Chapter 10 ( Bar )

23 5 0
                                    


Keisha Pov

Nagising ako sa pagkakatulog ng nag-ring yung phone sa bulsa ko,

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa pagbabantay kay cloe

Unknown Calling.....

"Hello sino to?"

"Bakit hindi ka pumasok kanina pa kita hinahanap sa school, kaya kaba hindi nakapasok kasi kinilig ka ng sobra kasi hinatid ka ng pinakapoging si ary third matte?" pagmamayabang nyang sagot sakin sa telepono

"MANDIRI KA NGA SA SINASABI MO! SAKA PAANO MO NAKUHA NUMBER KO!? sigaw ko sa telepono na parang gusto ko na durugin pero wala pala akong pamalit kaya wag nalang

"I have own ways, sunduin ba kita? may sakit kaba? dalhan kita ng gamot?"

Hindi ko alam kung anong iniisip ng taong to parang kini hmmm kinikilig talaga ako sa mga banat nya oo na malandi na ako kasi naman kamuka nya yung ex ko saka parang sya talaga si ary ko

"No thanks, wala akong sakit binabantayan ko lang yung bestfriend kong may sakit bye!"

Kahit naman kinikilig na ako hindi naman ako yung babaeng easy to get

Ary Third Matte Pov

Anong meron sa babaeng yon at pinatayan ako ng phone hayss

bumalik ako sa canteen kasi kanina habang kumakain kami ni ace naisip kong tawagan sya kaya lumabas ako

"Bro mukang nag-away yata kayo ng babae mo a ang sama ng muka mo e" pambungad ni ace sakin pagkaupo sa upuan

"Pinapahirapan talaga ako nung babaeng yon grrrrrrr" Nanggigigil kong sagot kay ace habang hawak yung phone kong onti nalang masisira na sa higpit ng pagkakahawak ko dito

"Easy lang bro baka sakin mo ibuhos yang galit mo hahahaha" sinasabi ni ace habang tumatawa

"Nga pala may nakasama pala akong chiks kagabi sa bar 10 out of 10 bro ang ganda nya ang sexy pa sya na ata yung pinaka magadang babae na nakita ko" duktong na sabi ni ace

Ngayon ko palang nakita si ace na ganto sa babae kasi kahit maraming nagkakagusto kay ace na babae hindi nya pinapansin at wala syang pake sa babae pero ngayon mukang tinamaan na si loko

"Mukang tinamaan ka ata sa babae a pakilala mo naman sakin para ma-rate ko na kung 10 out of 10 ba talaga hahahaha"

"Yun nga e kaso hindi ko natanong kung anong pangalan nya pero dito daw sya nag-aaral kaya nga dito ako nag-aral para mahanap sya" naka simangot na sagot ni ace

"Matutulungan mo ba ako third diba sa inyo naman tong school? so makikita natin lahat sa records yung mga pumapasok dito"

Nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na pagmamay-ari pala ng pamilya namin itong school na pinapasukan ko

"Almost 10,000 students ang pumapasok dito ace nababaliw kanaba? pero sige tutulungan kita hanapin kung sinong babae yan hahaha i have my own ways hahahaha" Pagmamayabang kong sagot sa kanya

Keisha Pov

Biglang gumising si cloe nanghihingi ng tubig

*inabutan ko naman sya ng tubig kasi nasa tabi ko lang yung mesa*

"Kamusta pakiramdam mo" Tanong ko sa kanya pagkatapos nyang inumin yung tubig

"Medyo maayos na salamat be, Nga pala marami pala akong ikukwento sayo ammm saan ko ba sisimulan"

Ano naman kaya ikukwento netong babaeng to

"Ganto kasi yon be kagabe uminom ako sa bar tapos may tumabi sakin na lalaki pagkatingin ko sa muka ng lalaki OMGOSHH AMPOGI BE!" kwento neto na pinaghahapas ako sa kilig parang nawala bigla yung sakit nya

"Tapos tinanong nya kung may kasama daw ba ako sabi ko naman wala at nagtuloy tuloy yung inuman namin hanggang sa..." Bigla syang tumigil sa pagkwekwento

"Ano nangyari? bilis ano nga? pa-bitin pa kasi ano na?" yamot kong sabi sa kanya

anong iniisip nyo dyan hindi ako chismosa no minsan lang hehehehe

"Teka lang ano ba kinilig parin ako" Sabay hampas ulit sakin onti nalang papatulan ko na to e

"Tapos yun na nga nakakarami na kami ng iniinom tapos bigla akong nalasing at nagpaalam ako sa kanya na uuwi na ako sabi naman nya ihahatid nya daw ako pero tumanggi ako pero sabi nya ulit kahit hanggang sa makasakay lang daw ako ng taxi pumayag naman ako, Nung palabas na kami bigla nalang akong na out of balance at bigla nalang nag black out yung paningin ko at yon bigla nalang ako nandito sa bahay hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi o paano ako nakapasok sa room ko pero isa lang alam ko ang pogi at ang macho nya" tinapos nya yung kwento na namulala yung pisnge nya at pinaghahampas yung unan hindi na ako hinampas nya kasi tinitigan ko na sya ng masama kasi alam ko ng hahapasin nya ulit ako natakot naman sya kaya sa unan nalang

"Yan bar pa! napapala mo wala naman nawala sa gamit mo? cellphone at wallet mo wala bang nawawala? o baka naman may masakit ba sayo? baka rapist yon?" Bigla kong tanong sa kanya

"Sa pogi nyang yong hindi nya gagawin yon saka walang nawala sa gamit ko at walang masakit sa katawan ko bukod sa ulo ang mali ko lang ayyy..." Pabitin nanaman nyang sabi

"Ano? yan ka nanaman sa mga pabitin mo kalbuhin na kaya kita?" gigil kong sabi sa kanya kasi ba naman ang hilig mag pabitin

"Hindi ko nalaman yung pangalan at contact number nya, muka nya lang ang natatandaan ko pero sabi nya sa University Of Hell din daw sya nag-aaral kaya feeling ko magkikita ulit kami para bang destiny" Sabi neto na nakatulala at parang nababaliw na

"Alam mo? pahinga mo nalang yan mukang malala kana saka uuwi muna ako hindi papahinga narin muna ako sa bahay so seeyah tommorow beshie" Pagpaalam ko sa kanya binigyan ko pa sya ng kiss sa forehead ganon kami ka sweet mag bestfriend.

Until When?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon