Kabanata 1

47 2 0
                                    

Kabanata 1

                Dahil halos wala namang pinagkaiba ang Earth sa Lonekamameca ay halos hindi naman nanibago ang anim sa planetang kanilang napuntahan. Maliban na lamang sa modernong teknolohiya dito tulad ng cellphone, computer, eroplano at marami pang iba. Dahil telebisyon at radio lamang ang teknolohiya sa kanilang planeta.

Ilang linggo din silang palakad-lakad na anim.

Palakad-lakad.

Palakad-lakad.

Palakad-lakad.

At palakad-lakad pa rin. Hanggang sa isang gabi, habing sila’y palakad-lakad;

“Kulo! Kulo! Kulo!”

“Hala! Ano yun?!!” tanong ni Marie.

Nagkatinginan silang magkakaibigan hanggang napansin nila na kulang sila ng isa.

“Nasan si Rose?” si Marie pa rin ang nagsasalita.

“Ayun siya!!!!” ang sabi ni Ney habang tinuturo ang kinaroroonan ni Rose.

Si Rose ay napaupo sa kalsada at halata naming namimilipit sa sakit.

“Anong nangyari sayo?” sabi ni Marie.

“Nagugutom na kasi ako, ilang linggo na tayong walang kain at puro paglakad na lamang ang ginawa natin.” Ang sagot ni Rose.

T_T

Napaluha ang magkakaibigan sa narinig nila kay Rose. Napagtanto nila ang paghihirap na dinanas nila simula ng dumating sila sa Earth.

At dahil ditto ay nagpatuloy sila sa paglakad. Palakad-lakad at palakad-lakad muli sila pagkatapos nilang magdrama. Ngayon ay may layunin na sila sa kanilang paglalakad at iyon ay maghanap ng trabaho upang makakain.

                Sa ilang linggo nilang paglalakad ay nakahanap sila ng abandonadong bahay at napagpasyahan nilang doon na lamang tumira. Naging maayos naman ang pagtira nila dito kahit na kung minsan ay may mga nakaputing babae na lumulutang-lutang mamasyal sa kanilang bahay tuwing gabi na bigla na lamang mawawala sa kanilang paningin. Hindi nila ito kinatakutan, sa halip ay tinuring nila itong mga kaibigan at binigyan pa nila ng pangalan dahil hindi naman sila sinasagot ng mga ito tuwing tatanungin nila.

                Ang paninirahan nila dito ay nagtagal ng ilang linggo, hanggang sa ilang buwan, hanggang sa taon na umabot. Naging normal na rin ang pamumuhay nila sa Earth. Natutunan na din nila ang teknolohiya dito at nagkaroon na din sila ng kani-kaniyang trabaho. Tulad noong nasa Lonekamameca pa sila si Mia ay nagging mang-aawit; si Ney ay business woman; si Karen ay naging artista; si Marie ay naging host ng mga talk show; si Rose ay naging guro at si Joy ay naging business woman din gaya ni Ney.

The Adventure of the AnimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon