CHAPTER 9

19 0 0
                                    

---------------------------------------------

Pagpasok ko ng library wala masyadong tao. Iilan lang. Anlaki ng library nato well organize talaga. Umupo naman ako sa bandang dulo. Pagkaupo ko, sa bandang gilid ko naman my seryosong lalaki na nagbabasa ng libro na sa sobrang seryoso nya yung libro sobrang lapit na sa mukha nya. Mga tao talaga dito ang lalakas ng tam-----

*Mytumatawagmytumatawagmytumatawaagggg*

Alam nyo naman siguro kung kanino yun. Pero diko sinagot kasi malalaman nilang akin yun edi napagalit---- , *BLAG* Tunog yan ng libro na binagsak.

"Urhggggg! Can you shut your fckin phone?!!!" o_O Alam nya nasakin yung tumutunog? Te-teka si-si Mr.Presi-sident. Pa-patay na.

"Labas!!" Nakatingin na samin yung iilang studyante. Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang bag ko. Pero diko parin sinasagot ang cp ko. Hinayaan ko lang syang tumunog ,

"Pumunta ka bukas ng maaga sa office." Sinabi nya habang papaaalis ako. Urgggg. Patay na talagaaa.

Paglabas ko ng library tska ko sinagot ang phone ko.

*Mytumatawagmytumatawagmytuma----

"Hello!" Sabi ko ng mejo inis.

"Asankaba?!" Si MM palato.

"Kakalabas ko lang ng library."

"Pumunta ka na sa room para sabay tayong mag lun--." Hindi nya natapos ang sasabihin nya kasi parang my nanghila sa phone nya.kaya na off ang cp nya. Mmm. Weird.

Habang paakyat naman ako pinagtitinginan ako. Ano bang meron?!! Kaya pala dumami na ang tao lunchbreak na. Mapuntahan na nga lang si MM sa taa---

"Araaaayyy!" Pinatid ako. At ayun nadapa.

"Hahahahahaha" Tawa ng karamihan. Tatayo na sana ako pero biglang my humigit ng bag ko. Walangya ano to bully? Nagulat ako ng biglang binuhos nya ang laman ng bag ko. Napaangat naman ang ulo ko. Namukaan ko sya isa sya sa mga cmate namin na nakapalibot kay MM nun. Inapakan nya ang ilang notebook ko. Tumingin sya sakin at ngumisi. Nagtawanan naman yung iba. Tapos tinalunan nya ng tatlong beses ang mga notebook ko. Ganyang ganyan yung ginawa ko sa Libro kanina ah?! Sinipa nya pa ang bag ko. Pinagtitinginan na kami. Ngumisi sya at sinabing ..

"Ok ba? Ganyan ang ginawa mo kanina diba? Pagaya ah! Walang modo libro pa ni Emmanuel ang ginanon!!" Sinabi nya yan at sabay talikod sabay irap naman sakin ng mga alipores nya. Nagdampot ako ng kung ano ang madampot ko at tumayo ako at sabay bato sakanya . Bengaaaaa Sakto sa ulo. Hmm Akala nya papatalo nalang ako?!

"Owwwwwwww" Sigaw naman ng mga tao sa paligid namin. Nanlaki naman ang mga mata ng alipores nya. Hinawakan nya ang kanyang ulo at sabay dahan dahang humarap sakin. Tinitigan ko sya ng akala mo mangangain ako ng tao. Naka cross arm pako.

"How dare you!!!!" Sigaw nya at akma pa akong susugurin.

"Sige, Subukan mong lumapit sakin at pati tong rubber ko ibabato ko sayo!!" Napahinto naman sya. Napangiti naman mga alipores nya at napawi din nung tinignan sila nung leader nila. Yung mga tao naman sa paligid parang na amaze at parang gulat na gulat sila. Yung mga lalaki namang nasa paligid tumatawa lang. Yumuko nako dahil pupulutin ko ang mga gamit ko.

"Hindi pa tayo tapos!!!" Sigaw nya.

"Sige lang, Pero oy teka pa abot naman ng binato ko sayo." Lalo naman nagtawanan yung mga taong nasa paligid. At nung natapos ko ng ligpitin ang gamit ko tumayo nako at tinignan sya.

My Past And My Future.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon