1:37am. Sabi nang aking relo.
Ang tagal din pala naming magkakausap nang mga 'to. Hindi bale, huling pagkakataon narin naman ito. Ipinaliwanag ko sakanila lahat nang aking nararamdaman, ang aking mga dahilan, lahat nang aking saloobin, pati narin ang pagmamahal ko sa kanilang tatlo at ang pagpapahalaga ko sa aming pagkakaibigan.
"Salamat, dumating kayo." Sambit ko sakanila habang pinupunasan ang mga nalalabing bakas ng luha sa aking pisngi.
"Salamat din, Koi." Sabi ni Zild. "Salamat sa pagbabahagi sa amin nang talento mo." Dagdag pa niya.
"Alam mo Unique, naiintindihan ka namin." Wika naman ni Badjao. "Alam naming gusto mo pang lumipad."
"Yun nga lang, hindi mo kami isasama sa paglipad mo." Dagdag ni Blaster na may tonong nagtatampo sa akin.
"Huwag ka ngang ganiyan Ter. Di mo bagay." sabi ko sa kaniya na may kasamang mahinang pagtawa.
"Wala! Iiwan mo kami. May solo-solo ka pang nalalaman." Kaniyang sagot sa akin.
"Wala na tayong magagawa, Ter! Tumigil ka diyan!" Saway naman ni Badjao sa kaniya.
"Hahayaan ka na namin Unique. Pero, sayang lang. May nasimulan na tayo. May pangalan na tayo. Bakit kailangan ngayon pa ganito?" Tanong ni Zild sa akin.
"Darating talaga ang oras na ang isang ilaw sa daan, hindi na makakapagbigay tanglaw. Tulad netong posteng 'to." Sambit ko habang itinuturo ang posteng may pundidong ilaw sa harapan nang waiting shed na kinauupuan namin. "May panahon talagang mapupundi na ang sulo. Sa ngayon, ako yan. Ako yung pundidong ilaw. Kayo, kayo yang mga nagliliwanag pa." Napatingin naman sila sa paligid, tunay nga. Nagliliwanag pa ang ibang mga ilaw pwera sa nasa harapan namin.
"Pero hindi ibig sabihin nun ay habang buhay ka nalang pundido, diba?" Sabi ni Blaster.
"Oo naman, Ter. Kapag pinalitan ko yung ilaw ko. Mas maliwanag. Para mas makapagbigay ilaw pa sa madilim na daan ng ibang tao."
"Syempre kami rin mas paliliwanagin namin yung ilaw namin!" Sabi ni Zild. Tinugon ko lamang ito nang pagtango.
"Ang mahalaga, pare-pareho parin tayong makakapagbigay liwanag sa mga taong sumusuporta sa atin sa pamamagitan nang musikang ginagawa natin para sa kanila." Sabi ni Badjao.
"Pero sandali. Kung poste tayo..." wika ni Blaster na siyang dahilan nang pagtingin namin sa kaniya. "Ang liit naman atang post ni Kuya Badjao?"
"Walang hiya ka Blaster!" Sigaw ni Badjao. Kumaripas naman nang takbo si Blaster, at malamang, hahabulin siya ni Badjao.
"Lagot ka Ter!" Sabi ni Zild sa gitna nang kaniyang mga pagtawa na tumayo din para habulin si Blaster.
Napa-ngiti na lamang ako habang pinapanood silang maghabulan. Tumulo muli ang isang patak nang luha mula sa aking mga mata. Mamimiss ko sila nang sobra.
BINABASA MO ANG
Pundidong Ilaw
FanfictionIV OF SPADES × Unique One Shot / Short Story "Darating talaga ang oras na ang isang ilaw sa daan, hindi na makakapagbigay tanglaw."