2 - The Impression Part 1

8 1 0
                                    

Second Chapter para sa nagbasa ng Una~

--Aneesa 

Huwebes na, dumeretso ako dito kina Mommy - Nanay ni Kim, dito sa Marikina pagkatapos ng trabaho. Bakit? Trip ko lang. Ayaw ko munang umuwi ng bahay. Wala daw si Daddy sabi ni Milo. Hindi nanaman nagpaalam si Daddy sa akin. Tuwing aalis kasi si Daddy ng bahay, nagpapaalam 'yun sakin. Sa akin lang, minsan lang naman kasi magpaalam 'yun kina Kuya at sa iba ko pang kapatid. Alam niya kasing lagi ko siyang hahanapin.

"Mommy, si Kim po?" Tanong ko kay mommy pagkarating ko. Sanay na sila sa akin na Mommy at Daddy ang tawag ko sa mga magulang ni Kim. Kung tutuusin, halos lahat ng mga Nanay at Tatay ng kaibigan ko, nakasanayan ko ng Mommy at Daddy ang tawag ko. Ayus lang naman sa kanila. Ganoon talaga, malambing kasi ako.

  "Wala pa siya Aria, antayin mo nalang siya sa kwarto niya, nakabukas naman ata 'yun." Saad ni Mommy, umakyat nalang ako papuntang kwarto ni Kim. Nakasalubong ko pa kapatid niya na si Kenneth at nginitian ako. Kinamusta at 'yun bumaba narin. Namiss ko ang lokong 'yun ah, mukhang katatapos niya lang magshower. Ang sarap niyang yakapin. Kakaletse iniisip ko. Ultimate crush ko 'yan. Mula kasi pagkabata, magkapitbahay na kami nila Kim. Kaedad ko lang naman kapatid niyang si Kenneth. Maliban sa malinis sa pangangatawan, nakakatuwa pa mga mata niya. Kinikilig ako pagnakikita ko siya. Peste, ano nanaman ba 'tong iniisip ko?

  Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng kwarto ni Kim, nakasarado ito, bubuksan ko sana, kaso nakalock pala. Bumaba nalang ako, dumeretso sa salas at iniwan ang bag ko. Kanina nandito lang si mommy, ngayon wala na. Baka nasa kusina, bulong ko.

  Dumeretso ako ng kusina, kaso wala din siya. Parang nawala mga tao dito sa bahay nila bigla. Nge? Kanina andito lang din si Kenneth, ngayon hindi ko na makita. Anu ba 'yan. Makatambay na nga lang muna sa labas. Sa labas ng bahay nila Kim, may puno sila ng mangga, at may Tree House dun. Doon kami mahilig tumambay 'nung mga panahong parehas pa kaming walang trabaho. Actually, 'nung mga panahong wala pa kaming mga trabahong kaming magbabarkada. Maliban sa inuman namin dito, sound trip at puro kwentuhan at kung ano kalokohan rin ang ginagawa namin dito.

  Naalala ko lang nung college pa kami. Bakasyon 'yun eh. Araw ng mga patay. Pagkatapos naming dumalaw sa mga dapat naming dalawin sa sementaryo 'nung araw na 'yun, tumambay kami sa tree house, siguro alas -onse ng gabi, nangtrip kami. Lahat kami   - Kim, ako, si Tiffa, Chan-Chan at si Monde - nakadapa sa tree house, si Monde taga-silip ng mga taong dadaan sa bandang harap ng bahay nila Kim. Pagtumimbre na si Monde na may tao, uungol na kami na parang mga asong nakakita ng kaluluwa. Mukha kaming tanga sa kakatawa tuwing nakikita naming napapatakbo 'yung mga taong dumaraan. Matapos siguro ng pang-apat na taong tinakot namin, may bumalik, may kasamang tanod. Ayun, nasermunan, pero matapos ang sermon, kulang nalang magpagulong-gulong kami sa kakatawa. Kahit college na kami, para kaming mga bata. Ganun talaga pagwalang mga syota. Nagagawa mga gusto ng walang nagpipigil o nagagalit. Maliban sa mga magulang namin.

Maybe It's Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon