PEACE

62 3 6
                                    


Napatingin ako sa wrist watch ko bago ako diretsong naglakad palabas. Katatapos lang ng huling klase namin kaya napagpasyahan kong puntahan uli siya para dalawin. Ilang linggo na siyang nandoon at alam kong wala nanaman siyang kasama dahil busy ang mga magulang niya sa pagtatrabaho at sa pagpapalago pa ng kanilang negosyo. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may umakbay saakin dahilan para magtindigan ang mga balahibo ko.



"Hey bud. Pupuntahan mo uli ako?" rinig kong sambit niya. Hindi ako umimik at marahan kong inalis ang braso niyang nasa balikat ko. Diretso lamang ang tingin ko sa daan dahil alam kong sumusunod lamang siya saakin dahilan para makaramdam ako ng panlalamig. 


Ganito na lang ang naging routine ko sa araw-araw. Papasok sa eskwela at bago umuwi, dadaan muna ako sa malapit na ospital para kamustahin ang lagay ng bestfriend ko. Ilang linggo na siyang nasa coma matapos siyang mahagip ng isang truck habang naglalakad kami pauwi.



"Mukhang uulan ng malakas ngayong araw Shea. Umuwi ka na. Alam kong wala kang dalang payong." wika ng nasa likod ko at sinabayan akong maglakad papasok sa entrance ng ospital. 


Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako hanggang makapasok ako sa kwarto kong saan naroon ang sadya ko. Rinig ko ang tunog ng makinang nakakonekta sa katawan niya at kitang kita ko rin ang mga pamumutla ng balat niya.



Tinitigan ko lamang ang natutulog na mukha niya at hindi ako nagpaligoy ligoy na hawakan ang kamay niya. 


Ang lamig.



"Bakit mo ako iniwan mag-isa ngayon? Nakikita mo ba? Nag-iisa na lang ako. Bakit kailangang iwan mo rin ako?" mahinang bulong ko at ramdam ko ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga luha ko sa pisngi ko. 



"Hindi ka naman niya iniwan. Hindi mo ba nakikita? Nasa tabi mo lang siya." wika ng nasa likuran ko at marahang naglakad papunta sa kabilang side ng hospital bed at masinsinan niya ding tinitigan ang lalaking nakahiga rito.



"Damn, ang gwapo niya naman kahit may sugat sa mukha." natatawang sambit niya bago muling bumaling saakin. "Bakit ka ba ganyan sakanya? Mamamatay na ba siya kaya ganyan ka umiyak?" natatawang sambit pa niya kaya napatitig din ako sakanya. Kitang-kita kong nasasaktan siya ngayon pero mas pinili niyang ngumiti para saakin. 




"Bumalik ka na please? Bumalik ka na Andrei. Sabi mo nandito ka lang lagi para saakin pero bakit ganito?" hilam na luhang sambit ko bago ako pumikit.


 Ang sakit. 


Sobra.



"May mga tao talagang mas pipiliin na lang na matulog na lang habang buhay dahil paggising nila, sasambulat nalang ang magulong realidad nila." malungkot na wika ng lalaking nasa harap ko kaya nag angat ako ng tingin sakanya.



"Ikaw ba, pipiliin mo pa bang manatili sa realidad na puno ng pasakit at gulo? Pipiliin mo pa bang lumaban kung wala ka naman talagang ipinaglalaban?" malungkot na tanong niya. 


Nanghihina akong napaupo sa tabi ng kama at mahigpit kong hinawakan ang kamay ng lalaking ilang linggo ng natutulog sa hospital bed na nasa harap ko. 


Ayoko ng ganito.



"Kailangan mong magising Andrei. Nandito pa rin ako. Bestfriend mo ako kaya kung may problema ka sabihin mo naman saakin oh. Gumising ka na. Miss na miss na kita." mahinang bulong ko habang nakatingin sa tiles ng silid na ito. Ilang minuto namalagi ang katahimikan ng makarinig ako ng tunog na tila ba nagpaistatwa sa buong katawan ko.


 No. 


It can't be.



"Kailangan ko ng umalis." wika ng lalaking nasa harap ko kaya mabilis akong tumayo para pigilan siya. Hindi. Hindi ko kaya na maging siya ay iwan ako.



"No. Please. Stay with me. Ikaw nalang ang natitira saakin pero bakit pati ikaw iiwan din ako? Akala ko ba nandito ka lang sa tabi ko para palakasin ang loob ko at gabayan ako? Bakit ka aalis kung kailan mas kailangan kita?" galit na wika ko habang umiiyak sa harapan niya. Nakita kong nag-iwas siya ng tingin at huminga ng malalim.



"People just come and go Shea. Nasa kanila na 'yon kung pipiliin nilang umalis o mag stay sa buhay ng isang tao." bulong niya na sapat lang para marinig ko ito sa kabila ng ingay ng makina na nagpapakita ng tuwid na guhit sa monitor nito at dahilan para mawala ang matinong pag-iisip ko.



"Can you stay for me. Can you stay by side no matter what?" saad ko dahilan para mas lalo pa akong maiyak. He want to leave me but I don't want to. Ako nalang ang dahilan kaya hindi siya makaalis sa ngayon at mas pinili niyang manatili sa tabi ko hangga't patuloy pa rin akong nagmamakaawa sakanya para mag-stay.



"Nasa tabi mo lang ako Shea at nandito." tinuro niya ang dibdib niya kung nasaan ang parte ng puso niya at hinawakan niya ang baba ko para tingnan ako ng masinsinan. Kitang-kita ko na nahihirapan rin siya sa gagawin niyang desisyon pero desidido na siyang gawin 'yon.



"Pagod na rin ako Shea. Pagod na rin akong harapin ang magulong realidad kaya kung pwede lang. Pwede na rin ba akong magpahinga? Sobrang hirap na Shea. Gusto kong manatili pa sa tabi mo para damayan ka pero hindi ko na kayang lumaban pa para makabalik."


 "Hindi na pwede dahil oras ko na para umalis. Pagod na ako kaya sana hayaan mo na akong umalis. Shea, pwede na ba akong magpahinga?" wika niya na siyang dahilan para mas maiyak pa ako ng lubusan. Ako ang dahilan kung bakit hindi pa siya umaalis.



 Kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon pinipili niya parin na manatili sa tabi ko kahit pagod na siya. Kasalanan ko lahat. Hirap na napatango ako at pikit matang sinabi ko ang katagang matagal na niyang hinihintay.



"Then go. All you ever did is to try to stay by my side. You did everything and I'm sorry for being selfish. Even if it hurts," I give him my sweetest smile for the last time, "I'll let you to rest now."



"You can rest now, Andrei."



Kasabay ng ingay ng makina sa loob ng silid na 'yon ay dahan-dahang naglaho ang imahe ng lalaking kanina lamang ay kausap ko. Malungkot akong napangiti ng sulyapan kong muli ang bestfriend kong tila natutulog lamang sa hospital bed na nasa harapan ko.








"Rest in Peace. My Andrei."

-END-

Broken Promises (one-shot) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon