Chapter 50 ~^.^~ "Yes ma'am"

7.6K 257 153
                                    

 

 Jiyoung's POV

Sisimulan ko na ang OPERATION SMILE para sa pinakamamahal kong babae.


Wala na kong pakielam kung tawagin akong corny o baduy. Basta gagawin ko lahat ng kacheesehan na alam ko para sa kanya.

Dito lang ako nakatira sa tabi ng bahay nila Akira. Pinagawa pala to nila dad last year. Di masyadong malaki, di din masyadong maliit. Katamtaman lang. Ang masaya pa dun, yung room ko ay dito sa 2nd floor, katapat lang nung kwarto ni Akira sa kabila. Magkatapat lang yung window namin. <3

One week before magsimula ang klase, umuwi ako dito. Medyo natagalan din ang paglipat ko dito kasi madami pang inasikasong papers para makatira ko dito sa Pinas. For good. Dito na rin siguro ako magcocollege.

Di muna ko nagpakita kay Akira that day. Syempre galit pa sakin yun. Ang nakakaalam lang eh si tita at tito. Pati si Xander. Yung kapatid niya. Close na nga kami nun eh. Tol tawagan namin. Bilib din akong sa batang yun. Mukhang mas madami pang alam sa buhay kesa sakin. Kung makapagsalita, parang matanda eh. HAHAHA.

I'm living here alone. Ako lang naman ang umuwi dito sa Pilipinas. Marami kasing kailangang asikasuhin si mom at dad sa Korea. Sabi nila baka daw next year pa nila ko masamahan dito. Sila Tita Emily at tito ric daw muna bahala sakin.

Bumili ako ng bike kahapon. Panghatid kay Akira. Para sabay na kami pumasok sa school. :) Tsaka na ko bibili ng kotse. >:P

"Bye mommy!!!! Bye daddy!!!!"-Akira

Nilapitan ko agad syempre. :)


"Good Morning Akira!"

Mukhang nagulat siya kung bakit ako nandito.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Syempre para sabay tayong papasok sa school. ^___^"-me

"Ayan lang nga pala yung bahay ko oh. Ayun kwarto ko oh! Ang galing noh! Tapat lang nung sayo!" dagdag ko pa.

Tiningnan niya lang ako ng saglit at naglakad na palayo.

"Jiyoung. Wag susuko. Kaya mo yan!"-Tita Emily and Tito Eric

"Syempre naman po tito, tita! Mahal na mahal ko yang anak niyo eh! Di ako susuko!! Bye po!!"

"That's my man!"-tito

"TOL!! bye!"-Xander

Biglang sumulpot si Xander sa likod nila tito at kumaway din.


Lalong lumakas ang loob ko. Tanggap ako ng pamilya niya pero siya, kailan kaya ulit ako matatanggap? Tiwala lang!


Sumakay ako agad sa bike at nagpedal papalapit kay Akira.

"Akira, sakay ka na para di ka mapagod."

"no thanks. Kaya kong pumunta dun ng naglalakad."

"Hindi. Angkas ka na."

"Ayaw ko nga sabi di ba?"

"Hindi ako titigil hangga't di kita nakikitang ngumiti ng ako ang dahilan. Di na kita sasaktan. Di ba nga pinromise ko sayo yun?"

"PROMISE! PROMISE NANAMAN? Jiyoung, ayan nanaman tayo sa mga pangako na yan eh. Promise, di kita sasaktan. Promise di kita iiwan. Promise ipagtatanggol kita. Yang mga yan, natupad ba? Sinaktan mo na ko. Nung araw na yun, Iniwan mo yang mga pangakong yan nung mas pinaniwalaan mo si Jinah. Tapos ngayon, sa tingin mo maniniwala ako sayo?"


I Met Mr.Cold on my Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon