SANA
Mula sa malayo ika'y aking natanaw,
Maamo mong mukha, mapupula mong mga labi, matangos at maliit mong ilong,
Ako'y nabighani, puso ko'y nabalot ng saya
Sinabi sa sarili magiging akin ka
Sa Araw-araw na ika'y nakikita, sulyap mo ay okay na,
Parang isang teleserye na paibig ang tema.
Yung mga ngiti mong maliit, pag aking nakikita
Wala na, ako'y tunaw na.
Pagkakataon ang nagdikta, ngayo'y makikilala na kita
Hindi alam ang gagawin sa unang pagkikita
Sinabi sa sarili, Dapat maayos ka, presentable ka,
Wag kang gagawa ng nakakahiya, baka ma turn off sya.Nang ika'y makausap, ay hindi ko akalain, na ang damdamin ay lalong lalalim
Hindi lang pala mukha sayo ang maganda, ugali din pala.
Ang saya saya ko talaga, dahil nakilala kita
Ngayo'y alam ko na iniibig na kita,
At nasabi ko na rin, sa harap ng salamin! na,
"MAHAL NA KITA"
Pusong punong puno ng saya, sinisigaw aminin mo na.
Dapat na ba?
Dapat na ba akong umamin?
Ito na ba, ang oras na sayo ay sabihin, ako'y may lihim na pagtingin.Isang umaga kinausap kita, sinabi sayo makinig ka,
Walang hangad na iba kundi ang sabihin sayo, ang tunay nadarama
Sinabi sayo kung paano nag umpisa,
Paano nabuo at kung paano kita minahal, ng sobra sobra.
Bigla kang nabigla, At sinabi mong, totoo ba?
Pero naiintindihan kita.Tinanong ang sarili, pagkatapos ng usapan, tama ba ang ginawa?
Ang sabihin sayong mahal kita "PERO" at "SANA"-esalliuqer