I am Gio Wrippens. A simple man with simple dreams. Grade 10 student.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad at pupunta ako ng library para iresearch yong tungkol sa activity na ginawa namin kanina.
"Uy Kuya! Kuya" sabi nitong babae na mukhang grade 8 student base sa kanyang neck tie.
"Ano ba? Kanina ko pa ikaw napapansin na sunod ng sunod sa akin" singhal ko sa kanya
"Crush nga kasi kita" pag-amin n'ya pa.
"Oh ano naman ngayon?"pambabara ko sa kanya
"So tayo na" nagpapacute na sabi n'ya pero hindi naman cute.
"No, hindi, nah and never. Wag mo na nga akong sundan, umalis ka na!"
"Hindi ako aalis kuya hangga't hindi mo ako kinacrush back"pamimilit n'ya pa.
"Sinabing umalis ka na eh. Wala akong paki kung gusto mo 'ko. BASTA AKO? WALA AKONG NARARAMDAMAN NA GAYA NG SA 'YO"sigaw ko na takaga
"Ayy. Ang cute n'yo pong magalit kuya"
"WTF! Hey Miss. Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag ako ang tripin mo, okay? Pogi ako kahit hindi ako galit"
"Cute lang ang sinabi ko kuya hindi po pogi" pananama niya.
"So what?"sabi ko at tumakbo na ng mabilis para hindi na n'ya ako maabutan.
Next Day..
Break time na kaya napagpasyahan kong pumunta ng canteen para kumain. Umorder na ako nong paborito kong pagkain at naupo sa pwesto ko.
"Wow Kuya Gio, paborito mo rin ang dutchmill at fries? Omygod favorite ko rin yan eh, pareho tayo ayieee. Diba ang sweet?"
Yes tama kayo. Andito na naman si Sarah na makulit.
"Shut up your mouth, will you? Nakakarindi ka na. Sobrang ingay at daldal mo na daig mo pa yong nakalunok ng microphone"
Nalaman ko yong name don sa isang babae na nakakita sa'min sa hallway na nagtatalo kahapon. She's Sarah Morein.
"Calm down Kuya Gio. Baka mamaya ay bugahan mo 'ko ng apoy. At isa pa po, maganda ang boses ko. Kantahan kita lalala~🎶 lalala~ 🎶"
Hindi ko na lang s'ya pinansin at dinala ko na lang yong pagkain ko saka s'ya nilayasan.
Next day..
Vacant kami kaya tumambay muna ako sa labas ng room. Pero sa kasamaang palad, magkatabi yong room namin. TVL ata nila pero mukhang wala ring klase.
Kumuha muna ako nong libro na paborito ko at umayos ng upo.
" Huwaaww Kuya. Nagbabasa ka rin n'yan? Pareho tayo hihi. Paborito ko rin magbasa kapag walang ginagawa. Nabasa ko na 'yan, ang ganda nga eh"
"Ano ba Sarah! Ang kulit kulit mo. Hindi ka ba napapagod? Kelan ka ba titigil ha? "
"Alam mo crush. Hindi hindi ako mapapagod sa pagpapapansin sa iyo hanggang buhay pa ako"malambing na sabi niya.
"Then sana mamatay ka na!"sigaw ko diretso tayo
"Honey wag namang ganyan oh. Liligawan mo pa ako tapos magdedate pa tayo at magpapakasal tapos magkakaroon ng maraming anak"
Hindi ko na lang siya pinakinggan at pumasok na lang ako sa room.
Another day..
Naglalakad ako papuntag computer lab for the next subject.
"Hay sa wakas kuya nakita rin kita. Meron akong niluto para sa'yo" nakangiting wika ni Sarah.
"ANO NA NAMAN 'YAN?"
"Ito oh" sabi n'ya sabay abot nong isang plastic bag.
"AYOKO NGA! Baka mamaya may gayuma pa yan o kaya lason. Ikamatay ko pa yan"
"Yuxx. As if namang papatayin kita kuya. Bakit ko lalagyan ng lason ang pagkain ng taong mahal ko? Ede parang pinatay ko na rin yong sarili ko dahil pinatay ko yong mahal ko?"mahabang sabi n'ya. I guess, she's serious base pa lang sa tono ng pananalita niya.
"Ayoko nga kasi. Bakit ba napakakulit mo?"
"Tanggapin mo na kasi kuya. Pinaghirapan ko 'yang lutuin kahit hindi ako marunong"
"A--YO--KO PERIOD! Ikaw na lang kumain n'yan"
"Sige na kasi kuya pleaseee"
"I don't want psh. Tantanan mo na ako"
"A-YO-KO PERIOD "panggagaya pa n'ya pati yong tono ko
" GO AWAY! I don't want to see your cu-- your face"
"Kahit palayasin mo pa ako ng palayasin. Tandaan mo! Magiging akin ka rin"maawtoridad na sabi n'ya. Pinabayaan ko na lang at nagpatuloy na sa paglalakad dahil late na ako.
Next day..
Busy ako sa paglalaro ng online games pero ~
"Go Gio.. Go Gio. Go go go go Go Gio.." kanta n'ya pa. Walang iba kundi si Sarah Morein na naman.
"Potaena Sarah Morein! "
"What the! Sayang kuya Gio. Kunting kembot na lang mananalo ka na"
"Oo nga! KUNTI NA LANG AY PANALO NA PERO MAY TUMABING MALAS AT IKAW YON"
"Hoy! Hindi po ako malas, dyosa po ako"
"Argh Sarah! Lumayas ka na nga. Kainis"
"I shall return Honey" sagot niya at umalis na
Next day...
Medyo nanibago ako. Biglang nawala ang presensya n'ya. Aaminin kong nakukulitan ako sa kanya pero kinikilig rin ako. Yes, namimiss ko na s'ya, baka nga nafall na rin ako eh. Sa araw araw ba naman na panahon na lumilipas at s'ya 'yong laging nakakamulatan ng mata mo-- sinong hindi makakamiss sa taong 'yon hanggang sa nabalitaan ko na lang na umalis pala sila at ng pamilya niya para ipagamot s'ya sa States. Sinabi nong kapit-bahay nila na umalis raw at ipapagamot s'ya.
"Bro, bakit ang tamlay mo na nitong mga nakaraang araw?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ko.
"Miss na niyan si Sarah"
"Oo nga"
"The more you hate, the more you love nga naman"Nilayasan ko na lang sila dahil naiirita ako. Umiiwad nga ako sa nararamdaman ko pero heto sila at kinukulit ako.
Weekend. Walang pasok. Naisipan kong sumimba para na rin ipagdasal s'ya kahit araw araw ko naman na 'yong ginagawa pero may hindi ako inaasahang mensaheng natanggap- mula sa pinsan niya
"Kuya, w-wala na si Ate Sarah. Hindi niya kinaya 'yong operasyon"
Awtomatiko akong napaluha dahil sa pagkabigla.
Ni hindi ko man lang rin nasabi sa kan'ya ang tunay kong nararamdaman. Na sana pala ay una palang ay magtapat ka na at iparamdam mo agad na mahal mo rin s'ya. Sobra akong nagsisi dahil hindi ko man lang nasuklian 'yong pagmamahal na ibinigay niya.
Mahal rin kita Sarah Morein.- End -

BINABASA MO ANG
STATUS KO KAY CRUSH
RandomLahat naman siguro tayo ay mga crush diba? Sabi nila Having no crush is an abnormal. I don't believe in that saying. Crush is Paghanga. Sometimes nawawala Sometimes lumalala. Normal lang sa tao ang magkacrush because it's a part of being a teenager ...