CHAPTER EIGHT

22 0 1
                                    


CHAPTER EIGHT

3rd Person's POV

Inaayos ni Jenny ang kanyang sarili ng biglang may pumasok sa CR.

"Totoo ba lahat ng narinig ko?" tanong ng pumasok.

Napatigil si Jenny sa kanyang ginagawa at napatingin sa taong kasama niya ngayon sa CR.

"B-Bakit ka andito? T-Tsaka a-anong sinasabi mo?" kinakabahang tanong ni Jenny.

"Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo ni Dhanica. At hindi ako tanga para hindi maintindihan kung ano ang pinag-uusapan niyo!!!" sigaw nito okay Jenny na nabigla sa pagsigaw nito.

"Huminahon ka muna. Hayaan mo kong magpaliwanag please.." pilit ni Jenny at lumapit dito.

"Paliwanag?! Hindi na kailangan. Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo ito? P*tang*na Jenny matalino ka alam mo yan! Pero anlaking katangahan ang ginawa mo. I have no choice Jenny. Sasabihin ko sa leaders ang ginawa mo" galit na sabi nito tsaka tumalikod para umalis na pero pinigilan ito ni Jenny.

"Please wag mo ako isumbong sa kanila. Lalo na baka mapatay ako ni Anne Joyce at matulad ako kay Dhanica. Kilala mo ang leaders hindi sila nagpapatawad at nagbibigay ng second chance. Kung kailangan nilang pumatay, papatay sila at alam mo yun." Paliwang ni Jenny at kitang-kita dito ang kaba at takot..

Tumingin lang ang kausap nito sa kanya at ngumisi na parang demonyo.

"Bullshit! You know the rules Jenny. And you broke the rules. Its time for the punishment of your consequences." Sabi nito kay Jenny at tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanya.

Shanen's POV

Kasalukuyan kaming nasa Gymnasium ngayon. Bakas sa aming mukha ang takot, gulat at pagtataka. Halatang di pa rin kami nakakalimot sa nangyari kahapon.

Sino ang gumawa ng kaguluhan na ito?

Hanggang ngayon ay hindi parin kami makapaniwala na wala na si Ma'am Juanson ang adviser namin.

"Girls nasan si Jenny?" biglang tanong ni Erika.

"Im here"

Napatingin kami sa likod at nakita namin si Jenny.

"Saan ka ba nagpunta kahapon at di ka umuwi sa dorm?" tanong ni Anne Joyce.

"May pinagawa lang si Daddy sakin about sa company. Why?" sagot nito.

"Wag ka na magsinungaling Jenny. Don't worry naiintidihan ka namin hahahaha" sabi ko dito.

Napataas naman ito ng kilay sakin.

"Diba ikaw si Juanson Jr. kaya we understand you na gusto mapag-isa. Hahahah" pang-aasar ko dito.

Binatukan naman ako ng malakas nito.

"Ouchy! My brain cells" maarteng sabi ko.

"Gusto mo isa pa?" banta ni Jenny.

"Girls behave na kayo may papasok" saway ni Anne Joyce.

Tumigil na kami ni Jenny.

Maya maya'y may pumasok na investigator..

"Magandang umaga sa inyo. Ako ang investigator na na-assign sa nangyari ngayon. I'm Detective Michael Angelo. Magtatanong lang ako saglit. Sino kasama ni Crislyn kahapon?" tanong nito at siyang kinagulat namin.

"Ano?!! With all due respect Detective, ano pong tinatanong niyo ngayon? Si Crislyn? Ang pagkaka-alam namin si Mrs.Juanson ang pag-uusapan natin ngayon." Inis na sabi ni MJ.

Bigla naman nagbago ang aura ni Detective Michael.

"Im sorry class. Sa tingin ko hindi niyo pa alam ang nangyayari ngayon." Sagot ng detective.

"What do you mean Detective?" mataray na tanong ni Samantha.

"Section J im sorry to inform you that your classmate Ms.Crislyn Wilson is dead."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Make A WishWhere stories live. Discover now