Prologue

65 3 0
                                    

Prologue

                Ang planetang Lonekamameca ay isang planetang malayo sa solar system na ginagalawan ng Earth. Ngunit ang planetng ito ay kahalintulad lamang ng Earth. Ang mga nilalang dito ay kawangis ng mga naninirahan sa Earth. Ang planetang ito ay binubuo rin ng mga kabundukan at karagatan. Ngunit hindi katulad sa Earth walang modernong teknolohiya dito kaya marami pa ring mababangis na hayop dito. Tulad ng mga dinosaur at dragon na bumubuga ng apoy.

                Sa planetang Lonekamameca namumuhay ang anim na magkakaibigan na siyang bida sa ating istorya. Sila ay sina:

·         Mia        -simpleng babae lamang siya, kunwaring tahimik pero tahimik talaga. Mahilig magjoke  

na nakakatuwa naman minsan. Magaling siyang mang-aawit sa kanilang planeta at talaga namang hinahangaan siya sa kanyang magandang boses.

·         Ney        -isang babaeng sobrang business minded. Lahat ng klaseng business ay pinasukan niya

na. Kaya naman limpak limpak na ang kayamanan niya ngayon.

·         Karen    -siya ang pinakahinahangaang babae sa kanilang planeta. Halos lahat ng lalaki sa

Lonekamameca ay nahuhumaling sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinapansin dahil may pagkachoosy siya pagdating sa lalaki. Iba kasi ang tipo niya. Iba talaga.

·         Marie    -siya ang pinakabata sa kanilang grupo. Madaldal siya, sa sobrang kadaldalan niya ay

binigyan siya ng parangal ng kanilang gobyerno bilang pinakamasipag magsalita sa buong Lonekamameca.

·         Rose      -tahimik na babae din siya. Malihim paminsan-minsan. May mga kinatutuwaan siyang

mga bagay. Yung mga malalaki ang mga mata na napapanuod niya sa telebisyon at hindi lubos maisip ng lima kung bakit niya ito kinatutuwaan.

·         Joy         -katulad ni Mia at Rose, tahimik din siya. May pagkakikay at mahilig sa mga

pampagandang produkto. Masiyahin siya. Siya ang tipo ng tao na natatawa sa lahat ng bagay, maski ang mga joke ni Mia.

                Silang anim ay palaging magkakasama. Parati silang nagkakasiyahan at tila walang problema tuwing magkakasama. Sa tuwina lamang may pinupuntahan silang lugar ay nagkakaroon ng kaguluhan. Marahil ay dahil ito kay Karen, dahil pinagkakaguluhan siya ng mga kalalakihan.

                Masaya naman ang pamumuhay nila sa Lonekamameca ngunit ang planetang ito ay malapit na ang katapusan. Ang lupa dito ay nagkabitak-bitak na dahil sa mga dinosaur na parati na lamang naglalaro ng habulan. At ang dagat dito ay kumukulo na dahil sa mga dragon na lumalangoy-langoy dito at sa ilalim ng dagat nagpapamalas ng pagbuga ng apoy.

                Hanggang sa dumating ang araw ng pagkawasak nito. Tumilapon ang mga nilalang ntio sa iba’t ibang panig ng kalawakan. Ang anim nating mga bida ay magkakakapit kamay nung nawasak ang Lonekamameca kaya naman magkakasama pa rin sila hanggang sa kalawakan.

                Habang lumilipad at paikot-ikot pa sa kalawakan ang anim ay nakita nila ang planetang Earth. Dahil sa pago na sila sa paglipad at pag-ikot sa kalawakan ay naisipan na nilang sa Earth na lamang maglanding dahil wala na rin ang kanilang plaeta at ang ibang planeta ay masyadong malayo sa kinalalagyan nila ngayon. At pagkatapos ay nakapaglanding na nga sila sa Earth.

(Nagtataka ba kayo kung paano nakalipad at nagpaikot-ikot pa ang anim sa kalawakan, at kung paano sila naglanding sa Earth? Iyan ay isang sikretong katangian ng mga nilalang sa kanilang planeta na sadya naming kagilagilalas.)

The Adventure of the AnimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon