Prologue

568 30 16
                                    


I was walking back to my private vehicle, trying to avoid getting wet, since it's raining pretty hard. Grabbing hard on my envelope, that's when I felt the sweat starting to produce in my hand. Today was wild. The whole month was wild. Maraming nangyari. Marami ring pagsisisi at alaalang dapat limutan.

"Ari!" Paglingon ko, nakita kong tumatakbo palapit sa'kin si Brit -- ang best friend ko -- na sobrang pagod ang itsura. May mga nakabanggaan siya, at sinagawan siya nito, pero diretso lang si Brit sa pagtatakbo niya.

"What?" I asked nung malapit na siya sakin.

"Si Lanz!" maslalo akong napahigpit sa paghawak ng envelope ko, sabay sa backpack ko. My stomach tightened, at parang nawalan ako ng hininga.

"Ano sakanya?" I asked bitterly. Tingnan ako ni Brit, na parang sinasabi na, 'Oh, drop your pride at least for now'. I ignored this and Brit set it aside, suddenly dragging me somewhere. Hindi ako nakasalita. Hinayaan ko lang siyang hatakin ako sa kung saan man yan. It wasn't like I haven't seen Lanz for a long time. I actually see him every freaking day. Nang makarating kami sa covered pathway, tumigil si Brit, kaya napatigil rin ako.

"Look!"

Thanks to the heavy downpour, hindi ko masayadong makita kung anong tinuturo sa'kin ni Brit, pero alam kong importante 'yon. How? Tingin sa left, tingin sa right. Nakatingin lahat ng mga estudyante sa kung saan man ang tinuturo ni Brit.

"Wala naman akong makita!" reklamo ko kay Brit.

"Ano ba yan! Bingi na nga, bulag pa? Tingnan mo nang mabuti!" binatukan ko si Brit sa sinabi niya, at tiningnan uli ang pinagkakaguluhan. Nang mag-adjust nang konti ang paningin ko, nakakita ako ng figure ng isang lalaki, sitting helplessly in the rain.

Judging the body figure, the skinny yet muscular figure, the damp version of a mohawk cut, and not to mention the loud whispers of my school mates, kilala ko na kung sino 'yon.

"Anong ginagawa diyan ni Lanz?" tanong ko kay Brit. She just shrugged, saying na hindi niya alam. Nang binalik ko ang tingin ko sa aking so unloyal ex, may lalaki na siyang kasama na may hawak na payong. Kilala ko na kung sino 'yon.

"Huy, Lanz. Payong o!" sabi ni Beck sabay abot kay Lanz ng payong.

"Ayaw! Si Ari lang! Magkasipon, magkasakit, mapunta sa ospital o mamatay, wala akong paki! I won't move an inch until Ari takes me back!" Sigaw niya habang naka-upo parin sa inuupuan niya.

Tiningnan ko nang mabuti si Lanz.

Nakaupo siya sa gitna ng kalsada ng school at yakap-yakap ang sarili. Maraming tao ang nakapalibot sakanya -- mostly girls -- at may mga sasakyan na nagbubusina para umalis si Lanz.

"Naku, paano na yan." nagsi-sabihan yung mga babae.

Nagbulungan sila at yung iba naman ay hinahanap ako.

"Nasan na ba si Ari!" sigaw nung isang babae.

"Brit, alis na tayo dito..." hinawakan ko sa braso si Brit. Alam kong isa nanaman 'to sa mga paraan ni Lanz, pero hindi na 'ko magpapa-uto dito.

"Ayon si Ari!" nanigas ako sa kinatatayuan ko at lumingon nang makita ko na pinagtitinginan na ako ng mga nakakapanood ng OA scene ni Lanz. Napatingin sa'kin yung members ng 7HB, pati na rin si Lanz, na nakaupo parin sa kalsada.

"Ari! Tulungan mo na si Lanz! Magkakasakit siya!" pagmamakaawa ng isang babae na nafamiliarize ko na canteen lady ng school namin. Wait, what?

"Just do it yourselves!" I yelled so they can all hear.

"Wala ka bang puso Ari? Hindi nga raw siya aalis dito until you take him back!" sabi ng ka-gang ni Lanz na si King.

My Highschool Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon