Nag-eenjoy akong magkakasama kami. Di ko akalain na sobra ko palang mamahalin ung samahan na 'to na nagsimula sa pagtambay at pagiging laging magkakasama. Hahaha.
-Yanyan's POV-
So.. Itago na lang natin ako sa pangalang Yanyan. Hahaha. I'm a GIRL and second year 'to nagsimulang lahat. Well.. Boyish type and i'm a BI.
"Tara na mag-recess, max?" Aya ko kay Max. Isa sa mga kaklase ko na close ko na.
"Teka lang. Kinokopya ko lang 'tong sagot sa assignment." -Ako
Hahaha. Nakasanayan na namin yan. At paniguradong uso din po yan sa school niyo.
"Bilisan mo! Papagayahin mo ako maya huh? Sino pang sasama? Tara magsipag-recess?" -Ako
"Yaan mo na sila. Hahaha. Tara na!" Aba ang loko'y tapos na agad mangopya! Hahaha.
"Tara na nga! Baka dumating na si ma'am at di na tayo maka-recess. Di pa man din ako nag almusal. Tomguts na ako."
"Teka lang, yan! Sama kami." Si Ezra. Isa din sa mga kaklase ko.
Habang nasa loob kami ng canteen at mga nakaupo na sa iisang table, di ko maiwasang di titigan 'tong mga kasama ko.
Si Jayzen Lopez. 3 years ko na 'tong kasama. First year pa lang kaklase ko na. Close kami. Kaya CFF (Close Friends Forever) ang callsign namin. Siya ung nakaisip nun di ako. Hahaha. She's pretty. Pero di niya alam.. Di niya alam na yun ung tingin ko sa kanya. Hahaha. Di kasi ako ung tipong namumuri ng isang tao ng harapan eh.. Kapag iba ang kaharap ko kaya kong mamuri ng bongga! Hahaha. Matalino siya. SOBRA. Hanga nga ako sa kanya eh! Idol ko yan. Simula First year, kaming dalawa na niyan ung magkaribal sa top 1. Sweet na tao, medyo childish.. Sa tuwing uwian, recess, aalis yan.. Lagi kaming tinatanong kung "Oily ba?" Kung oily ba daw mukha niya. Hahaha. Masyadong alala sa fez niya. Hahaha. Kung pede lang sabihin sa kanya na "kahit naman oily ang mukha mo, maganda ka pa din!" Yun nga lang.. Di yun maniniwala at di ko kayang sabihin. Hahaha.
Si Max Endoso. Boy bestfriend ko pero di niya alam. Ramdam at halata na naman niya siguro yun? Kailangan ba talagang ipangalandakan na bestfriend ung turing ko sa kanya? I mean ang mahalaga sakin, i treat him as a bestfriend na di tulad ng pakikitungo ko sa iba. Kaliwa o kanan? Hahaha. Isa pa 'tong matalino. Isa sa mga top namin sa klase. Yun nga lang.. Kung minsan talaga nairal ang katamaran namin. Hahaha. Siya ung madalas kong tagasalo kapag umiral katamaran ko o kapag mainit ulo ko. Masyadong mabait at joker. Kaya magkasundong magkasundo kami. Ilong ang panloko namin dyan. Tangos kasi ng ilong. Wala lang.. Kakaiba kasi ilong niya kumpara sa amin. Hahaha.
Si Ezra De Castro. Tahimik nung una kong makilala. Mali pala ako. May itinatagong kakulitan si ineng! Hahaha. Dancer yan! Galing niyang mag-dougie. Adik sa One Direction lalong lalo na kay Zayn Malik. Hahaha. Kasama ko yan sa pag-soundtrip sa isang sulok sa room tuwing walang klase. Mukha siyang pusa! Pusang cute! Hahaha. Ewan ko ba.. Kamukha kasi eh.. Kaya yun! Naging panloko na namin. Hehehe.
Si Rianne Rosales. Isa pa 'tong dancer at volleyball player din. Sobrang close ako sa family niya. Tas BEST TOL ang callsign namin. Bestfriend kasi na parang utol pa! Hahaha. Ganda din ng boses niyan. Yun nga lang.. Masyadong mahiyain. Kailangan pang itulak para kumanta. Hahaha. Karamay ko lagi yan. Sabihan lagi ng problema pagdating sa usapang pamilya at lablyp. Hahaha. Kasama ko lagi sa pangangapit barangay at sa paggala. Nga pala, Girl din yan. Hahaha.
Si El Alaras. Eto si Chinita Baby! Mukhang koreana. Gandang babae. Kaya ayaw kong mag-boyfriend yan. Baka kasi masayang ung ganda. Baka manloloko lang ung makinabang. Siguro dahil sa pagkahilig niya sa mga korean novelas at sa mga korean groups kaya ganun ung mata niyan. Hahaha. Isa pa ding matalino. Isa din yan sa top sa klase. Ganda din ng boses. Yun nga lang.. Masyado ding mahiyain. Masyado ding masipag. Daig na daig ako sa usapang kasipagan niyan. Hahaha. Grabe 'no? Ang tamad ko. Hahaha. Muta ang panloko namin dyan. Hahaha. Kasi daw may sore eyes kaya ganun ung mata. Kaya daw singkit. Syempre kapag may sore eyes, mutain. Hahaha.
Si Bryle Mendoza. Mahilig sa basketball at magiling sa mathematics. Calculator namin yan eh! Hahaha. Siya si Boy Headset. Sa araw-araw ba nama'y lagi nang nakapasak ang headset sa tenga. Bingi na nga yan.. Di ko lang alam kung dahil ba sa lakas ng tunog sa headset o di lang siya naghihinunuli. Hahaha.
Si Christopher Chavez. Dancer din at mahilig din sa basketball. Isang expert na DOTA player. Hahaha. May motto nga yan eh.. "Basta DOTA player, sweet lover." Hahaha. Kaya pala ako'y sweet lover, DOTA player din eh.. Hahaha. Mukha siyang luko at luko naman nga talaga pero, dude! Seryoso yan kapag nag-gf at stick to one lang talaga kapag nakatali. Hahaha. Siya naman si Panga o si Noo. Mapanga kasi at malapad noo kasi tas tirik pa ang hairstyle. Halata tuloy. Hahaha.
Si Samuel Mortel. Di ko malaman kung lalaki ba o binabae na. Hahaha. Bisexual din yan tulad ko. Di ko lang alam kung dahil ba sa impluwensya ko o sadyang ganun na siya dati pa na nagkaroon ng lakas ng loob. Sirena naman panloko namin dyan. Para kasing bakla eh.. Ewan. Di naman naamin pero parang. Gulo ko 'no? Yae mo na! Hahaha.
Si Liz Atienza. Isa pa naming calculator sa room. Magagaling sa math eh.. Tuko ang panloko namin dyan. Ewan ko ba kung saan nagmula yun. Hahaha. At kapag dadating siya, nakatago lahat ng pagkain namin. Lagi na kasing si pahingi. Hahaha.
Si Caroline Ramos. Ganda ng pangalan 'no? Tanungin niyo ako kung maganda. Uhm.. Matangkad siya. Hahaha. Dejokelang.. Magaganda't gwapo kami. Sadyang lamang nga laang ung iba. Hahaha. Siya naman si Bayawak. Super close sila ni tuko. Hahaha. Pakners in crime ang mga yan.
Si Ann Caraig. Tagpitagpi panloko sa kanya. Ewan ko. Wala akong kinalaman dyan. Hahaha. Di ko talaga alam kung saan nanggagaling mga panlokong yan. Hahaha.
So.. Yun! Bale.. Dose kami sa iisang table na 'to. Siksikan nga pero happy happy naman. Hahaha.
"Ang huling makaubos ng macaroni, siya ang magdadala ng lahat ng kinainan sa lababo!" Nagsibilisan sumubo ang mga are! Hahaha. Umiral na naman ang kalokohan ko. Hahaha. Ganyan naman palagi eh.. Mga loko kami pero kadalasan talaga ako ang nagsisimula. Aminado naman po ako ih.. Hihihi.
"Max! Punta tayong simbahan mamaya huh? Extra points din yun!" Gawaan kasi ng parol ngayong week na 'to. Pa-contest yun dito sa school namin palagi bago magpasko.. At dahil dyan! Uso na naman ung pagbibigay ng dagdag points sa makakatulong at makakapagdala ng mga materials para sa parol.
"Osige. Anong oras?"
"Sa uwian. Dalian natin para di tayo gabihin."
"Sama kami. Para may extra points din." Sabi ni Christopher.
"Oge. Basta mamaya." Sagot ko.
-Simbahan-
"Bilisan niyo naman. Dali!" At habang nagbubunot sila ng damo, may camerang nakatutok sa kanila. Hahaha. Para silang Badjao, pare! Hihihi. Dahon kasi ung dapat na main material namin sa parol kaya yan!
"Wait lang. Tama na ba 'to? Tara na umuwi. Pinagtitinginan na tayo dito eh.." Sabi ni Max.
"Malamang pagtitinginan talaga tayo! Para kaya kayong badjao dyan. Hahaha." Sabi ko.
"Badjao? Kagwapo ko namang badjao. Hahaha." Si Topher na feeling. Hahaha.
"Masyadong mahangin. Hahaha. Uwi na tayo." Sabi ko.
So.. Yun! Andito na ako sa bahay. Nakakapagod kahit wala naman masyadong ginawa.
Eto kadalasan kong routine sa bahay.
-Pasok sa kwarto.
-Hagis si Bag.
-Hubad sapatos.
-Hilata sa kama.
-Pahinga onti.
-Bihis.
-Ready to gala!
Hahaha. Grabe 'no? Para akong di pagod samantalang kakasabi ko lang naman kanina na nakakapagod. Hihihi.
"Sam? Tara kina Jayzen." Text ko kay Sam.
"Tara. Punta na ako dyan." Reply niya.
Ang bilis niya 'no? Kapag galaan talaga usapan, kagagaling namin. Hahaha.
~
A/N:
Hahaha. Na-tripan ko lang po 'to. Thank you for reading! Vote and Comment mga dre! Wag na mahiya. Hahaha. Lovelots! :*
-HerNobody
BINABASA MO ANG
TOLS
AcakIsang kwento ng barkada. Normal na ung mga kwentong ganito at madami na ding naisulat. Pero kasi.. Istorya po 'to na hango sa barkada namin. Gusto ko lang isulat. Hehehe. Its OKAY kung ayaw niyo basahin. I just wanna write 'bout it. Siguro dahil na...