<Unique>
10:47pm. Ilang minuto na lamang ay dapat nandito na sila. Ako'y lumilinga-linga upang tignan kung may tatlong lalaki bang parating. Sana dumating sila. Hindi man lang ako nakapag-paalam nang maayos sa kanila.
Alam ko kasing may mga taong nagbabantay sa akin kanina mula sa malayuan kaya limitado ang aking mga galaw sa aking pagmamaalam. Natatakot din ako sa pwedeng mangyari o gawin sa akin.
Ayokong bitawan nalang basta ang mga pangarap ko. Nabubuhay na ako sa pangarap ko, oo, kasama sila. Pero ayoko din namang mapunta sa puntong kailangan ko pang umasa sa iba para sa salaping papasok sa pitaka ko.
Isa pa, minsan hindi narin kami nagkakasundo, hindi sa pagkakaibigan namin kundi sa larangan ng musika. Hindi sa sinasabi kong hindi nila ako pinakikinggan, pero minsan kasi, ako ang nahihirapan makinig sa kanila.
May gusto pa akong ilabas na mga salita mula sa aking puso't utak, na alam kong mailalapat sa isang magandang awitin. Pero tila bang pinipigil ko ang sarili ko dahil iniintindi ko sila. Isa pang hindi mawala sa isip ko ay ang mga tagahanga namin. Paano na lamang sila? Hindi bale. Mas nararapat naman sa tatlo ang pagmamahal nila.
Ayokong mawala ang pagkakaibigan namin. Gusto ko lang pakawalan ang sarili ko sa kawalan. Gusto ko pa magsaliksik, at batid kong hindi ko yun lubusang magagawa kung nandito lang ako.
Sakto sa pagbukas ko nang aking panglawang lata ng beer, dumating na ang mga taong hinihintay ko.
"Unique." Blankong sabi ni Badjao.
"Dumating kayo." ang tanging nasambit ko, at sa aking paglapit, lahat kami ay nasa braso na nang isa-isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/179974887-288-k242773.jpg)
BINABASA MO ANG
Pundidong Ilaw
FanfictionIV OF SPADES × Unique One Shot / Short Story "Darating talaga ang oras na ang isang ilaw sa daan, hindi na makakapagbigay tanglaw."