalala.
"Ako na ngang bahala." Wika ni Badjao.
Magkikita tayo, mahal naming kaibigan. Hintayin mo kami.
BINABASA MO ANG
Pundidong Ilaw
FanfictionIV OF SPADES × Unique One Shot / Short Story "Darating talaga ang oras na ang isang ilaw sa daan, hindi na makakapagbigay tanglaw."