Marami na 'kong naging crush. May ilan na rin akong naging girlfriends. Alam ko kung gusto ko na yung isang babae. And if I were being honest, may gusto na 'ko kay Shell nun.
Pero sabi nga nya, I was being a jerk back then. So hindi ko inamin kahit kanino. Kahit sa sarili ko. Tsaka nakakatakot din sya pormahan 'no? Alam nya yung mga galawan ko, so for sure maliit chance ko sa kanya. Tapos wala pa yata syang balak magpaligaw, so talagang malabo. Bakit ko pa itutuloy 'di ba?
Hindi kami nagpansinan days after that. Not until mid April, nung nagmeeting kami for finalization of LiniSEAn, para sa second and last beach na pupuntahan namin. Matagal na ang CSWS, mga higit sampung taon na 'tong org kaya karamihan sa mga dagat natin, malinis na at mas na-spread na yung awareness tungkol sa water pollution that time. So ang pinaka-focus na lang nung batch namin was to monitor and keep the seas clean. Pati paggawa ng events that would generate funds para sa donations namin sa iba't ibang fish ponds at sea-related projects.
Bali, mas magaan na compared sa mga pinagdaanan nung mga senior members nitong org. Which only means one thing: More time to have fun at the beach.
Then poof! I've realized that it'll be our batch's last org activity since graduating students kami. And ayoko namang magkagalit kami ni Shell hanggang dun. Kaya inabangan ko sya nun sa org's room. Akala ko nga di sya a-attend kasi almost 30 minutes late sya.
But she came. With that tired look she's been sporting since the last few weeks that I've seen her.
Hindi sya tumabi sa'kin. Expected ko na yun. Ang nagulat ako, nung parang hirap syang umupo. Kung anu-anong pumasok sa isip ko. Paano kung may sakit pala sya sa buto? Hindi nya lang sinasabi. Cancer to the bones. Or maybe she'd undergone a surgery? O may masakit lang sa tiyan nya? Sa puson? Kakatapos lang ng mens nya, ah?
Bad trip.
Ang hirap kayang manghula kung anong problema ng isang tao, lalo na pag babae. And to top the bill, mas mahirap magpanggap na 'di mo napapansin na nahihirapan sya.
After nung meeting, nilapitan ko na sya, nag-sorry ako and she did likewise, then kumain kami sa labas-my treat, of course. Ayos sana kaso.. parang may mali. She's just going with the flow. You know that tricky feeling you get when things seem to go so smoothly?
'Di ko naman sya matanong kung anong meron. Baka mag-away lang ulit kami eh. So sinimplehan ko na lang. "So, okay na tayo?"
"Yeah."
"Okay ka lang?"
Ine-expect kong magfe-fake smile sya, but she just rolled her eyes. "'Di ba obvious na masakit yung legs ko?"
"N-napansin ko nga." At dahil makulit ako, and it's really hard to ignore her sitting there, nang hindi kumportable, I asked her. "Anu bang nangyari dyan?"
"'La. Kalokohan ko kasi. Squats. Nasobrahan. Ilang days kasi akong nahinto kasi, you know, may mens nga ako last week. So ayun, nung nag-exercise ako, nabigla yata muscles ko. Eh hindi mo pa naman mararamdaman yun agad, 'di ba? So, tinodo ko. Pucha, kinabukasan para akong tinortured." Iyak-tawa sya habang kinukwento yung kalokohan nya.
"Squats? Pati ba naman sa bahay nyo, dinadala mo yung P.E.? Dapat nag-varsity ka na lang. So ano, basketball tayo? Yung actual ah, hindi 2K." I teased, knowing her legs' condition. "Sayang. Ayain ka pa naman namin nila kuya Cho mag-surfing pagdating natin dun sa beach."
BINABASA MO ANG
Dead Sea's Abalone (Brad's POV)
Short Story"Pre, sumama ka na kasi." "Alam naming ayaw mo 'tong activity na to, Brad. Pero this time... I think you need to come." "Bala ka. Ikaw rin dude. Baka pagsisihan mo kapag di ka nagpunta." They want me to join them. Saan? Sa isang important event ng o...