Chapter 1
"Nirvana!" sigaw ng lalaking may malaking pangangatawan at tiyan.
Napatigil ako sa pangangakal ng basura ng marinig ko kanyang magaspang na boses.
Si Itay!
"Nirvana! Pisting bata ka! Ba't hindi ka nagsaing?! Gusto mo talagang mapalo ano?!"
Dali-dali akong lumapit sa kanya dala ang nakolekta kong plastik, lata, bakal at bote.
"'Tay, wala po tayong bigas kaya di ako nakapagsaing. Alangan naman bato isaing ko di ba? Magic! kung kayanin nating lunukin ang mga bato, 'tay. " sagot ko sa kanya.
"Aba't sumagot ka pa talagang de putik na bata ka! Hampasin kaya kita ng bato nang tuluyang maalog 'yang utak mo!" asik niya.
"'Wag ka ngang ganyan 'tay! Sayang naman baka masira but-ty ko niyan." biro ko kang Itay.
Butty ba 'yon o beauty...
Ay, Ewan!
"Pisti ka talagang bata ka!" sabay kinurot ang tainga ko.
"Ar-rayyyy... Masakit 'tay."
"Tiisin mong pinisti ka! Nanggigil ako sayong demonyita ka!"
Tingang-kurot na kinaladkad ako ni Tatay patungo sa isang gibang barong-barong aking kinalakihan.
Sa edad na sampo, namulat na ang mga mata ko sa kahirapan.
Dalawa o isang beses lamang kami nakakain sa isang araw.
Panganay ako sa walong magkakapatid.Titser ang aking nanay ngunit ang sweldo niya ay di sapat na matustusan aming pangangailangan.
Siyam na libo lang kanyang sweldo taga-buwan. Sa private school kasi siya nagtatrabaho dahil hindi nakapasa sa board exam.
'E kung sana nakapasa mas malaki siguro kikitain niya sa isang buwan. Mabibili sana niya kami ng masarap na pagkain. Kagaya nung nakikita ko sa advertisement sa Tv ng aming neybors na si Aling Kutsing.
'Yung Chicken job o Chicken Joy?!
Ay, basta!'Yung laging iniindorso ng mga artista na may kasamang malaking bubuyog na hindi naman pala lumilipad, naglalakad lang.
Sarap siguro 'yun, ano? .
Kailan kaya kami makakain masasarap? Hayyyss!
Si Itay naman walang trabaho.
Tambayan niya ang sugalan. 'Yung baraha at nagpapaaway ng manok ba. May mga oras nga nanghihingi siya ng pera kay nanay pambili 'daw' ng manok.Tapos nung nakabili siya mas inaalagaan at pinapakain pa niya ang mga manok kaysa sa amin.
Pinapaliguan.
Pinakain ng tatlong beses sa isang araw!
Kami nga na mga anak niya dalawa o isang beses lang kumain sa isang araw wala pa 'yang ulam ha?!
Kulang na lang toytbrasan at bihisan niya. Hmmp!
Biniro ko nga minsan si Tatay na katayin namin 'yung manok niya.
Tangina.
Hinampas lang naman ako ng silya!
Minsan nga iniisip ko nalang na kapatid ko ang alaagang manok ni Tatay nang di namin maattempt katayin.
'Yung ano ba filling o feeling na part of the pamilya.
Pinagseselosan ni Nanay nga 'yan minsan. Pinapili si Tatay.
Siya ba o 'yung manok?
Ang sagot naman ni Tatay...
Ang manok kasi mas magkakapera 'daw' sya.
Si Nanay walang nagawa kundi ang manahimik.
Buti na lang nagsakit 'yung manok at namatay.
Ginawan niya ng kabaong at inilibing sa aming bakuran.
At dahil matalino ako.
Hinukay ko 'yung namatay na alagang manok ni Tatay at iniluto para ulam.
Di ba ang talino ko!
Nagtanong pa nga siya non kung saan ko 'daw' nakuha ang karneng manok na aming inulam.
Sinabihan ko, "Diyan lang sa tabi-tabi,'tay"
Buti at hindi ako nahuli.
@Twiceley_Fri😂😅
Thank you sa nagbabasa at magbabasa pa lang.
Plsss... Click the Star to Vote!😇
BINABASA MO ANG
A Quest in Idyllic Hideaway
General FictionSa buhay, minsang ding pinaharap ni Nirvana Mapalad ang isang perpektong mundo. Isang uri ng lugar tinatawag niya "Shangri-la". Lugar na walang pasakit at panlulupit. Masagana at may sarap na pagkain. Walang gulo. Shangri-la, syudad na sa patingi...