MHLS Chapter 4 - 'You stole it!'

196 27 20
                                    

Heyy! Sorry if i kept you waiting. I've been really busy making projects at school. Don't worry, I'll always try making time for updating my stories. I'd like to thanks all those who commented and messaged me to update my story, I feel really appreciated.... And I guess I have a few problems because instead of staying away, I'm getting much closer to ________... Don't worry, he won't stay as a secret forever, I'm actually planning on making another story starring us, he was even the one that thought of it! There's so manu scenes in our life. Ooopps, Sorry, I'm getting out of the topic.

Enjoy reading!

________________________________________________________

--LANZ--

Nandito kami ngayon sa Highschool Library, hindi naman kasi ako kasama sa Traslacion. Kasama ko ngayon ang buong gang. Kami ang 7HB short for the 7 Heart Beaters, noon kasi, kaming pito ay magkakaibigan na simula Grade 4, sabi ng mga girls kami daw ang nagpapatibok ng mga puso nila, kaya gumawa kami ng group name at yun na ang 7HB.

"Dude, si Ari oh!" Tinuro sakin ni King ang isang babae na nakaupo sa table sa harapan lang namin.

"Tapos?" I asked coldy.

"Okay ka lang Lanz? Narinig mo na ba ang tungkol diyan kay Ari?" Sabi ni Mike.

"Hindi, pero pinakilala siya sakin ni Ron nung isang araw nung lunch. Uso mag-share, dali!"

"Oo na, oo na. Sabi ng mga guys, siya daw ang HTGG. Kung sino daw ang magpatibok ng puso ni Ari, siya ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo! Hard-to-get kasi yan, parang kulangot!" Explained Beck.

Kumunot ang noo ko. "HTGG?"

"Oo! As in, Hard-To-Get-Girl." Mike answered.

"Huy, baby sis ko yan! Hindi naman ako ang tunay niyang kapatid pero baby sister na ang turing ko sakanya." Panakot ni Ron.

"Pero tol. Ganda-ganda rin nun o, crush ng bayan! Ligawan mo kaya?" Kilig na sinabi ni Mike, pinalo naman siya ni Ron sa ulo.

"Okay lang ba kayo? Hindi ko yun type! Oo maganda pero ayaw ko dun."

"Lanz, wag kang maingay! Nandyan lang sila oh!" Nagsalita naman si Pan.

"Dude, nakabangga ko yan si Ari nung isang araw nung pataas ako ng hagdanan nung recess time. Medyo nakaaway ko pa nga eh." sabi ni King.

"Oo? Nakaaway ko rin yan yung recess time nang nag-insert ako ng line. Ang hot niya, mga pregs. Napanganga lang ako sakanya non." sabi naman ni Beck.

"Nakaaway niyo siya? Ako, naging friend ko. Naglalakad kasi ako sa fourth floor at nakita siyang may problem sa Math homework niya kaya tinulungan ko. Hindi ko manlang alam na siya pala yung sikat na HTGG." Pan shared.

"Wow haa. Nakausap ko na yang Ari na yan nung lunch time at naglalaro ako ng soccer sa fields at siya naman ay nagbabasa ng libro. Medyo nagka-sagutan kasi naiingayan daw siya sakin habang naglalaro. Umalis na siya kaagad, at nung nagpakilala siya, tsaka lang ako napanganga at nalaman na siya pala si HTGG." sabi ni Mike.

"So... Ako, nakaaway si Ari dahil sa pag-iinsert ng line. Si King nabangga si Ari. Si Pan tinulungan si Ari sa Math homework niya. Si Mike na napilitang umalis si Ari sa fields. Si Ron na baby sis ang tawag-tawagan kay Ari. At si Lanz na nakilala siya dahil kay Andrei. Grabe. Tadhana na kaya na nakilala natin si Carina Fenton, ang HTGG sa pareparehas na araw? Well... except kay Andrei." malaking mata na tanong ni Beck.

"Oo yata. Lanz! Ligawan mo! Malay mo mapa-oo mo siya. Ikaw pa ba naman!" sabi ni King.

I winced. "Andrei, diba ikaw ang advice giver sa gang natin, ano masasabi mo dito?" Timigil muna si Andrei sa pagbabasa niya ng libro at tiningan kami.

My Highschool Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon