Present time
"Okay, Jollykids! Strike a pose and smile!" Palokong hirit ni Alex sa habang kumukuha ng litrato para sa creative shot ng mga estudyante na galing sa pamosong eskwelahan
Walang arte naman na sumunod ang mga bata at patuloy na pumosing kasama ang mga kaibigan nila.
"Yung totoo, Besh? JOLLIKIDS?! More like RICH KIDS!" Singit ni Yuri na pakners in crime niya sa mga raket
"Shh! Beshy, hindi mo ba alam na parang iniinsulto mo sila kapag tinatawag mo silang 'Rich Kids'?" Suway ni Alex sa kaibigan habang patuloy na kumukuha ng litrato
Tumunog naman ang cellphone ni Alex at biglang tumugtog ang kanta ni April Boy kakuha naman ng atensyon ng lahat ng estudyante sa loob.
"Ay, sorry." Pahiyang sabi ni Alex
"Besh, april boy talaga?" Sabi ni Yuri habang nakatingin na parang nandidiri
"Enebe, hindi ko talaga kayang tanggapin." Palokong sabi ni Alex habang naka ekis ang dalawang braso
"Sagutin ko lang muna 'to. Ikaw muna ang tumoka sa akin." Pagmamadaling wika ni alex kay yuri
Kinuha naman agad ni Alex ang telepono para naman kahit papaano ay maligtas niya ang sarili sa kahihiyan dahil sa ringtone niya.
"Sino na naman ba kaya ito? Bago na naman bang maliligaw?" Bulong ni Alex sa sarili
Kinuha naman niya ang telepono at sinagot ang tawag
"Hello, Boss R?" Wika ni Alex
"Alex, may panibago akong trabaho sa'yo. Can you be here later at 4pm?" Diretsang sabi ni Rico
"4pm?!" Nakakalerki! Alas tres na mga kababayan!
"Boss R, paalala ko lang po na andito po ako sa Taft ngayon at alas tres na po.
Hindi naman sa nagrereklamo pero wala naman po tayong eroplano para lumipad ako diyan sa Ortigas." Hirit ni Alex kay Rico
"Silly, Alex. I know that kaya nga andito ako sa coffee project ngayon. I'll wait for you."
"Aywaw! Super kaduper important naman ng chenes natin ngayon at umeffort ka talaga. Sige po, Boss R. 4pm sharp baba na ako diyan."
"Alright, see you then." Sabi ni Rico at binaba na ang telepono
"Ay, shetmalu! Yuri wag mokong kakalabitin ng ganun, ha! Gusto mong atakihin ako?" Singhal ni Alex kay Yuri
"Mamshie, ang lakas naman kase ng impluwensya mo. Tignan mo sila." Nakabusangot na sabi ni Yuri hangang nakaturo sa mga bata na
nagi-IG stories habang kinakanta ang ringtone niya
Bigla namang may kumalabit kay Alex na ikinagulat niya
"Oh well, papel. What's new? Char!"
...
"Feels good to be back." Wika ng Ama ni Nico ng maka-landing sa airport
Sumunod namang bumaba ang matangkad, singkit, matipuno at makisig na anak ni I Uy. Madlang peeps, ipinakikilala namin sainyo si Nico Uy.
"Did you miss home, Dad?" Tanong ni Nico sa ama habang naglalakad
"Very much, Hijo. But, I'm more curious on what happened to our business after we left the country." Sabi ng Daddy niya
Lalo naman naningkit ang mata ni Nico dahil ramdam na niya ng nakakamatay na init ng Maynila.
"It's hot here in the Philippines." Angal ni Nico
"You'll get used to it, Hijo. Parang noon lang ayaw na ayaw mong umalis ng bansa. Para bang may naiwanan ka noon, pero ngayon kakadating palang natin ay gusto mo na agad bumalik." Kwento ni Iñigo sa anak habang palalabas na ng airport
Naningkit naman lalo ang mata ng binata
"Oops! Sorry I forgot. Pero that's the reason why I brought you back. To relive those memories. Also, your mom misses you."
Humikab naman ng mahaba si Nico.
"Too much kwento, Dad. Let's go, the driver is waiting." Sabi ni Nico sa ama at sabay na tumungo sa magarang sasakyan nila
"Brace yourself, Inocando. You'll be handling our business for real. Not as a VP but CEO." Seryosong sabi ni Iñigo sa anak
Nico chuckled "I'm not even surprised. Watch as I take over your position." Nico proudly said to his dad
"Yan ang gusto ko sa'yo. Make me proud." Sabi ng Daddy niya at patuloy nang nilisan ang airport
Make me proud.
...
"Boss R, dito na me!" Tawag ni Alex at dumiretso sa kinatutunguhan ni Rico
Tumingin sa relo si Rico "Sumusunod ka talaga lagi sa usapan, noh? Here's your coffee." Puna niya kay Alex
"Opkors! Nirerespeto ko lagi ang oras ng tao. I don't find time, I make time. Naks, Ingles yun ah!"
Biro ni Alex sa Boss niya
Nilabas naman ni Rico ang laptop niya at binuksan ang isang PPT presentation
"Ano ba ang agenda natin ngayon, Boss R? Mukhang real deal talaga kase pinuntahan mo talaga ako dito." Sabi ni Alex bago humigop ng kape
"Ang pakla naman." Angal ni alex
"Real deal talaga, Alex. We got an oppportunity to have an in-depth interview with a young business tycoon. Papasama naman siyang young dahil sa hitsura niya." Paliwanag ni Rico
"Wow, young... young pork tocino?!" Joke ni Alex
Napailing nalang si Rico sa entry ng dalaga
Inikot naman ni Rico ang laptop para makita ng dalaga pero tutog parin siya sa kape na tinitimpla "Here's the profile, a 32-year-old business tycoon, he made his break earlier this year, napalago lang naman niya ang isang business ng pamilya nila sa China..."
Kumislap ang mata ni Alex ng marinig ang bansang China
"Ibig sabihin?" Umaasa ako mga mamshie!
"Nope, hindi kita dadalhin doon dahil andito na siya sa Pilipinas."
"Sheyeng nemen! Sino ba 'yan Boss R? At sino ang ka-partner ko sa interview? Paalala ko lang na photographer lang ako ha. No more side-jobs."
"That's why I wanted to talk to you. Nag-resign kahapon si Cheska kaya ngayon wala tayong writer. In addition, we've been sending tons of request para sa businessman na 'to kaya I don't want to lose this chance. If it's fine with you, pwede ba na ikaw muna ang humalili sa naiwan ni Cheska? This would be the last, Alex. I promise. Hindi na ulit kita pagsusulatin pagkatapos nito." Sabi ng Boss R niya jabang nakataas ang kanang kamay
"Matitiis ko ba naman kayo, Boss R? Sige na nga! Basta last na 'to ha." Paninigurado ni Alex
"Sino ba ang Business Tycoon na 'to?" Tanong ni Alex
"Inocando 'Nico' Uy. I doubt na hindi mo siya kilala."
"I know him, syempre."
...
"Welcome back, Sir Nico!" Bati ng mga maids
Maikling na nginitian ni Nico
"Ay, naaalala pa kaya tayo ni Sir Nico?" Bulong ng isang maid
"Hindi na rin palangiti si Sir N. Sad naman." Sabi ng isa pang maid
"Jetlag ba, Hijo?" Tanong ni Iñigo
"I think so, Dad. Where's Mommy?"
"You know where women go during their free time."
Tumango nalang si Nico
"Go upstairs and take a rest first. We'll talk later about business as usual." Sabi ng dad niya
Dumiretso naman si Nico sa kwarto niya. Nakita naman nito na may Letrang 'N' sa pintuan at malamang sakanyang kwarto nga ito.
Pagbukas niya ng kwarto ay parang may naramdaman siyang pamilyar dito. Hindi nakakatakot na pakiramdam bagkus pakiramdam na parang dito talaga siya nararapat.
Kung naaalala lamang niya
"It sucks that I don't remember any single detail about this room." Sabi ni Nico at humiga sa kama
"Tanginang amnesia 'yan. Nakakagago." Huling kataga na binitawan ni Nico bago siya makatulog
...
"Kailan natin sisimulang ang interview?" Diretsang tanong ni Alex
"Wow, nakita mo lang na gwapings yung iinterviewhin mo, interesado kana agad?"
"Hoy, trabaho lang walang personalan. Atsaka sayang din noh! Malaking break 'to, hindi lang para sa akin kundi para sa B-Side." Paliwanag ni Alex
"Osige, kunware naniniwala na ako sa'yo. Heto ang timeline, maximum of 3 months ang allowance para matapos mo ang interview kase naman ang imposible para makakuha ka ng appointment lagi sa isang businessman. At take note ha, in-depth interview. Not only business stuff but also few personal questions. Hindi rin naman too personal, yung sakto lang."
"Noted, Boss R! Kailan pala natin pwede i-meet si Sir Nico?"
"Good question. Tomorrow morning 10am. I know he's free at ikaw nalang ang bahala kumontact sakanya kung saan kayo magkikita. I got to go, Alex."
Pagmamadaling sabi ni Boss R habang inaayos ang gamit
"Oki donks!" Paalam ni Alex sa Boss
Napasalampak naman ulit si Alex sa kinauupuan
"Its been a while, Mr. Inocando." Mahinang sabi ni Alex
...
"Nico? Are you awake?" Tawag ni Iñigo sa anak
Bigla namang nagising si Nico sa katok at tawag ng Daddy niya at dali na binuksan ang pinto
"Mukhang napasarap ang tulog mo ah." Biro ng ama
"Let's start?" Tanong ni Nico
Ngumiti naman ang ama at tumungo sa library nila. Punong-puno ang library ng mga Uy, at halos lahat ay puro business books at magazines. Malulula ka naman talaga dahil sa dami neto, hindi ka talaga maniniwala na nabasa halos lahat ng Daddy ni Nico ang lahat ng libro at magazines na asa loob.
Tumungo naman si I sa lamesa para ayusin ang ipapakitang timeline para sa anak niya.
"I prepared an adjusting period for you. So, you have 6-months to adjust. Familiarize yourself sa bansa, industriya, tao, political at iba pa. In other words, PEST analysis. Plus, you'll have an interview with B-Side. I already accepted their request and I wanted you to be on the cover for their next issue."
"That's not my thing, Dad. Why not you?"
"I'm too old for that scene, Hijo. It's your time to be known bu the public. Make me proud, ha. Iwasan mo naman maging suplado in front of a lot of people." Bilin sakanya ng ama
"That I can't. Pero may magagawa pa ba ako? Para sa image ng kumpanya gagawin ko lahat."
"That's good to hear. Tomorrow we will be meeting these people behind B-Side and talk about things related to this interview. That would be all for today. Oh, I forgot. Unwind first, Hijo. Kakailanganin mo 'yan." Sabi ng ama tsaka nilisan ang kwarto
...
"Ready ka na ba, Alex?" Seryosong tanong ni Yuri habang naghihiwa ng sibuyas
"Dapat lang. Hindi ko nga alam kung ano ba ang mararamdaman ko dito." Pag-amin niya sa kaibigan
"Masakit pa rin ba 'tong puso mo?" Turo ni Yuri sa kaliwang dibdib
Ngumiti ng mapakla si Alex "Hindi naman nawala pero mas lalong lumala."
"Mamsh, bakit mo pa kase tinanggap yung trabaho? Okay naman na tumanggi." Sabi ni Yuri sa kaibigan
"Alam mo naman na hindi ko matatanggihan si Boss R diba? Malaki ang utang na loob ko sakanya." Paliwanag ni Alex
"Kaya pa ba?" Pagaalalang tanong ni Yuri
"Kaya pa. Kailangan ko lang malaman kung bakit limang taon siyang nawala na parang bula. Kung bakit isang paalam ay wala akong nakuha galing sakanya. O kung may iba na ba." The latter hurts her so much.
"Drama at tanga much, beshy?"
"Nagmahal lang. Wala namang sisihan." Depensa ni Alex
"Galingan mo nalang ang acting bukas, Bes! Kunware wala lang sa'yo, kunware hindi ka affected kahit lumipas ang 5 taon. Go, Beshy!" Cheer ni Yuri sa kaibigan
"Buti natitiis mo ang katangahan ko, no?" Sabi ni Alex
"Kagaya nga ng sinabi mo, nagmahal ka lang. At alam ko rin naman yung mayroon sainyo." Paliwanag ni Yuri habang hinahanda ang niluto nila
"Let's see. Bukas ko malalaman kung tutuloy pa o titigil na."