Chapter 8 ( Lunch )

33 7 1
                                    


1:43 pm


1:43 pm na pero hindi ko parin nakikita si ary,napagdesisyonan kong yayain syang kumain para matapos na tong dare sakin ni cloe

Biglang may narinig akong nagtitilian sa hindi kalayuan doon banda malapit sa gate ng campus namin

Agad naman akong lumapit para malaman kung ano ba o kung sino ba yon,Nakita ko si ary pinagkakaguluhan ng maraming girls

Hays paano ko sya mayaya kumain neto e malungkot kong sa sarili ko kasi pag hindi ko pa nagawa to hindi parin ako papasinin ni cloe bukas

Maka uwi na nga lang at hindi narin ako papasok sa last subject

KEISHAAAA!!!! bigla kong narinig ang pangalan kong sinisigaw ng kung sino hindi ko kilala yung boses

at pagkaharap ko nakita kong tumatakbo papunta sakin si ary

Nung nakarating sa harapan ko hinahingal sya at gulat na gulat naman ako kasi bakit nya ako nilapitan at sinugaw pa pangalan ko

"Keisha pwede mo ba ako itakas sa mga babaeng yon?" Treat kita ng lunch basta takas mo lang ako sa kanila " Sinabi nya sakin yun na parang nagmamakaawa

Hindi ako makasagot kasi ba naman ako yayain ng gantong kapoging lalaki at pinagkakaguluhan pa ng mga babae dito sa campus

"Please! Sagot ko narin pati drinks mo or kahit anong gusto mo" Biglang sabi ulit nito habang mas lalo pa syang nag papacute para pumayag ako

"Sige" sagot ko

Nakita ko naman yung muka nya na ang saya nya pero nagtataka ako na sa daming magagandang babae dito sa campus na nagkakagusto sa kanya bakit ako pa?

nagulat ako nung bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinala nya ako papuntang parking lot hindi ko alam bakit hindi ako tumutol sa paghawak nya sa kamay ko

habang papalakad kami papuntang parking lot nakita kami ng mga babaeng crush na crush sya at yung mga muka nila gulat na gulat kasi hawak ni ary yung kamay ko


Pagkarating namin sa may parking lot tinanggal ko na yung pagkakahawak nya sa kamay ko


"Bakit mo hinawakan yung kamay ko?"


"Bakit ngayon mo lang tinanong?" Sagot nya na parang nang aasar pa


Namula naman yung pisnge ko pero tinitigan ko sya ng masama

"Sorry sorry ok? ginawa ko lang naman yun para hindi na sila humabol pa satin sorry ulit... hmmmm... treat nalang kita kahit saang restaurant para makabawi naman ako sayo, saan mo ba gusto?" Sabi nito na muka naman seryoso sya sa pagsosorry pero bakit parang kinikilig ako sa way ng pagtanong nya sakin kung saang restaurant


"Kahit sa Mcdo nalang ok na sakin yun basta libre mo lahat a kulang kasi ako sa budjet ngayon" sabi ko sa kanya budjet ewan ko ba bakit bigla atang kumapal muka ko feeling ko ang ganda ganda ko hehehe


"Oo naman tinulungan mo ko e kahit anong gusto mo ituro mo lang bayaran mo narin joke hahaha sige ako magbabayad sa lahat hahaha" Sagot nito na nakangiti pero bakit halos lahat ng expression ng muka nya ang cute


Bigla syang lumapit sa car na nasa tapat namin at binuksan yung pinto"Ano na? Pasok na " May kasama pang kindat nung sinabi nya nonNamula nanaman tuloy yung muka ko sa kindat nyang makalaglag pantay ayyy bad keisha bad

Until When?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon