Chapter 5
Tinker's Point of View
Nagpaalam na ako sa mga kasama ko papaalabas na sana ako ng pinto nang may narinig akong nag-uusap
"Ano ka ba sweet lang yun si Khatrina sakin kaya para kaming jowa kung magtrato"
"Ahh so ibig sabihin di mo siya girlfriend" nahihiya pang tono ni Katrine
"Lol di no! incest iyan pfft" natatawa pang sabi ni Zyrus "Pero seryoso kapatid na babae na ang turing ko sa kanya"
Akala ko ba uuwi na si Katrine
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ko palabas ng terrace at lampasan sila pero napatigil ako nung may narinig pa akong something na nakapag-init sa ulo ko sa di malamang dahilan
"Alam mo... g-gusto kita" sabi ni Zyrus
Nanatili parin ako sa terrace pero parang di parin nila ako nararamdaman kasi patuloy parin silang nag-uusap
"H-ha?" kahit gabi alam kong namumula na iyan si Katrine tss eh bakit parang ang badtrip ko? takte naman!
"Sabi ko gusto kita alam kong ayaw mong magmadali per-" pinutol ni Katrine ang kanyang sabihin sabay sabing
"Gusto din kita at yes tama ka hindi pa ako nagmamadali pero pwedeng M.U lang muna tayo?" paliwanag niya
Wow at siya pa talaga ang nagsuggest eh bakit parang galit ako wala akong pakealam no! Sabay make face ko
"T-talaga gusto mo rin ako?" tumango naman si Katrine "Oh sige M.U lang muna tayo Mukhang Unggoy!" at tumawa sila at lumingon sa gawi ko at agad naman ako nakatago sa likod ng mga shrub
Hindi ko ugaling maging chismosa pero bakit nakikinig Tinker ha? kahit na ikakawala ng mood ko? Ano bang nangyayari sa akin!
"Hahaha akala ko talaga may gusto ka kay Tinker" mas tinutok ko ang pakikinig nang marinig ko ang pangalan ko
"Si Tink? Cute,matalino, at mabait siya...kaibigan lang ang turing ko sa kanya" natatawang sagot ni Zyrus
"Kaibigan lang ang turing ko sa kanya"
"Kaibigan lang ang turing ko sa kanya"
"Kaibigan lang ang turing ko sa kanya"
Nag-eechoe yan sa utak ko nang hindi ko malamang dahilan bakit sumasakit ang lalamunan at heart ko? Ano na bang nangyayari sa akin? Mukhang kailangan ko nang mag pa check-up
"Hoy anong ginagawa mo diyan?" nanlalaki ang mata ko at tinakpan ang kanyang bibig
Tinulak ko papasok si Theresa sa bahay nila Zyrus pabalik nang may nag tatawanan at nag-aasaran parin
Nakita ako nung Yanni? "Oi bumalik ka!,namiss mo na kagwapuhan ko?" na pa 'ha?' na lang ako
"Ulol! libreng mangarap pangit!"
"Inggit ka lang tomboy!" sigaw ni Yanni at nagtawanan sila
"Ahhhm excuse us po" pamamaalam ko sa mga bisita at hinila ko si Theresa patungong kusina
"Aray aray! Ano ba tumigil muna tayo nakakasakal ka na eh"naiirita niyang tugon
"Hays mabuti naman at nakalayo na tayo sa mga malalandi" nakahawak pa ako sa puso ko at bumuntong ng malalim
"Ano ba kasi ang problema mo? At ang bilis mo naman maka kaladkad at talagang dito pa sa kusina?!" napalakas yata ang boses niya kaya daling-dali kong tinakpan
YOU ARE READING
My Manhid Crush! (On Going!)
RandomTinker M. Son just call me Tink or Tinker Bell if we are close, 17 yrs. of age My hobbies are dancing, eating,dancing and eating eh bakit ba I love eating eh? I love watching kdramas and listening to Kpop yieee mga yeobo at oppa ko hintayin niyo ak...