Chapter 2
"Vana! Renan? O bakit ngayon lang kayo?" salubong natanong ni Nanay ng makarating kami ni Itay sa sira-sira naming bahay.
"Ito kasing animalis mong anak! Tagal kong nahanap. Pinisti bata 'to sarap hampasin ng martilyo! Ang kulira nangangalkal lang pala ng basura." pasigaw niyang sagot kay Nanay.
Wow. Anak na lang pala ako ni Nanay ngayon. Wow!
"Renan, saan na 'yung pinabili kong bigas sayo?"
Ayun! May ipinabibili palang bigas.
"Oo nga 'tay? Saan na ang bigas?" pasulyap kong tanong sa kanya.
Ang mga kamay niya'y nanginginig at mukha'y umasim bigla tapos parang matatae na para ring hindi.
Ewan!
Ang mukha niya kasi kahit kinakaban o normal ay pareho lang. Parang natatae na naasiman na ewan.
But in style...
I smellishing fishinos!
Mukhang may katarantadohang ginawa nanaman 'tong animalis ko ding tatay.
O 'yung nangangamoy lang niyang pawis at kili-kili 'tong naaamoy ko?!
Pero tangina parin!
Kanina galit-galitan pa itong Imaw na 'to tapos binigyan naman pala ng pera.
Napakamot siya sa kanyang ulo.
"Hehe-he, a-no siningil kasi ako ni Aling Margie sa utang n-atin sa tindahan. Alam mo na, matagal-tagal narin natin hindi nabayaran. Kaya binayaran ko."
Nay, 'wag kang maniwala dyan! bulong ko sa aking utak para bang maririnig iyon ni Nanay.
"Ganon ba? Okay narin 'yon at nang mabawas-bawasan din." Pinagpapatuloy niya ang naudlot napaglalaba.
Napangisi si Itay.
Naisahan na naman niya si Nanay. Pinisti talaga 'tong lalaking buntis na 'to. Sarap bigwasan sa tiyan nang putok!
"O tapos 'tay, totoohanin ko na ba 'yung pagsasaing ng mga bato? Malakas pa naman siguro 'yang mga ngipin mo ano?!" masamang tiningnan ko siya.
Ngunit ngisi lang ang naging nang loko sagot niya.
Lintik lang na walang ganti!
Nagsugal nanaman ang damuho!
Hindi man lang inisip ang kapakanan namin.
Napaka fishball talaga niya!
This it! Another fasting.
Daig pa namin Muslim nito kapag nagkataon.
Araw-araw walang kain at gutom.
Kaya, ang mga pangangatawan namin ay hindi naayon sa aming edad.
Balat-buto at kinulang sa tangkad.
In short, mga malnutrish kami.
Kung hindi ba naman sana kami binigyan ng amang sugarol at manginginom.
'E pinisti!
Siya ang ibinigay.
Malas naman oh! Dapat 'yung may datong.
Naisip-isip ko minsan, paano kaya napaibig ni Itay si Nanay?
Hmm...
Maitanong nga.
@Twiceley_Fri😂😅
Thank you sa nagbabasa at magbabasa pa lang.
Plsss... Click the Star to Vote!😇
BINABASA MO ANG
A Quest in Idyllic Hideaway
قصص عامةSa buhay, minsang ding pinaharap ni Nirvana Mapalad ang isang perpektong mundo. Isang uri ng lugar tinatawag niya "Shangri-la". Lugar na walang pasakit at panlulupit. Masagana at may sarap na pagkain. Walang gulo. Shangri-la, syudad na sa patingi...