"MAPAGPARAYA"
ni: Binibining Kaye👑Ano nga ba ang pag-ibig? Yan ang lagi kong tanong,
Na gusto laging mabigyan ng tugon,
Kung saan ito nagmula at kung paanong maipapakita?Simulan ko sa tanong na naglalaro sa isipan ko,
Isang tanong na hindi magawang masagot ng isip ko,
Isang tanong na sa mismong sarili ko ay bumabagabag at gumugulo.Unang tanong ay kung ako ba ay papahalagahan?
Ikalawa ay kung ako ba ay iingatan?
At pangatlo ay kung hindi ba ako iiwanan.Nong una kasi napakasweet mo pa,
Akala ko nong una hindi ka magsasawa,
Na kapag ang aking ngiti ay iyong nakikita,
Tila nagliliwanag ang iyong mukha.Mga panahon na tayong dalawa ay magkasama,
Ang pag ibig mo ay nararamdaman ko ng higit pa sa sobra,
Na kahit may makita ka pang iba at mas maganda,
Ikaw ay umiiwas na lang sa kanila.Pero dumating yong araw na nakita mo sya ,
Bakit parang ikaw ay natutulala na lang bigla,
Dumaan ang ilang araw at ikay nagbabago na,
Bakit yong pakikitungo mo sakin ay parang nag-iba ,
At siguro ito ay dahil sa nakita mo kanina.Lumilipas ang mga araw,nawawala na ang iyong paramdam,
Ni hindi ka na nagchachat sakin o kinikumusta man lang,
Hindi ka na rin nagpapakita sakin kahit malapit lang naman,
At ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ka ganyan.Noong nakita ko kayong magkasama,
Napapansin kong sobrang close nyo na sa isat isa,
Kaya ito ako ngayon na sa inyong dalawa ay naghihinala,
Pero sinasabi mong 'Kaibigan ko lang sya'.Isang gabi tinawagan kita,
Pero bakit parang may kasama kang iba?
May naririnig pa akong tumatawa,
Siguro nga masaya ka na talaga sa kanya.Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa,
Kaya nong umagang tumawag ka sakin bigla,
Agad ko itong sinagot pero hindi nagsalita,
Pinapakinggan ang sasabihin mo at tila nakanganga,
Dahil sa sinabi mong "Mabuti pa maghiwalay na tayong dalawa"Dahil sa sinabi mo wala na akong magagawa,
Hahayaan na lang kita kung saan ka masaya,
At oras na bumalik hindi na kita tatanggapin pa,
Dahil hindi ako gamit na matapos mong pagsawaan ay iiwan mo na lang.

BINABASA MO ANG
STATUS KO KAY CRUSH
De TodoLahat naman siguro tayo ay mga crush diba? Sabi nila Having no crush is an abnormal. I don't believe in that saying. Crush is Paghanga. Sometimes nawawala Sometimes lumalala. Normal lang sa tao ang magkacrush because it's a part of being a teenager ...