Chapter 3- The Cords

46 3 0
                                        

 
Leigh's POV

Inayos ko muna ang sarili bago pumasok sa Office ko. Binigay sa akin to ng parents ko kasi dating Office nila ito noong sila pa ang nagmamanage ng ZIS (Zein International School) I mean, sila parin naman ang nagmamanage hanggang ngayon kasi obviously hindi pa ako capable para maghandle nito pero sa akin na ipinagkatiwala ng Parents ko ang pag e-interview sa mga transferees since this last few years, marami na ang nagtatransfer sa school ko. Hindi basta basta ang ZIS, karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga anak ng mga kilalang negosyante. Kaya sinasala talaga namin ang mga pumapasok dito, kailangang may utak at syempre kailangang good ang background nila sa dati nilang school kasi baka takaw gulo, kaya kailangang e-interview ang mga transferee kasi baka may bad record kaya nag transfer.

"Goodmorning" Pormal na sabi ko nang makapasok ako sa Office at nakita kong may dalawang lalaki na ang nandoon. Dumiretso ako sa table at nilagay ko ang hand bag ko.

"Ikaw ang mag e-interview sa amin?" Tanong nong lalaking mukhang labanos sa kaputian.

"Mm." Tipid na wika ko at naupo sa swivel chair.
Napatingin ako sa door nang biglang pumasok si Ms.Yen na may dalang folder.

"Ah Ma'am eto po pala yung mga enrollment forms nila" Sabi ni Ms.Yen nang nalagay niya na sa table ko ang folder.

"Thanks Ms.Yen, You may go now." sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at nag nod.

Binuksan ko ang Folder.

"The Cords" Panimulang sabi ko kaya napaharap silang dalawa sa akin. They have Good Looks, Someone that can put womens undies down. Kaya pala naloloka ang mga kaibigan ko sa mga ito.

"Base dito, Apat kayo. So nasan ang dalawa?" Pormal na tanong ko sa kanila.

"A-ah papunta na daw rito ang isa Ms.Leigh" nauutal na sagot nong isa.

"At ang isa?" Nagtataka ngunit pormal na tanong ko.

"Nauna napo siya Ms.Leigh" Sabat nong chinito.

"Nauna?" Hindi ko kasi gets ang sinabi niya kaya nagtaka ako.

"Yes Ms. Leigh, Enrolled na po siya." Nakangiting sabi nong mala labanos ang kulay.

"Oh Okay. Anyway, Leigh nalang, magkaklase naman siguro tayo since Nursing rin naman pala ang course niyo." Natatawang sabi ko.
"Thankyou Leigh." Sabay nilang sabi
Ngumiti lang ako at Ngumiti rin naman silang dalawa. Kaya bumalik ulit ako sa pagbabasa ng forms nila.
"So, sino dito ang nauna nang mag-enroll? Mukhang hindi ko na kailangan ang form niya." Seryosong tanong ko

"Storm Azrael Mendez" Sabi nong Chinito kaya kinuha ko agad ang Form ng Storm na yun at binasa.

'So, 1 year pala siyang nag-aral sa Stanford college sa States' Patango tango pa ako habang nagbabasa. Agad ko namang binigay iyon sa kanila.

Nireview ko nalang ang form nila bilang isang banda kasi balak nilang ipagpatuloy ang pagbabanda nila dito sa school ko which is okay naman sa akin. Dagdag appearance rin sila pag nagkataon.
Maya maya lang ay dumating na nga ang isang member nila.

"C-calyx" Gulat na usal ko.

"Hi Leigh, nagulat ka ba? " masayang bati niya.

"Wait. Magkakilala kayo?" Tanong nong maputi. Nginitian sila ni Calyx bago ito lumapit sa akin at inakbayan ako. Oh God! I miss this guy so much!

"Gab, Chris. I want you to meet my nerd bestfriend." Masayang pagpapakilala ni Calyx sa akin sa mga kasama niya. "And Leigh? I want you to meet my Bandmates. Gabrielle," turo niya doon sa mukhang labanos sa kaputian "And Chris" turo niya naman doon sa chinito.

COMFORT ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon