Ch. 4

180 5 1
                                    

"what the fck did I saw"

Sabi ni CL na parang maluha luha na.

Nasa loob sya ngayon ng cr at kinakausap ang sarili sa salamin.

"Wala yun Chaerin wala yun. Tanggalin mo na sa isip yun wala lang yun"

hanggang sa maalala nya uli ang eksena.

"Wahhhhhhhhh! ano ba yan! erase! erase!"

Biglang may lumabas sa cubicle na syang kinagulat nya.

"Ang ingay ingay mo naman. Nasasapian ka ba?"

para syang nastroke sa nakita nya. Sobrang gandang babae. Para syang anghel.

Gosh. Ang ganda nya. Isip ni CL.

"Hey! Im talking to you!"

"A-ahh ano...hehe hindi nagpapractice lang ako mag drama hehe tska kase ang ganda ganda mo hehe"

Namula naman ang babae sa sinabi nya. Tila nahiya ito pero naisip nyang tibo ba tong kausap nya.

"Ui. Di ako Lesbi ah, maganda ka naman talaga for sure marami nang nagsasabi sayo nyan.Sge una na ko ah! Bye bye"

Paalis na sana si CL nang tawagin sya ng babae.

"Ako nga pala si Samara. Ikaw?"  nakangiting inalahad ni Sam ang kamay nya. Nagdadalawang isip si CL kung tatanggapin nya ba ito or hindi

"U-uhm. Faith" nakahinga nang maluwag si Samara nang iabot sa kanya ni CL ang kanyang kamay akala nya kase mapapahiya pa sya.

Ngumiti silang dalawa at lumabas na.

Habang naglalakad nalaman nilang magkakaklase sila sa ilang subjects para sa araw na ito.

Nang makapasok na sila sa classroom may iilang estudyante na rin di kagaya ng klase nya tuwing Mondays.

"Nga pala, sabi mo kanina nagpapractice ka umarte. Gusto mo tulungan kita? President ako ng Drama club sa school natin" nakangiting sabi ni Samara habang inilalapag ang bag sa upuan.

Nagulat si CL.

Actually kanina pa sya nagugulat kase kinakakausap sya ng magandang babae na to na sa tingin nya ay sikat sa buong school. Hindi nya alam kung nakikipagkaibigan ba to or casual na chikahan lang.

"Ay naku hindi na. Wala naman akong future dun hehe" pero deep inside gustong gusto nya sumali. Pero sabi nya sa sarili noon bago pumasok ililimit nya ang sarili nya. Hindi sya sa sasali sa mga clubs or orgs ng school. In short, di sya makikipagsocialize.

"Ano ka ba naman. Panu mo malalaman kung di mo susubukan? Tska lahat ng students dito kelangan may dalawang organizations. Isang mother org at isang pang extra curricular org" nakangiting sabi ng kausap.

tila nabingi naman si CL duon. Ibig sabihin kelangan ko tlgang sumali?!!!

"hala hindi ba pedeng walang org?"

"Hindi pede yun noh baliw hahaha" sabi nito na parang close na close na sila.

Although, nagtataka si CL kase parang close na nga tlaga sila ni Samara sa way ng pakikipagusap neto. Magaan ang pakiramdam nya kay Sam, feeling nya parehas sila ng ugali kaya mabilis silang nakapagpalagayan ng loob.

After 30 minutes dumating na ang prof nila.

"pagisipan mo ah" bulong ni Samara.

Tumango na lng sya. 

Nagstart ng magklase ang prof nya after nitong magpakilala. 

Ni hindi man ito nag goodmorning. Mukang napunta sya sa isang terror na prof. Yare.

Habang nagsusulat, bigla nyang naalala ang nakita nya kaninang umaga bago nya makilala si Sam.

Umiling iling sya, "Erase. erase" 

"huh? may sinasabi ka ba?" bulong ng katabi nyang si Sam.

"w-wala" napapikit sya ng mariin.

Nakikiusap na mawala na sa utak nya ang malaswang nasaksihan sa gilid ng hagdan.

"Ahhhhhhhhhhhhhh!" sa sobrang frustrations nasigaw nya ang dapat nasa isip nya lang.

"What the?! What's the problem Miss?!" sigaw ng prof nya na mukhang sasabog na sa galit.

Namutla naman si CL at kinabahan. Second day na second day mapapagalitan pa sya.

"Sorry sir. Hinaharot ko po kase sya" nagulat sya ng magsalita si Samara. Tinignan nya ito ng anong-sinasabi-mo look.

"you two get out!"

"But sir--" hihirit pa sana si CL nang hilahin na sya ni Sam. 

"tara na"

"Get out!!!!!" 

ay palabas na nga sisigaw pa. Galit na galit lng? isip ni Samara.

dumiretso sila ng canteen.

Napansin nyang lahat ng tao nakatingin sa kanilang dalawa.

Napayuko sya.

Nang makahanap sila ng pwesto agad silang umupo dito.

Halos lahat ng atensyon nasa kanilang dalawa narinig nya pa ang mga bulung bulungan.

Nairita sya pero di na nya pinansin at pinahalata.

Bigla nyang naalala ung pagpapalabas sa kanila ng prof nila.

"ui bat mo ginawa yun?!"

"Kase kaibigan kita? Tsaka okay lang yun no, ang saya nga e hahaha first time ko din yun"

nakonsensya naman daw sya dun. Pero ano daw masaya tska kaibigan?

"K-kaibigan mo ko?" nauutal nyang tanong.

"Oo. Ayaw mo ba? Ramdam kong mabait ka kaya gusto kita. Di katulad ng mga ibang babae dyan"

napanod na lang sya pero nagtaka din kung ano ang ibig nyang sabihin.

"Everytime na lang kaseng lalapet saken gusto daw nilang makipagkaibigan pero di ko sila pinapansin kaya ayun makakarinig na lang ako ng kung ano ano habang nakatalikod ako sa kanila" kwento nito.

"You mean hindi ka talaga nila gusto maging friend?"

"Exactly. Ewan ko kung bakit gusto nila akong makaclose pero pinaplastik nila ako. People nowadays"

"Siguro dahil sikat ka?"

"Sikat?"

"oo pansin naman e halos lahat dito nakatingin sayo"

napasigh naman si Samara.

Ramdam nya si Sam. Di madali yung tinitingala ka ng lahat di madali yung ang tingin sayo ng mga tao ay perfect pero sa totoo lang ay hindi. Tao ka lang din, nagkakamali.

Umorder si Samara ng madaming pagkain. Sa una ay nahiya pa si CL pero naubos din nila ung mga pagkain.

Pauwi na sya ngayon at buong araw si Sam lang ang kasama nya. Gusto pa nga nitong ihatid sya pero sinabi nyang may sasakyan sya.

Ayaw nya talagang magdala ng bisita sa bahay nya hangga't maari. 

Baka kase may makita pa at mabuko sya.

----

Sikat sya?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon