Chapter 2

330 17 2
                                    

Konan's POV

Maaga akong nagising kinaumagahan. Alas singko palang ng madaling araw at mamaya pang 8 am ang klase namin. Ayaw ko namang bumalik sa pagkaka tulog kaya naman bumangon na ako sa higaan ko at naligo na.

After kong maligo ay nagbihis ako. A jacket and jogging pants ang sinuot ko dahil balak kong mag jogging at magpalipas ng oras. I put on my running shoes at lumabas na sa kuwarto ko.

"Oh ang aga mo naman yatang nagising 5:20 palang ng madaling araw." Saad ni Mama nang makita niya ako. Nasa kitchen ito at nag luluto habang si Papa naman ay naka upo sa wooden chair sa lamesa at nagkakape. Maagang nagiging ang mga ito at hindi na ako nagulat dahil tanging ilaw sa kitchen at dining area ang naka on.

Umiling ako at ngumiti kay Mama. "I'll jog. Wala lang, naisip ko lang." Saad ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin dito sa sala. Gusto ko namang lumabas ng maayos at ayaw kong pagtitinginan ako ng mga tao sa labas kahit na madaling araw pa lang.

"Okay ingat." Tumango si Papa kaya naman ngumiti ako.

Binuksan ko na ang pinto at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. It's still dark outside but you can identify objects kahit na hindi pa sumisikat ang araw. Naka on pa rin ang streetlights na nagsisilbing ilaw din sa daanan. I opened our gate at naglimula nang mag jogging.

Good thing I wore jacket and a jogging pants dahil panigurado akong I'll freeze to death kung hindi ko ito sinuot dahil mas malamig pa dito.

Balak ko sanang dito lang ako sa lugar naming mag jogging kaso naisipan kong gusto kong pumunta sa oval kaya naman doon ako dumiretso.

Sa usual na daan ako dumaan at hindi sa highway. Nang makarating ako sa tulay ay huminto muna ako saglit para damahin ang hangin. Kahit na nilalamig na ako ay gusto ko pa ring magpahangin. Nakaka gaan sa loob at parang gusto kong ganito nalang dapat lagi.

May mga nag jojogging rin akong nakita habang nag jojogging ako. Ang iba ay mag isa, ang iba naman ay may kasama, ang iba ay pamilya pa silang nag jojogging. Healthy life indeed.

Nang makapunta na ako sa flower path ay mas dumami ang mga taong nakakasalubong ko. Yung iba ay papasok palang sa oval, ang iba ay palabas na. Ang mga halaman ay hindi pa nag blo-bloom dahil maaga pa. May mga nag ba-bike rin dito dahil maganda ang ambiance at napaka ganda ng lane na suitable for biking. Hindi rin kasi dito pinapapasok ang mga sasakyan na malalaki and even motorcycles and tricycles. Bike and hoverboards lang ang pwede.

Maraming tao ang nag jojogging sa oval nang makapasok ako. Ang iba ay nag kakarera pa, ang iba ay may sariling mundo at naka headset para hindi maistorbo. Nakita ko sa bleachers na nandoon ang ibang athletes at nag papahinga, ang iba ay kararating lang, ang iba ay nagpapahinga.

Inalis ko na ang tingin ko sa kanila at nagsimula na akong mag jogging paikot sa oval. Maganda ang grip nitong oval at hindi ka talaga madudulas pagka nag jojogging ka. Isama mo na ang sapatos ko, safe na safe talaga. Medyo basa ng konti itong oval dahil na rin siguro sa hamog pero sa ibang bahagi naman ay wala na dahil na rin siguro ay natuyo na.

Ilang beses akong nagpaikot ikot dito sa oval. Mga sampung beses ay saka ako tumigil dahil nauhaw na ako. Umupo muna ako ako sa bleachers at namilog ang mata ko nang ma realized kong hindi nga pala ako nagbaon ng tubig. Tuyong tuyo na ang lalamunan ko at halos itong saliva ko nalang ang bumabasa rito. Pagod na pagod ako at hinihingal kaya gusto ko ng tubig kaso wala eh, I forgot to bring one!

I was about to stand up nang may maglahad ng tubig sa gilid ko. "Seems like you need water to rehydrate, miss beautiful." Agad kong na recognized ang boses nito. Tumingin ako sa gawi nito and a familiar flirty face ang bumungad sa akin. Kung sa ibang babae ay gumagana yan, pwes sa akin hindi. Umirap ako at kinuha ang bottle ng tubig.

Stay StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon