CHAPTER 8

23 0 0
                                    

------------------------------------

Pumasok kami sa isang office room. Umupo sya kaharap ng table habang kaharap din ako. Napatingin ako sa nakapatong na pangalan nya, Clarck Emmanuel Lee. -Student President. Napalunok naman ako sa nakita ko napatingin naman ako sa gilid ko at o_O Boom DSA Pala to. Sht* Ano batong mukang nerd na sobrang gwapo -_- Napailing naman ako.

"Anong course mo?" tanong nya.

"Ah. ano buissness manag--"

"Bago ka?"

"Ah oo. Ano uy sa nangyari kanina ano di ko naman alam na libro mo yun e yung lalaki kasi kanina alam ko sya nagbato sa liko--" Pinutol nya nanaman ang sasabihin ko.

"Sign this." Napatingin naman ako sa papel na inilahad nya. Hayssss >< Walangya talaga yung lalaki nayun.

*DetentionPermit.

Seryoso?! My detention pang nalalaman talaga?!!

"Wag naman o. Pasensya kana talaga kasi. Promis--"

"Sign." Mahinahon nyang sabi.

"Sorry na firstday ko lang ngayon kaya pls naman papasukin mo muna ako pwedeng bukas nalang ako mag ganyan? Sige na naman o." Napatingin naman sya sakin at sinabing .

"Labas."

"Ha?"

"Sbe ko labas na. Ang daldal mo! Pasalamat ka gumana yang palusot mo sakin." Sabay ikot ng sweevelchair nya. Kaya nakatalikod na sya sakin.

"Sala--"

"Wag kang magpasalamat kasi sbe mo bukas nalang, Diko kakalimutan bukas ang parusa mo." Akala ko ligtas nako -_- Di parin pala -_- Lumabas nalang ako. Naiinis talaga ako. Porkit StudentPres. Sya Pag nasira gamit nya kelangan nya na magpataw ng parusa?! Urggggggggg.

*Sa room.

Pagkatok ko pinapasok naman agad ako. Pinagtitinginan nila ako. Nakita ko si MM Nag sasign lang sya sakin kung ok lang ba daw ako. Tumango naman ako.

"Youre miss Gomez right?"

"Ahm. Yes Mam."

"Umupo kana lang kung san my vacant seat jan." Sabay sulat ulit ng teacher na mataba nayun sa whiteboard. Wala ng bakanteng upuan sa unahan dahil puno ng mga sipsip na estudyante. Sa gitna naman my mga nakaupo narin na tuloy lang sa daldalan. Di naman ako makaupo sa tabi ni MM kung makakapit kc sa kanya yung mga babae tsk alam lang kasi nila na sobrang popular si MM kaya ganyan -_- Sininenyasan naman ako ni MM nadun nako umupo. Kaso tinarayan ako ng mga nakapalibot sakanya kaya nag sign narin ako sakanya na ok lang. at smpre ang ending ko umupo sa likuran na kung saan uso ang tulugan. Dahil ang vacant seat nalang na upuan sa katabing lalaki na nakayukyok ang mga ulo sa desk nya dun nalang ako naupo. Langya wala naman akong maintindihan sa pinagsasabi netong mataba nato -_- Kaya pala boring na boring ang mga tao dito sa room e kaantok din tuloy. Pero pinilit kong hndi makatulog dahil smpre kailangan ko nga maging rank1 dba? Sana lang kasi tingin ko wala naman pakelam yung mga tao dito kung babagsak man sila o hndi -_- Kaya eto ang ending pinilit kong makinig kahit wala talaga akong maintindihan. Mayamaya my pinagawa sa aming seatwork at teka sabay gising naman ng mga tao dito sa likod napatingin ako sa gilid ko banda kela MM. o_O te-teka eto yung mga lalaki kanina na kasama ng lalaking playboy ah?!

*Kalbitkalbit*

Napasinghap naman ako nung my kumalabit sakin kaya napatingin ako sa kabilang likod ko and tenenenenennn. Sabi na nga tama hinala nyo sa kabilang side ko katabi ko yung lalaking playboy -_- Nagulat din naman sya kaso ngumisi nalang sya. Naasar talaga ako dito puro pa gwapo. Oo gwapo na sya pero wag na masyadong i expose -_-

"Pengeng papel." Sabi nya. Mayaman mga tao dito dba?! Bat wala syang papel? Dikaya magsasaka lang to na nakapasok lang dito dahil scholar sya pero muka batong matalino? At my magsasaka ba na ganto kagwapo?

"Wag mo na kong titigan enge ng papel." Naalarma naman ako sa sinabi nya at namula na naman -_- Mabilis ko na lang binigay sakanya yung papel nya.

"Salamat." Aba marunong palang magpasalamat to? Nginitian ko naman sya . Pero inirapan lang ako? Teka bakla bato? Anubayan andaming pumapasok sa isip ko. My ipaskil naman si Mam na chart kung saan andun ang mga tanong 15 question lang naman at onting calculations. Pero wala pa atang 15mins. nagulat ako ng bigla syang tumayo at ipinasa na ang papel nya kay Mam. Aba Totoo yun? Bumalik na sya sa upuan at nya at natulog ulit. Mayamaya nagulat ako nung nagsalita sya.

"Musta parusa? Himala dika binigyan ng detention ng kumag nayun?!" Sinabi nya habang nakayuko parin. Maka kumag naman to. Kung isumbong ko kaya to para marusahan rin?

"Bukas pa ang parusa ko. Sinabi ko lang na wag muna ngayon kasi firstday. Langyaa ka ksi." Sabi ko naman habang nagsusulat. Napaupo naman sya sa huling line na sinabi ko. At sabay harap sakin.

"What did you say?!" Tsk Bakla na nga bingi pa. -_- Humarap din ako sakanya.

"Sabi ko wa-lang-hiya ka kasi." Pagkasabi ko nyan tumingin na ulit ako sa papel ko.

"Ako pa walang hiya?!" Tsk ano bating tao nato e sya naman talaga!!

"Oo ikaw! Kung nagsorry kana lang kasi edi sana diko na nagawa yun sa libro na binato mo sakin! Tapos hndi naman pala sayong libro yon!"

"Bat naman ako magsosorry?! Sgurado kabang ako ang nagbato?!" Aba at iniinis talaga ako neto deny pa! e sya lang naman nakita ko na nangigisi bukod sa mga nasa likod nya na lalaki kanina!.

"MAG DEDENY KAPA E IKAW NAMAN TALAGA! E SINO PALANG NAGBATO?! MULTO NA KASAMA NYO?!" Napasigaw na tuloy ako.

"EH HINDI NAMAN TALAGA AKO E! YUNG KUMAG NAYUN ANG NAGBATO! E UMILAG AKO! MALAY KO BANG NASA LIKOD KA AT IKAW ANG NATAMAAN!!" Pasigaw nya ring sabi. Pero mas malakas parin yung akin kanina.

"EDI SANA DIKA UMILA--" My Kumalabit na naman sa likod ko kaya ako napahinto. At Snbeng ;

"ANO BA YO----" Napatingin ako sa klase ang tahimik. Napatingin ako kay Mam ang sama ng tingin sa kin. Napatingin ako kay MM napangiwi naman sya. Sht* pinagtitinginan na pala kami ang ingay namen Urg.

"Miss Gomez. Pass your works finish or not ang go outside in this room with Mr.Lee!!!" Sabi nung tcher naming mataba.

"E mam hindi pa po ako tapo--"

"Kung hindi mo kasi inuna yang pakikipagsigawan mo kay Mr.Lee edisana tapos kana!! So pass your work i said and GO OUT!!" Wala nakong nagawa kundi ayusin ang gamit ko at ipasa ang papel ko. Yung Lee naman na yun lumabas sa kabilang pinto. Teka Lee? Wait parang san koba nakita yun? Ahhhh bstaaaaa. Naiinis ako! Dahil jan sa Lee nayan andaming ka letsehang nangyari sa Firstday ko! Urg. My araw karin saking Lee ka!!

- Naglakad lakad nalang ako kung saan. Hndi ko pa naman kabisado tong campus. Napatingin naman ako sa orasan ko . 11:30 na pala. Hihintayin ko lang mag 12 Lunchbreak na. Hmmm, Makapunta ngang rooftop. Teka parang ayoko nalang. Ay sige na nga, Ay wag nalang. Parang ayoko. Tsk. Makapunta na nga lang sa library.

My Past And My Future.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon