Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako sa nakita ko. Parang napakalayo nga naman sa dating ako
"Hello New Leigh Alexys Torres" Nakangiting bulong ko sa sarili.
Pag tinitignan ko ang sarili ko napapangiti ako kasi hindi na yong nerd na kawawa ang nakikita ko. kundi ang matapang na Leigh Alexys Torres na.
Kinuha ko ang bag ko. Napasapo ako sa sariling noo nang namalayan kong yung dating bagpack ko pala ang dala ko kaya dali dali akong pumunta sa walk-in closet ko at nagtungo sa bag section. Kinuha ko yung isang Channel na handbag na skintone ang kulay at nilipat doon ang mga gamit ko since kaunti lang naman ang mga gamit ko sa bag dahil may locker naman ako sa school.
Bumaba na ako at pumunta sa dining area. Nandoon na rin sila mommy at daddy. Agad akong umupo at naglagay ng omelette sa plate. Nagsisimula na akong kumain nang mapansin kong nakatingin sa akin sila mommy at daddy at ang mga katulong na nakatanga sa akin..
0_0 - silang lahat.
"B-baby?" Gulat na usal ni daddy habang tinitignan ako. While si mommy naman, nginitian lang ako.
"Mm. Do I look beautiful now Dad?" Nakangiting sabi ko.
Ngumiti si Daddy. "Ofcourse you are. Kahit ano pa ang itsura mo maganda ka" nakangiting sabi niya kaya ngumiti rin ako.
"Thanks Dad." Nakangiting sabi ko at bumaling sa isang katulong namin.
"Ah Yaya, pwede pong pakuha ng susi ng Bugatti chiron ko?" Mahinahong sabi ko.
"Yes Ma'am" Magalang na sabi niya at naglakad na.
"Mm. You've change a lot baby girl, and why is that?" Dad asked. Sasagot na sana ako nang biglang dumating yung yaya namin na inutusan ko.
"Ah Ma'am eto napo yung susi na pinakuha mo" ani yaya.
"Thanks Yaya" Pagpapasalamat ko sa kanya.
Uminom muna ako ng juice at tumayo. Kiniss ko si mommy at si Daddy sabay tap sa shoulder niya,
"Mom can explain Dad. Malelate na ako eh" Sabi ko at tumalikod na sa kanila.
"Aalis napo ako" Paalam ko pa nong lalabas na ako ng pinto.
nagnod lang sila at nginitian ako.
"Take care baby" sigaw pa ni mommy.
Pagkarating ko sa parking lot ng bahay namin. Nagulat si mang Pablo pagkakita niya sa akin pero agad naman siyang nakabawi at binuksan ang Van para sa akin.
"Ah Mang Pablo, gagamitin ko po ang Kotse ko. Kumain napo muna kayo sa loob" sabi ko kay Mang pablo at iniwan siyang puzzled parin ang mukha dahil sa sinabi ko.
Ginamit ko na ang kotse ko na regalo ni Daddy sa akin nang makapasok ako sa deans list sa school ko. Well, Hindi naman sa nagyayabang pero mula pa first year college lagi akong deans lister, until now na third year college na ako and guess what? Apat na ang luxury cars na ang meron ako. Lamborghini Aventador S., Lamborghini Urus, Ferrari monza SP1 and ang gagamitin ko ngayon na Bugatti Chiron. Di ko naman hinihingi sa kanila pero sabi nila ayaw daw nila na maiwan ako ng iba kahit hindi ko naman ginagamit. ngayon ko lang to ginamit kasi dati nagpapahatid lang ako sa driver namin. pero sabi ko nga, magbabago ako.
Pagkarating ko sa school pinark ko na ang kotse ko sa parking lot. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin at bumaba na.
Taas noo akong naglalakad papunta sa room ko.
BINABASA MO ANG
COMFORT ZONE
Storie d'amoreAll she wanted was to get rid with her shitty life. Meeting him wasn't her choice and falling in love with him was far beyond imaginable. They're both traumatized by their past. Will they found comfort zone in each other's arms?