Chapter 1

575 20 0
                                    

Konan's POV

"Uy may new transferee daw!" Umagang umaga bungad na bungad sa akin ang nag kwekwentuhan na mga magkakaibigan sa room.

"Wait sino? Gwapo ba? Jowable? Hala baka ito na yung hiling ko kay Lord!" Excited na saad ni Yurim na may pa closed fist pa na tila nag dadasal kay Lord. "Hindi pa nga alam kung lalaki ba or babae eh." Binatukan ni Lacey si Yurim.

"Sa pagkakarinig ko, lalaki raw eh. I wonder kung anong grade. Malay mo ka klase pala natin." Sabat ni Brenda sa dalawa.

"Good morning!" Pumasok sa classroom namin ang dalawang lalaki. Unbuttoned uniform, yung bag halos ilampaso na nila sa floor, bored face, as usual for Ryan and Leo.

"Morning babe!" Bati ni Brenda kay Ryan, ang boyfriend niya. She kissed Ryan's cheeks habang si Ryan walang man lang pake. Nako mga lalaki talaga. Umiling nalang ako habang tinitingnan ang mga magbabarkada.

Lumapit si Yurim kay Leo. "Have you heard the news? May transferee daw. I wonder kung anong grade." Leo looked at Yurim in disbelief. "Luh ang landi mo naman, Yurim."

"What's new?" Sabat ni Lacey sabay roll eyes.

"Sa pagkakarinig ko, Jeremy? Oo Jeremy! Valderos? Balleros? Valleros? Basta yun na yon! Grade 12 at STEM strand daw." Napaligon ako dahil sa sinabi ni Leo.

Wait, he's here? So totoo pala yung nakita ko kagabi na dumating na sila at hindi lang ako nag hahallucinate? Buong akala ko ay I'm imagining such things dahil sa miss ko na siya but it's real. He's here!

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas sa classroom. It's still 7:55 am at 8 am pa ang simula ng klase. Probably malelate for about a minute ang teacher namin sa first sub dahil mag lalakad pa ito from faculty papunta sa classroom.

Dali dali akong tumakbo sa corridor hanggang sa makarating sa STEM Strand. May 5 classrooms for STEM Strand na grade 12 pero agad kong nalaman ang classroom niya dahil sa may mga nag kukumpulang mga estudyante sa labas ng classroom at tumitingin sa loob. Malamang ay si Isaiah ang tinitingnan nila. Halos makipag siksikan ako sa mga babaeng tumitingin at tama nga ang hinala ko, nandoon si Isaiah at siya ang pinag titinginan ng mga babae. He's at the back at naka headset lang ito at hindi pinapansin ang mga taong nasa paligid niya.

Agad akong pumasok sa classroom niya at pinagsawalang bahala ko nalang ang mga tingin ng kaklase nito dahil hindi nila ako kilala.  I grabbed his hands at lumabas kami sa classroom. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala hindi ko sila pinansin. He tried to resist at binabawi ang kamay niya kaya nang nilingon ko siya ay saka siya natigilan. His eyes widened at narealize na ako yon. Dumiretso kami sa Library dahil dito lang ang alam kong place na pwede kaming mag usap na walang nakaka istorbo dahil panigurado ay pagtitinginan kaming dalawa pagka nasa canteen or corridor kami mag uusap.

"Konan..." Narinig kong saad nito pero hindi ko ito pinansin at binigay ko lang sa kaniya ang log book ng library. "Isulat mo muna ang pangalan mo." I said at nag hanap na ng mauupuan. Wala masyadong estudyante dito sa library dahil baka nasa classroom na sila.

Umupo si Isaiah sa tapat ko at tinitigan lang ako. He seems startled.

"It's been a while, Isaiah." Panimula ko. I'm trying to hold my tears. Overjoyed na rin siguro ito dahil sa tagal ng hinintay ko. I was grade 1 noong huli ko itong nakasama and he's grade 2 back then.

"Konan..." He called making my tears flow nonstop. "I... I'm sorry." Marahang saad nito. Hindi niya alam ang gagawin niya dahil nakikita niya akong umiiyak but his words are comforting me.

Patuloy sa pag buhos ang mga luha ko. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa library pero hindi ko sila ininda. For 9 years, hindi ako umiyak. Umaasa akong babalik siya anytime pero hindi ko inaasahang magtatagal ito ng 9 years. 9 fucking years!

Stay StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon