4 - Unexpected

6 0 0
                                    

NARU'S POV

Maaga akong nagising kahit may hangover pa ako. Ang ingay kasi ng Music na naririnig ko dito sa bahay. Sino nanaman kaya nagpapatugtog ng ganitong oras? Pagtingin ko sa relo ko, ay, 9 na pala. Bumangon na ako at Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko tatlo kong kapatid - triplets actually, sumasayaw sa harap ng TV. Ineenjoy nanaman 'yung bagong song ngayon ni Psy, 'yung Gentleman. Mula 'nung nakita nila at napakinggan nila 'yun sa TV. Wala na silang ginawa tuwing umaga kundi sayawin 'yun. Ang kukulit.

"WAKO WAKO GENTLEMAN!!!" Sigaw ng tatlo kong kapatid ng magchorus na ang kanta. Bigla akong napahawak sa tiyan ko at natawa.Pinuntahan ko sila, at kinulit ng kinulit. Panganay ako sa aming magkakapatid. Pangalawa sila, hindi na sinundan ni Mama at Papa, kasi naman tatlong babae ang sumunod sa akin. Nakakatawa silang pagmasdan, mga bata pa kasi. Twenty-two na ako, samantalang sila, 3 years old palang.

"Kuya! Sino 'yung kasama mo kagabi?" Tanong ni Lea. Nagulat ako sa tanong niya. Kasama? Sino? Teka, mukhang lasing ako kagabi.Iniisip ko ng iniisip kung ano sinasabi ni Lea, Puta sakit sa ulo.

Oo, alam ko na!

 

10 hours Ago.......

"Hahahahahahaha!!!" Walang ginawa 'tong katabi ko kundi ang tumawa. Takteng 'yan! 

"Hoy Naru! Alam ko kung saan mo nakuha 'yang pangalan mo! Isa ka rin sa mga Alien no? Hahahahahaha!" Si   Aria, siya ang katabi ko. Nag-iinuman kami ngayon dito sa Tree House nila Kim. Birthday kasi ni Pelya. Samantalang kanina bago pa kami makarating kina Pelya, halos 'di ako kibuhin sa biyahe. Puro siya "Oo" "Hindi" "Ok" sa lahat ng tanong at sinasabi ko. Muntik pa akong mapikon.

"IKAW BA SI NARUTO????HAHAHAHAHA!" Saad pa niya uli. Nakakabingi!

"Hoy Aria--" Pinutol nya pananalita ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe It's Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon