Chapter 3

221 13 0
                                    

Konan's POV

"Hoy kanina ka pa galit dyan ha. Naka ilang punit ka na sa one whole mo." Sinaway ako ni Isaiah habang ako ay kanina pa rin sa pag draw drawing ng paikot ikot sa papel ko hanggang sa punitin ko ito. I sighed at tiningnan ko siya ng masama nang kinuha niya bigla ang papel at ballpen ko.

"Stop, let's cool your head." Nilagay nito ang papel at ballpen ko sa bag ko at saka na ito binuhat. "Bawi ka nalang sa next quiz niyo. Tsaka bakit ba hindi ka nakapag review?" Marahan niya akong hinila paalis dito sa library.

"Eh surprise quiz yon at saka general math pa! Sobrang hirap kaya. Ibang iba yung nasa examples compare sa quiz kanina." Walang gana kong sagot sa kaniya habang ako ay napapahila lang. Wala akong gana, nawalan ako ng gana pagkatapos noong quiz kanina sa gen. math subject namin.

"Hindi ka ba nakinig ng mabuti?"

"Nakinig naman kaya naiinis ako sa sarili ko kasi parang walang kwenta yung pakikinig ko." Pinagmasdan ko ang empty corridor ng school dahil it's already 5 pm at kokonti nalang panigurado ang mga nandito pa sa school at baka yun ay mga athletes na nag tre training pa.

"Getting 15 out of 50 is good kung ako ang tatanungin mo. Tsaka pinaghirapan mo iyon, you should be happy atleast you tried your best. Hindi man enough, may natutunan ka naman." Tumango ito. "Ilan ba nakuha ni Florence?" Dagdag na tanong nito.

Napaka kunot naman ang noo ko sa tanong niya. Oh bakit siya curious? Kanina lang ay ang sama ng tingin niyo sa isa't isa at halos magpatayan na kayo.

"35."

"Huh? Matalino pala yon? Akala ko ay bagsak din."

"Kumopya siya kaya naka 35." I frowned. Ayaw ko nang mag salita. Pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. Tila napansin naman ni Isaiah na wala na akong balak makipag usap kaya naman hindi na niya ako pinansin at diretso na ang paglalakad namin.

Buong akala ko ay sa oval kami dadaan pero doon pala kami dumaan sa main gate ng school. Sobrang crowed dito dahil na rin may mga street vendors sa labas kaya naman ang ibang mga estudyante ay tumatambay muna sa labas at kumain. Dito rin naghihintay ng mga sasakyan ang mga estudyante ko kaya habang naghihintay sila ay kumakain muna sila para hindi mainip.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito dahil iba ang dinaanan namin imbis sa pauwing daanan.

"Ice cream house. Gusto kong magpalamig ng ulo." Sagot nito at diretso lang ang lakad at hindi man lang lumingon sa akin.

Napilitan nalang ako sumama sa kaniya dahil gusto ko rin magpalamig ng ulo kahit papaano. I don't want to ruin this moment dahil lang sa inis na nararamdaman ko dahil sa nakuha kong score sa gen. math. Malapit lang ang ice cream house dito sa amin at mabuti nalang at kokonti lang ang mga tao dito. You can also stay here at maupo kung gusto mong ubusin ang pinamili mo.

Umupo muna kami ni Isaiah sa corner table dito sa ice cream house. "What do you want? I'll pay for it." Nilapag niya ang bag ko sa table. Tumingin naman ako ng mga flavors ng ice cream na nasa piece of paper dito sa table. Meron din dito kung gusto mong mas sosyal ang ice cream mo. You can choose kung saan din ito ilalagay pero ang lagi kong pinipili ay ang cup.

"Double dutch nalang and sa cup na small. Wala ako sa mood kumain ng ice cream." I said without looking at him at saka ako nag crossed arm. I heard that he sighed bago umalis para umorder na ng ice cream.

Pagka balik nito'y may dala na siyang ice cream na naka cup and a banana sundae. Obviously hindi niya ako papakinggan sa choice kong small lang at kumuha siya ng medium sized cup for my ice cream. Isaiah will be Isiah.

"We came here to chill, Konan. Here's your ice cream. Enjoy." He said at nilapag na sa tapat ko ang ice cream.

Pinagmasdan ko muna ito saka ako huminga ng malalim. Wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari at ang tanging choice ko nalang ay ang bumawi for the next quiz sa general math. I scoop a little and eat it. I feel the coldness penetrate my body. Sobrang refreshing nito. Bakit hindi ko naiisipang magpunta lagi dito tuwing mainit ang ulo ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stay StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon