Sa totoo lang ay mag-iilang buwan na ring nangungusap sa’kin ang aklat na ito sa kanyang tirahan: ang drafts section ko. Paulit-ulit kong binabago ang target publishing date ko kasi, hay, laging nababago ito. Hindi na mapirmi sa isang petsa kaya naman heto, matapos ang . . . pitong buwan ay, sa wakas, nakawala na rin siya mula sa kanyang hawla. Masaya ako para sa iyong paglaya, Kapanahunan.
Sa mga sumuporta sa aklat na ito ay maraming salamat po! Kahit na kayo’y tahimik lamang na nagbabasa sa inyong mga gadget ay nagpapasalamat pa rin po ako sa inyong pagbabasa. Sana ay nakaabot sa inyong mga puso ang nais iparating ng aking mga maiikling tula dahil iyon naman talaga ang nais ko sa pagsulat ng likhang ito: ang maglabas ng nararamdaman ko at iugnay iyon sa mga makakabasa nito. Sana ay napagtagumpayan ko ang misyong iyon bilang isang simpleng manunulat.
Baka sabihin niyong nagda-drama ako, a! Hoy, hindi, ano. Pero ‘yun nga po. Sa totoo lang ay na-inspire akong gumawa ng ganito dahil sa Manyoshu o A Collection of Ten Thousand Leaves na aklat. Hinihikayat ko rin kayong laanan ito ng panahon para naman ay mawaglit kayo nang kahit sandali lamang sa inyong mga gadget. (Pero seryoso, subukan niyo po itong basahin.)
Para sa aking mga karamay sa buhay na dadamayan ako anuman ang kapanahunan, magbago man ang kapanahunan at magluma man ang mga kapanahunan, para po sa inyo ang aklat na ito! Sa mga taong handang dumamay at may mga madadamayan sa pagragasa ng mga problema ay sikapin niyong ‘wag mabali ang inyong pagsasama sapagkat napakaswerte ninyo.
Maraming maraming salamat pong muli sa inyong pagsubaybay sa mumunti kong aklat. Magkita-kita po tayong muli sa aking susunod na aklat. Mabuhay ang panitikan!
BINABASA MO ANG
Kapanahunan
Thơ caKapanahunan: Koleksyon ng mga Tulang Filipino Ang aklat na ito ay koleksyon ng mga tulang Filipino sa istruktura ng Haiku at Tanka. Ang aklat na ito'y nasa teoryang Pormalismo at Realismo. Sa akdang ito ay maihahalintulad ang buhay ng isan...