BAKIT?

36 2 0
                                    

"BAKIT"
ni: BinibiningKaye👑

Bakit bigla kang nag-iba?
Hindi ka na ba masaya?
Ayaw mo na ba na merong tayong dalawa?
Sawang sawa ka na ba talaga?
O baka naman meron ka ng iba.

 Bakit bigla kang nagbago?
Bakit nag-iba bigla ang iyong gusto?
Ginawa mo lang ba akong pampalipas oras?
Kung ganon! Ikaw ay wala pa ring kakupas kupas.

Bakit hindi na ako?
Maganda ba talaga ang iyong gusto?
Pasensya na dahil iyon ang wala ako.
Simple lang naman kasi ako,
Pagmamahal lang ang tanging maibibigay ko.

Bakit mo ako iniwan?
Bakit umalis ng walang paalam?
Ni hindi ko man lang natanong kung anong dahilan,
Umalis ka kasi ng biglaan,
kaya ayon! Hindi ko napaghandaan.

Bakit hindi na ako ang iyong mahal?
Kelangan pa ako nagkaron ng karibal?
Nakakasiguro ka ba na kayo ay magtatagal?

Napakaraming bakit ang nais kong masagot.
Ngunit ayaw mo dahil sabi mo walang magandang dulot,
Pag nalaman kung mas okay pa ako sa bago mo,
Ihahampas ko sayo ang salitang "Nasa dyosa ka na,Naghanap ka pa ng Iba"

STATUS KO KAY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon